Kabanata 20
Naging maayos naman ang sumunod na gabi ko rito sa mansyon ng mga Morfeo. Sadyang hindi lang maiwasan na makaramdam ako ng bigat sa tuwing nagkakasama silang buong pamilya. Kung si Tita Maxima lang at si Mama Hacintha, magaan naman sana ang loob ko. Pero kapag iyong mga tiyahin na ni Cronus, ang bigat-bigat.
Dalawang bagong lalaki ang kasama namin ngayon sa hapag-kainan. Sa tingin ko ito ang asawa nina Valentina at Margot, tiyuhin ni Cronus.
"Who is she?" tanong ng lalaking may makapal na bigote.
"She's my wife, Uncle Theodore," sagot ni Cronus.
Napahimas sa baba iyong isa pang lalaki habang pinag-aaralan ako. Umakyat na naman ang kaba sa akin.
"Do you enjoy your life here?" he asked.
I was caught off guard. "Uh... I'm adjusting po."
"Adjusting?" tumaas ang kilay ng lalaki, ang mukha niya ay parang hinuhusgahan ako. "That's an interesting way to put it."
I glanced at Cronus, hoping he'd step in, but he remained silent.
"Don't mind him," sabi ni Cronus, sabay tingin sa lalaki. "Satin's still getting used to all of this, Uncle Maxton."
Naging makapal ang tensyon. Nanatili akong tahimik, hindi ko alam kung paano pakikiharapan ang mga taong ito na tila may mga sariling agenda at hindi madaling magtiwala. Si Tita Maxima na matagal nang tahimik ay nagsalita upang paluwagin ang sitwasyon.
"Maxton, baka gusto mong ibahagi ang mga bagong developments sa minahan?"
Iyon ang pagkakataon na hinahanap ko, kaya nagpasalamat ako kay Tita Maxima. Si Cronus ay mabilis na sumang-ayon at nagsimula nang pag-usapan ang mga detalye ng minahan. Doon naramdaman ko ang kaunting ginhawa, ngunit hindi ko maiwasang makaramdam ng kabiguan. Ang mga titig nila, ang mga tanong, lahat ng iyon ay nakaka-pressure. Saan ba ako lulugar sa mundong ito?
Sa bawat hagok ng usapan tungkol sa negosyo at minahan, hindi ko pa rin maiwasang mag-isip, bakit ako? Bakit ako ang napili ni Cronus? Kasi kung tutuusin, hindi ako nababagay dito. Ano bang alam ko sa takbo ng pamumuhay nilang mayayaman.
Kung saan-saan na napunta ang usapan, may pagkakataon na nagkakasagutan ang magkakapatid na lalaki. Laging may nasasabi ang mga tiyuhin ni Cronus kay Thadeus Morfeo kapag may suhestiyon ito. Sumabay pang nakikisali ang mga asawa nila.
I didn't know how long we'd been sitting there, pero ang laking kaginhawaan sa akin na makaalis na sa mesang iyon.
Niyakap ko ang sarili ko habang nakahiga sa kama, si Cronus ay nasa banyo at naliligo.
I didn't know what he expected from me in all of this. How could I even begin to navigate a world that wasn't mine? The constant pressure from his family, their scrutinizing looks, it made me feel like I was on trial.
The sound of water stopped, nasa loob ng banyo si Cronus. He wasn't always the easiest to read, but there was a part of me that couldn't help but wonder if he understood just how overwhelming all of this was for me.
Bumukas ang pintuan ng banyo. I turned my head to see him, his hair damp and a towel slung low around his hips.
"Cronus, I want to go home."
I didn't know how to bring it up, but the words slipped out.
"Gusto mo ng bumalik sa Yukon?"
Umiling ako. "Gusto ko ng umuwi sa amin. Gusto kong makita at makasama ang pamilya ko."
He paused mid-step, his eyes darkened as he processed what I said. He moved to the dresser, taking his time to pull on his clothes, but his focus remained on me.
YOU ARE READING
In the Shadow of Diamond (COMPLETED)
Romance(Gemstone Chronicles #1) A diamond is rare, precious, and hard to break. And he treats her as his prize to be claimed.
