Kabanata 7

9.8K 125 0
                                        

Kabanata 7

The checkup results came back, and everything's clean. No issues, no signs of anything wrong. I'm physically healthy, as far as the doctor said. The blood test came back normal, and all the other checks showed no problems.

Aaminin kong kahit papaano ay napanatag din ako, dahil siyempre ay katawan ko ito. But then, I realized that even though I'm physically fine, this whole situation still felt like a trap. It was like passing a test that I didn't want to be a part of in the first place.

I couldn't help but think about the reason Cronus made me do this. Sinabi niya noong una na hindi niya ako gagawing parausan, pero malakas ang pakiramdam ko na iyon at iyon talaga ang gagawin niya sa akin. Lalo na ngayon.

Still, I admit that being clean might help me, at least in the short term. Cronus wouldn't have a reason to doubt me now, and that could give me a little breathing room. But I couldn't forget the bigger picture. Being clean on the outside didn't mean I'm safe. I'm still trapped in his world, and I have to keep looking for a way out.

So, while I passed the checkup, it didn't change anything. I still have to find a way to break free from this place. The real challenge's ahead of me.

Hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak nang umiyak. Masiyado na akong nanliliit sa sarili ko. Alam kong hindi na dapat bago sa akin ang ganito, sirang-sira na ang dignidad ko. Pero bakit ganoon? Mababa na nga ang tingin ko sa sarili ko, parang lalo pang pinapamukha ng mundo iyon sa akin.

Kinuha ko ang wallet ko, naroon ang maliit na picture namin nina Mama at Sam. Sumakit ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang larawan namin. Ilang linggo na akong nakakulong dito, siguradong nag-aalala na sa akin si Mama.

Hindi naging maganda ang huling beses na pag-uusap namin. Ilang araw ko ng iniisip kung ano na kaya ngayon ang iniisip ni Mama kung nasaan ako. Hinahanap niya kaya ako? Paano kung halos mabaliw na siya kakahanap sa akin?

"Miss na miss ko na kayo," hinalikan ko ang picture at muling humikbi.

Hindi ko alam kung kumusta na ang kalagayan nila. Nakalabas na kaya si Sam sa hospital? Ano na kayang ginagawa ni Mama ngayon para lang may makain sila ni Sam? Iyong pambili ng gamot ni Sam, saan niya kaya kinuha?

I hate the fact that I felt so helpless, so far away from the people I love.

"Miss Satin..."

Mabilis kong pinahid ang luha nang pumasok si Manang Hilda. Nakayuko ako at hindi agad nakapag-angat ng tingin.

"Miss Satin, umiiyak ka?" nag-aalalang tanong niya.

Lumapit siya sa akin at umupo sa gilid ng kama.

"Miss Satin, anong problema?"

Inangat ko ang tingin. Pagod ang mga mata ko at alam kong halata pa na umiyak ako.

"Manang Hilda, may pamilya po ba kayo? Anak?" tanong ko.

Tumitig siya sa akin at kumurap, mukhang natigilan siya sa tanong ko.

"Namatay ang anak at asawa ko, Miss Satin, wala na akong pamilya." she simply said.

I nodded slowly.

"Miss na miss ko na ang pamilya ko, Manang Hilda. Ako lang ang inaasahan nila, hindi ko alam kung kumusta na ang kalagayan nila."

She didn't respond, but I could feel her presence.

"Wala namang hindi gustong makasama ang pamilya 'diba? Manang Hilda, ilang linggo na po akong wala sa amin. Hindi ko po mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Mama dahil sa pag-aalala kung nasaan ako. Kung kayo po ang nasa posisyon ni Mama, halos mababaliw po kayo kakahanap sa anak niyo, hindi po ba?"

In the Shadow of Diamond (COMPLETED)Stories to obsess over. Discover now