YANA'S POV
Mula sa aking glass door, gumising sa akin ang mainit na sikat ng araw . .
Mabuti't sabado ngayon at walang pasok. Agad akong bumangon pero bigla na lang akong nahulog sa kama. Malakas yata ang tama sakin ng beer na ininom ko kagabi. . Medyo mabigat pa kasi ang ulo ko at wala akong maalala.Sinubukan ko ulit na tumayo at agad akong dumiresto sa hapag kainan namin. Gutom na kasi ako TT.TT
"Good morning maam.. ihahatid ko lang po yung breakfast niyo" sabi ng aming katulong ng nakita akong nakaupo na dun.
Tumango na lang ako
"Prend!!!" sigaw pa ni Rio habang pababa sa staircase .
"Oh, ano?!" cold na pagkakasabi ko..
"Eto naman... so, kamusta ang gabi natin?"
"tsk. wala nga akong maalala eh.. basta paggising ko, andun na ako sa kwarto. ."
"Mabuti ka pa! ehh ako nga sa sofa, tapos si tita pa ang gumising sakin.." =...=^
"owss? hahaha.. eh.. asan na sila?" tanong ko.
"siyempre, busy.. sumama sila kina maam Anne at Kuya Kei para mag asikaso sa kasal bukas"
"ahhh"
"ay prend! pinapasabi pala ni Kuya Kei na pumunta ka dun kay Mr. Malones.."
"Malones?? siya yun designer ng mga gowns sa kasal diba?"
"yup.. isama mu na rin daw si Chris" sabi niya
"what?! ayoko nga!" sigaw ko
"op!!! wag ka na daw kumontra.. alam mo naman si Kuya...hindi mo pa daw nasusubukan yung damit na susuotin mo.."
"shut up... ehh nasan na ba yung kumag na yun?" naiiritang tanong ko.
"Umuwi pa siya bahay nila para mag ayos.. but don't worry kasi susunduin ka niya" sabi pa ni Rio na parang siya pa ang nakikilig "
"kaya naman after mong mag breakfast.., maligo ka na't for sure papunta na si Prince dito."
"Tsk. hayaan mo siyang mag hintay.." tipid kong sabi.
"ewan ko sayo ... sige, may gagawin pa ako.. humingi kasi si Kuya ng favor sakin na tingnan kung yung venue sa kasal.. gotta go prend!" pagpapaalam pa ni Rio saka ako hinalikan sa pisngi..
"wait! asan yung venue?" pahabol na tanong ko.
"sa Beach Resort.." sabi niya saka agad na umalis.
.
.
.
.
.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso agad ako sa CR at naligo.. siyempre I take my time... Enjoy pa kasi ako sa pag coconcert. ^_^
Cardigan shorts at saka simpleng t-shirt lang ang sinuot ko. Di naman ako mahilig sa fashion gaya ng inaakala niyo. ayoko kasi yung masyadong may arte sa katawan.
Bumaba na ako at nakita ko sa living room si Chris na kanina pa pabalik-balik.
problema nito?"BOSS!!!" sigaw ko pa. Saka siya nginitian. siyempre start a day with a smile diba?
"shut up and get in the car" cold niyang pagkakasabi saka naunang umalis.
ay. anyare??*sa kotse*
"uy, moks.. excited ka ba? dahan-dahanin mo naman yung pagmaneho.." sabi ko sa kanya."for your information tibo.. late na tayo at kanina pa tayo dun hinihintay.. eh kung gumalaw ka kasi daig mo pa yung pagong sa sobrang bagal. Everytime na may lakad tayo you are always late and I hate waiting."
"hoy moks! malay ko ba kung anong oras yung call time.. at saka wag ka ngang atat.. hindi naman mawawala si Malones na yun!" inis kong sabi.
"aba! you're wasting his time and also my time.. Kung hindi lang dahil kay Kuya, hindi kita susunduin."
BINABASA MO ANG
The Gangster Meets Her Crush
Teen Fictionbasahin mo na lang kung trip mo. =________=