Kabanata 34
"Mrs. Morfeo?"
Tumayo ako agad, bitbit ang folder ng resume ko, pilit pinapatatag ang lakad kahit ramdam kong nanginginig pa rin ang tuhod ko. It's been a while since I was in a setting like this, formal and direct, may inaasahang maayos kang sagot. Walang wild lights, walang malalakas na tugtugin, walang malamig na kamay na humahawak sa'yo habang nagpapanggap kang okay lang ang lahat.
Pinagbuksan ako ng pinto, at isang babaeng nasa mid-30s ang agad lumingon sa akin mula sa lamesa niya.
"Good morning po, Ma'am," bati ko.
"Good morning," sagot niya habang iniabot ang kamay niya. "I'm Lea. HR Supervisor dito sa MartOne Supermarket."
Nagkamayan kami. Maayos siya, neatly tied hair, minimal makeup, pero may aura ng pagiging propesyonal at may alam.
"Please, take a seat."
Umupo ako at inabot ang folder na may laman kong resume. Kinuha niya ito at tahimik na binasa ang unang pahina. Ramdam ko ang pintig ng puso ko habang pinagmamasdan siyang tumango-tango, waring sinusuri bawat linya ng aking pinagdaanan.
After I gave my resume at makapanayam nang mabilis ang HR, umuwi na rin agad ako.
Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Ito na siguro ang simula namin. May marangal na akong trabaho, hindi ko na kailangan ipuhunan ang katawan ko, kumita lang. Hindi na kailangan umiyak gabi gabi at tingnan ang sariling madumi.
Pagdating ko sa kalye papunta sa bahay, ramdam ko agad ang mga matang sumusunod sa bawat hakbang ko. Tahimik na tumigil ang pamilyar na mga may edad na babae nang mapadaan ako, at nang makalayo na ako ng kaunti, rinig ko ang pabulong pero malinaw na salita.
"Nakabalik na pala si Satin? Ang tagal nawala. Siguro naging maganda ang buhay at nakabingwit ng mayaman sa club na pinagtatrabahuan."
"E, bakit bumalik? Baka pinagsawaan na?"
"Baka. Hindi ba't ganoon naman ang mga pokpok? Hanggang pangkama lang. Itatapon kapag napagsawaan."
Nagtawanan sila. Napakagat ako sa labi ko habang naglalakad, pilit na pinipigilan ang pagsabog ng insulto at galit. Hindi ko alam kung mas masakit ba ang sinasabi nila o ang katotohanang wala akong magawa kundi lunukin lahat. Sanay na dapat ako. Sa tingin, sa bulong, sa tawanan. Pero ngayon, iba ang tama. Mas personal. Mas malalim.
Hinigpitan ko ang hawak ko sa shoulder bag na dala ko. Nagsisikap akong magkaroon ng malinis na trabaho, pero mukhang kahit anong gawin ko, babalik at babalik pa rin ako sa ganitong uri ng tingin. Para saan pa ang bagong simula kung laging may humihila sa'yo pabalik sa putik na gusto mo ng kalimutan?
Pagliko ko sa maluwag na eskinita, mga lasing na tambay na naghihiyawan sa gitna ng amoy alak at usok ng sigarilyo ang sumalubong sa akin.
"Uy si Satin!" ani ng mga 'to.
"Aba, balot na balot ka ngayon, ah?"
Huminga ako nang malalim. Hindi ako lumingon. Hindi ko sila pinansin. Pero sa gilid ng paningin ko, nakita kong tumayo si Mang Nestor.
"Hoy, huwag kang pa-santo diyan!" bulyaw niya. "Kilala ka namin dito. Lahat ng dumaan sa club, pare-pareho lang. Pangkama, hindi pangbahay."
Isang hakbang pa, at nasa likuran ko na siya.
"Siguro naman hindi ka na maarte ngayon, 'di ba?" bulong niya, pasimpleng dinampi ang kamay sa braso ko.
Parang apoy ang dampi niyon. Umiinit ang mukha ko sa galit. Hinarap ko siya, mariin ang titig.
YOU ARE READING
In the Shadow of Diamond (COMPLETED)
Romance(Gemstone Chronicles #1) A diamond is rare, precious, and hard to break. And he treats her as his prize to be claimed.
