Kabanata 29
I had always prided myself on being independent But with him, it was different. He made me feel things I hadn't expected to feel. I wasn't sure when it happened, this shift in my feelings. It wasn't a sudden revelation, but a gradual realization that I enjoyed his company. That I looked forward for more.
At sa totoo lang, I was no longer just enjoying his company. I was beginning to need it. Crave it, even.
Wala akong naaalala na nagkaroon ako ng seryosong relasyon. Nagkaroon ako pero high school pa ako at hindi naman nagtatagal, hindi ko rin masasabi na pagmamahal iyon. Puppy love, siguro.
I didn't even know what I was expecting when I first let him into my life. Maybe I thought he'd just pass through. Kaya hindi ko alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko para sa kaniya.
Naramdaman kong maging ako muli. Naramdaman kong maging babae, naramdaman kong inaalagaan. And I hate that it scares me.
Because the truth is, I'm starting to care. More than I should. More than I planned to. And caring, really caring means risking something I've spent years protecting.
Bumalik na sa trabaho si Cronus. Hindi na nakakabagot ang mga araw ko rito sa mansyon dahil nakakasama ko sina Mama. May body guards at driver na inatasan si Cronus para sa amin kung gusto naming lumabas at mamasyal.
"Masaya ako at masaya ka."
Hindi natanggal ang ngiti ko mula kay Sam na nagtatampisaw sa pool kasama sina Mona at Diana. Walang makalaro si Sam kaya silang dalawa ang kinukulit niya. Lumingon ako kay Mama na kanina pa pala ako pinagmamasdan.
"Masaya po ako kasi magkakasama tayo rito," sabi ko at ngumiti.
"Bukod doon," ngumiti rin si Mama at umiling. "Ilang taon rin na kami ang iniisip mo. Isinantabi ang mga pangarap at kasiyahan para lamang sa amin ng kapatid mo."
I sighed. "Ma, kayo ang kasiyahan ko."
Tumangu tango siya. "Alam ko naman 'yon. At alam ko rin na may mga pangarap ka para sa sarili mo. Ang dami mong sinakripisyo para sa amin ng kapatid mo. Ilang taong kami ang inaalagaan mo at iniisip mo."
Nag-iba bigla ang ihip ng hangin. Nangilid bigla ang luha sa mga mata ko dahil sa seryosong salita ni Mama.
"Kaya masaya ako dahil ikaw naman ang inaalagaan." kinuha niya ang kamay ko. "Alam mo, Satin, noong nalaman ko na kinasal ka nang ganoon kabilis, nagalit ako. Nagalit ako dahil bilang isang ina, alam kong marami ka pang gustong gawin sa buhay mo at hindi pa kasama roon ang biglang matali sa isang tao."
I couldn't look her in the eyes.
"At hanggang ngayon, nagtatalo pa rin ang isip ko. Pero ngayong nakikita kong masaya ka kay Cronus, wala akong magawa kundi ang magpaubaya. Ilang taon mong kinalimutan ang sarili mo para sa amin, kaya alam kong panahon naman para piliin mo ang sarili mo, kung anong magpapasaya sa'yo."
I felt the sting of tears but I didn't fight them.
"Mahal mo na ba siya?" she asked softly without judgment.
Natigilan ako sa tanong niya.
Kasi hindi ko pa alam. But I know I feel... safe with him. I feel seen. And for the first time, I feel like me again. Maybe even more than that.
"Hindi ko pa po alam. Natatakot din po ako na baka... hindi pala kami pareho ng nararamdaman." kinagat ko ang labi ko.
Ngayon lang ako napaisip tungkol sa bagay na 'to. Hindi ko naman iniisip ang ganito. Nakakatawa nga at kailangan ko pang mapaisip kung mahal ba namin ang isa't-isa gayong mag-asawa naman kami. Naisip ko kasi na una palang, sex at anak lang ang habol sa akin ni Cronus. Kapag naibigay ko na ang anak na gusto niya at kapag nagsawa na siya sa akin, tapos na ang role ko sa buhay niya.
YOU ARE READING
In the Shadow of Diamond (COMPLETED)
Romansa(Gemstone Chronicles #1) A diamond is rare, precious, and hard to break. And he treats her as his prize to be claimed.
