Kabanata 2
Iniharang ko ang aking braso sa masakit na liwanag na tumama sa aking mga mata nang imulat ko ito. Amoy ng mamahaling pabango ang humalo sa hangin sa loob ng silid. I looked around. I saw I was lying on a big, soft bed covered with smooth sheets.
Puno ng gintong dekorasyon ang buong paligid, from the shining light hanging from the ceiling to the elegant wooden furniture. Isang malaking landscape painting ang nakasabit sa isang pader, at mabibigat na kurtina ang bumabalot sa matataas na bintana.
"Nasaan ako?" I whispered, my throat dry.
I swung my legs over the side of the bed, my bare feet sinking into the thick carpet. Mabilis ang pag-iisip ko habang sinusubukan kong alalahanin kung paano ako naparito. The last thing I could recall was a strong grip on my arm and a sweet-smelling cloth then everything went black.
Nang tumayo ako, nanghina ang aking mga binti. The door looked inviting but fear held me back. I pressed my ear against it to listen for any sounds outside, pero katahimikan lang ang naririnig ko. I turned the knob, pero hindi ko ito mabuksan.
Umikot ang paningin ko at nahagip nito ang isang veranda na natatakpan ng glass sliding door, a large veranda filled with potted plants.
But the beauty of it all only made me feel more scared. Sino ang nagmamay-ari nito? Bakit ako narito?
I was about to step onto the veranda when the door suddenly swung open. A tall man in a neatly pressed suit stepped inside. He looked calm, but something in his expression made me uneasy.
"Good afternoon." He carried a tray with a covered plate and a glass of juice. "I brought you something to eat."
"Sino ka? Anong ginagawa ko rito?" I asked, stepping back.
"You need to eat. Kanina ka pa hindi kumakain," he replied, ignoring my questions.
"I want to know why I'm here!" I pressed.
He set the tray down on the small table beside the bed and straightened up, his face expressionless.
"You'll be taken care of. Just eat."
Magkahalong takot at pagtataka ang naramdaman ko. "Please, just tell me what's going on!"
He didn't answer, instead turning to leave the room. My heart raced as I called after him.
"Teka! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!"
But he simply closed the door behind him, leaving me alone again. I stared at the tray, feeling helpless. Ang mga pagkaing nakahain ay mukhang masasarap, mga pagkain ng mayayaman pero wala akong gana.
Umupo ako sa kama at niyakap ang aking tuhod. Naguguluhan ako. Kung anu-anong tanong ang pumapasok sa isip ko. Saan ako? Bakit ako narito? Anong kailangan nila sa akin? May atraso ba ako sa kanila kaya nila ako dinala rito at ikinulong?
Halos kalahating oras na ang lumipas nang muling bumukas ang pinto. Isang panibagong lalaki ang pumasok sa silid. Napaayos ako mula sa pagkakaupo nang tumingin siya sa akin, saka lumipat ang tingin sa tray ng pagkain.
"Bakit hindi ka pa kumakain?" Bakas sa mukha niya ang pagkataranta.
"Hindi ako kakain hangga't hindi niyo sinasabi sa akin kung bakit ako narito!"
"Kailangan mong kumain dahil kanina ka pa walang kain. Magagalit sa amin si... si Boss—"
"Sinong boss?" matapang kong tanong kahit may kaba sa dibdib. "Sabihin mo, sinong boss mo?!"
Napakamot siya sa batok habang naglakad papunta sa pinto. "Manthon! Hindi pa kumakain ang babae!"
Kumunot ang noo ko. Muling pumasok ang lalaking nagdala ng tray. Napuno ng problema ang mukha niya nang tumingin sa akin at sa pagkaing hindi pa nababawasan.
YOU ARE READING
In the Shadow of Diamond (COMPLETED)
Storie d'amore(Gemstone Chronicles #1) A diamond is rare, precious, and hard to break. And he treats her as his prize to be claimed.
