Kabanata 35
I truly can't comprehend why some people feel the need to use or manipulate others just to ease their own emotional pain. It's as if hurting someone else is the only way they can deal with what they're going through. But in the process, they end up causing more damage.
Pain shouldn't be a reason to justify treating people like tools for personal healing.
"Medical na lang, puwede na akong pumasok," nakangiting sabi ko kay Mama, hawak ang brown envelope na halos mapunit na sa dami ng papel sa loob.
Napatingin si Mama mula sa lababo, hawak pa ang basang basahan.
"Sabihin mo lang kung anong kailangan mo, may hawak pa naman ako rito," ani Mama at ngumiti sa akin.
Ngumiti rin ako. "May maliit po akong natabi, Ma. Kapag nakapagsimula na ako sa trabaho, madadagdagan pa 'yon."
Kumuha ako ng baso, nagsalin ng tubig at uminom. Hinilut hilot ko ang aking sintido. Naglaba lang naman ako kanina at naglinis ng bahay. Medyo naninibago ang katawan ko at hindi ko maintindihan. Paano ba naman, ilang buwan akong walang ginagawa ko. Ni makapaghugas ng mga plato ay hindi ko nasubukang gawin.
"Ma, ang sabi ni Manang Lydia, nabili na raw itong bahay?" tanong ko nang maalala.
Itinigil ni Mama ang ginagawa at nilingon ako. Tumango siya.
"Binili ni Cronus," sagot niya.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko at umupo.
"Ibig sabihin, alam mo pala, Ma?"
Ilang segundo siyang tumitig sa akin. "Hindi ko alam noong una. Nagulat nalang ako na hindi na naniningil si Lydia ng upa, pati lahat ng pinagkakautangan natin. Noong kinausap ko sila na para sana makiusap, ang sabi ay nabayaran mo na raw."
Namilog ang mga mata ko. "Lahat po ng utang natin?"
She nodded. "Oo. Ilang beses ding isinugod si Sam sa hospital, nagugulat nalang ako na bayad na pala. Ang buong akala ko ay ikaw ang nagbabayad. Inisip ko na nasaktan kita sa huling pag-uusap natin noon kaya naglayas ka, pero hindi tumitigil sa pagsuporta sa amin ng kapatid mo."
Muli akong nagpakawala ng pagod na buntong hininga. Hinilut hilot kong muli ang sintido ko, biglang sumama ang pakiramdam ko.
"Isang buwan bago kami dinala ni Cronus sa Canada, nagpakilala siya sa akin. Sinabi niya ang lahat. Alam mo, halos isumpa ko siya sa lahat ng inamin niyang ginawa niya sa'yo. Pero dahil sa sobrang desperada kong makita ka, pumayag na rin akong sumama sa kaniya sa Canada para makita ka. Hindi tama ang ginawa niya, bilang isang ina ay walang kapatawaran 'yon. Kaya lang, nakita ko kasing masaya ka sa kaniya."
Parang may malakas na hampas ng alon sa loob ng dibdib ko, naghalo ang gulat, galit, at isang uri ng pagkalito na hindi ko maipinta.
"Kung alam ko namang hindi ka masaya sa kaniya, kung alam ko namang hindi mo siya mahal, talagang hindi ako magdadawang isip na ipakulong siya. Kahit walang wala tayo, gagawin ko 'yon, Satin.... pero mas gusto ko ang kasiyahan mo,"
Napayuko ako. Hindi ko alam kung sa pagod, sa inis, o dahil ayaw ko munang makita ni Mama ang panibagong luha sa mga mata ko. My hands trembled slightly as I gripped the edge of the table, pinipigilan ang sariling umiyak. Napahawak ako sa aking noo at ang isang kamay ay sa aking tiyan.
My stomach turned. A wave rolled through me, hot, sour, dizzying. Mabilis akong tumayo at lumapit sa lababo, almost knocking the chair back in my rush. Umurong si Mama upang mabigyan ako ng laya, but her voice was muffled under the roaring in my ears.
YOU ARE READING
In the Shadow of Diamond (COMPLETED)
Romantizm(Gemstone Chronicles #1) A diamond is rare, precious, and hard to break. And he treats her as his prize to be claimed.
