Chapter 24 (Birthday Present)

8 0 0
                                    

YANA'S POV

Gumising sa akin ang malakas na tunog ng alarm clock ni moks. 4:30 pa lang.

Now I know kung gaano ka aga umaalis ang mokong na to sa bahay. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa kwarto niya.

Pagkagising ko na realized ko na magkahawak kamay pa pala kami.

Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko pero feeling ko protektado ako kapag hawak-hawak ko siya. parang ayokong umaalis ang mga kamay ko sa kamay niya.

"hey" sabi niya. Gising na rin pala siya

"hi"

"ughh.. so-sorry.." sabi niya saka binitawan ako.

nakakahiya naman to oh. "ahh...sorry nakatulog ako rito. sige boss, maghahanda na ako para pumasok" saad ko pa saka dali-daling umalis.

CHRIS' POV

Magkahawak pala kami ni Yana buong gabi. Parang ngayon lang nag flashback ang mga nangyari.

Hindi ko kasi nakaya ang sakit ng ulo kaya nagpatulong na rin ako sa kanya. Well mabuti na lang at magaling na ako ngayon.

I checked my phone. Today is my birthday. Nabasa ko na rin ang text message ni Anna greeting me a happy birthday.

Matapos humiwalay sakin si Gwen. I never celebrated my birthday. Gusto ko kasing e celebrate yun with her. I miss her surprises.

kahit na feel ko lang ang presence niya. .

hmmmm...
.
.
.
.
Matapos kong mag ayos ay dumiretso na ako sa hapag kainan.

"good morning Prince." masayang bati sakin ni Rio

"good morning"

Napansin ko si Yana na parang walang imik habang kumakain kami. ano kaya ang problema nito.

"by the way tibo, wag ka ng mag motor sumabay ka na sakin papuntang school" basag ko pa ng katahimikan

"excuse me?" tanong niya habang tinataas ang isa niyang kilay

"ooopppss.. sige guys. mauna na ako sa inyo sa school. bye insan kitakits. hinihintay na ako ni manong Ben sa labas eh" sabi naman ni Rio saka agad na umalis.

"ayoko nga" pagmamatigas pa niya

"I'm your boss so, I'm commanding you not to take that bike. Sumabay ka na sakin."

"and why?"

"may paguusapan lang tayo"

"spill it out"

"later"

"aba! ang arte mo ha.. bakit controversial ba yan?"

"sort of. basta wag ka ng komontra.. 5 minutes at pumasok ka na sa kotse." sabi ko saka nauna ng tumayo.
.
.
.
.
*kotse*

"ano bang pag-uusapan natin boss?" tanong niya

"here" sabi ko saka inabot sa kanya ang isang pirasong papel ng mga listahan. Listahan yan ng mga gagawin niya mamaya.

"what the- nagbibiro ka ba? ano to?"

"marunong ka namang magbasa diba?"

"hell yeah! eh ano to? #1.kumanta sa school field (love song) #2. gumawa ng signage (happy birthday Prince)..? wait, birthday mo pala ngayon? bakit ngayon mo lang sinabi.. sana nakapaghanda ako ng bonggang party sa bahay. #3Date.. e teka nga lang. anong arte to moks?"

"I'm the type of person who loves surprises and I want you to do that for me"

"wow! Ang bakla mo ha! e parang ikaw na nga tong nag surpresa sa sarili mo eh! Ano ako? baliw? porket birthday mo hinding-hindi ko ikakakahiya ang sarili ko sa harap ng madaming tao!" inis na sabi niya saka tinapon sakin ang listahan.

The Gangster Meets Her CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon