YANA'S POV
after ng class hindi ko na nakayanan ang sarili ko kaya naman patakbo akong pumunta ng CR.
Nakakainis nga, kasi umiiyak ako ngayon. Ang sakit lang kasi na bumalik na yung babaeng gusto ni Chris. Oo na! Ako na ang OA!!!
TT.TT
Bakit ngayon pa na gusto ko na siya.? Bakit dumating pa yung conflict. Ganito pala kung inlove ka, dadating lang ang ex pagseselosan mo na.. pero diba nag confess naman si Chris na gusto niya ako diba?
Pero.. baka lang kasi na magbago yung feelings niya sakin. Sana sinabi ko na lang noon pa na gusto ko rin siya...
Ughh!!! Nakakainis! Why am I so dumb.?! Kaya yan umacting pa ako na parang wala lang yun sakin pero sa kaloobloban ko nilalamon na ako ng selos.
Matapos kong pakalmahin ang sarili ko ay naghilamos ako. Biglang dumating si.... Gwen
Ang ganda niya. Mataas ito at maputi. Bilogan rin ang mga mata at kulay brown na parang kumikintab. No wonder na siya ang nagustuhan ni Chis. Model kasi ito tapos presentable pa kung mag-ayos. Yung tipong lahat ng tao rerespituhin siya sa tindig pa lang di tulad ko -__-
"Hi." Bati niya sakin saka ngumiti.
"Aahhh.. h-hi rin" balik ko sa kanya.
Nag-aayos siya ng sarili niya sa salamin. Na mamake-up ito habang kinakausap ako
"Transferee ka rin ba dito?" Tanong niya
"Ah.. Oo.." maikling sagot ko
"Ahh... kasi nag school na ako dito pero hindi kita kilala ano pala ang major mo?"
"Music and I'm Yana pala"
"That's good.. Gwendaville, but you can call me Gwen.." sabi niya saka nakipagshake hands sakin. Mukhang mabait siya.
"By the way Yana, you seemed so closed to Chris, magkakilala na ba kayo long time ago? Kasi as far as I know medyo mahirap siyang pakisamahan."
Sabi ko na nga ba eh.. yung mokong na yun ang magiging topic namin. Tinawanan ko lang ito.
"Yun?! Oo talagang mahirap pakisamahan yun, pero mas mahirap ako. Binugbog ko lang naman yun eh kaya medyo naging close kami.. its a long story. Baka sumakit lang tenga mo sa mga war scenes namin" sabi ko.
Mukha namang nagulat ito. "I didn't know na may nakaaway pala siya dito... iba ka siguro sa mga nakilala niya dito sa school" sabi niya
"Ewan ko"
Umalis na ako sa CR at sumunod rin si Gwen. Nagulat na lang kami ng biglang dumating si Chris. Nasa hallway siya at palapit siya.... sakin?
Hinatak na niya naman ako as usuall. Tiningnan ko si Gwen. Nakatayo lang ito. She was frozen. Siguro state of shock dahil dinedma na naman siya.
Suddenly sumigaw na lang siya.
"Chris!" Nakita kong tumutulo pa ang luha niya pero tuloy pa rin sa paglalakad si boss.. hindi siya lumingon kaya ako na mismo ang huminto.
"Hoy! Tinatawag ka niya" sabi ko
"Hayaan mo na siya Yana"
"Pero--" sabi ko agad naman lumapit sa amin si Gwen at nagsalita.
"Chris, can we talk?" Mahinanong tanong niya. Yung parang bata na nagmamakaawa bigyan siya ng kendi.
"Bakit may kailangan pa ba tayong pag-usapan?" Cold na tanong niya.
"Chris please, I-I still love you" sabi niya.
Parang kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Mahal niya pa rin pala si Chris. Wala na pala akong pag-asa..
BINABASA MO ANG
The Gangster Meets Her Crush
Fiksi Remajabasahin mo na lang kung trip mo. =________=