Kabanata 12

9.3K 99 0
                                        

Kabanata 12

Kinusot ko ang aking mga mata nang tumama ang araw sa aking mukha. Bumangon at hinigpitan ang hawak sa puting kumot na nakabalot sa aking katawan. Ngumiwi ako nang maramdaman ang masakit na bahagi sa ibabang parte ng katawan ko.

Shit! Last night was... wild!

Tiningnan ko ang pintuan ng red room, mukhang naka-lock na ulit ito. Hindi ako makapaniwala na naranasan ko ang ganoon!

I had never experienced that kind of sex before, ever. When I was with Levi Chua, everything between us was pretty straightforward. We had what you'd call normal sex, no toys, nothing experimental. It never crossed the line into anything wild or unexpected. I wasn't this horny before.

But with Cronus... it's like something inside me has switched on. My desire around him is something I can't control, something I've never even felt before. I've noticed that my libido becomes intense when it comes to him. I don't understand myself, it's like I really, really want to feel him. It's intense, almost animalistic. I find myself constantly craving the way he touches me, the way he looks at me like he knows exactly what I need.

Tumama ang mga mata ko sa side table, may dalawang designer paper bag. Kinuha ko iyon at tiningnan ang laman. May nakaipit na note kaya binasa ko.

"I know you're probably still feeling the aftermath of last night. Take your time with the meal."

Uminit ang pisngi ko. Ibinalik ko ang note sa loob ng paper bag at nilagay iyon sa loob ng closet. Napatanong ako bigla. Ganito ba ang lagi niyang gagawin kung may mangyayari sa aming dalawa?

Bigla akong nahiya. Nilubayan ako ng galit ko sa kaniya kagabi, hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin iyon. Ano bang ginagawa sa akin ni Cronus at napapasunod ako?

Naligo ako at nagbihis para lumabas na ng kuwarto. Dumiretso ako sa dinning area kung saan naroon ang mga kasambahay at si Manang Hilda.

"Good morning, Miss Satin," bati nila na nakangiti.

"Good morning," I replied.

Umupo ako. Inilagay nila sa harapan ko ang ilang mga pagkaing may sabaw, hindi ko alam kung anong tawag sa mga ito. Napansin ko bigla ang pangingiti ng mga kasambahay.

"Ah, si Cronus po?" tanong ko kay Manang Hilda.

"Pumasok na opisina, Miss Satin," nakangiting sagot ni Manang Hilda. "Ipinagluto ka niya. Ang habilin niya ay kumain ka raw nang marami."

Natigilan ako. Ipinagluto?

"Siya po ang nagluto nito?" tanong ko at inamoy ang usok na nanggagaling doon.

"Yes, Miss Satin."

I nodded. "Oh, marunong pala siya magluto."

Tumawa sila.

"Marunong pero sobrang dalang magluto. Ngayon na nga lang iyon nagluto." sagot ni Manang Hilda.

"Mukhang good mood nga si Sir Cronus. Parang kagabi lang, nag-aaway kayo. Ano kayang nangyari. Hmm..." nanunukso ang tono ng boses ni Dian.

Muling nag-init ang pisngi ko.

"Sh! Ikaw talaga, kukurutin ko ang singit mo. Balik na sa trabaho," sita ni Manang Hilda.

"Okay lang po, Manang Hilda. Sumabay na rin po kayo sa akin kumain." ngumiti ako.

Nag-aalinlangan pa sila pero pinilit ko, sa halip ay sumabay na rin sila sa akin. Walo ang kasambahay sa mansyon, halos close ko na rin. Madalas kasing sila ang nakakausap ko. Noong una ay parang ilang pa sila sa akin, pero naging komportable rin agad noong kinakausap ko na sila.

In the Shadow of Diamond (COMPLETED)Stories to obsess over. Discover now