CHAPTER 6 (Last School Year Slavery)

11 0 0
                                    

Yana's POV

nang matapos ang di maipaliwanag na mga pangyayari na yun kanina at pag walk-out ni Moks sakin ay naisipan ko na lang na di bumalik sa klase at dumiretso sa cafeteria... kasi kapag bumalik pa ako dun, for sure ako na naman ang topic ng buong klase!

pampawala ng stress ang lugar nato eh. ilang minutes naman at matatapos na rin si Rio dun sa klase niya, kaya hinintay ko na lang muna siya bago kumain.

mag-isa lang ako ngayong nakaupo dito. kaines. nakakahiya rin ang kumain ng mag-isa, baka isipin nilang, 'di pa nga dismissal umaadar na ang pag ka PG ko. -.-

"Tibo!" di ko na siya tiningnan... iisang tao lang naman ang tumatawag sakin nun eh.

"Hoy Tibo!" wag kang tumingin Yana...

"hoy Tibo..." mula sa likuran ay bigla niya na lang akong binatukan.

"Ano ba?!" bastos talaga ang pag-uugali nito! >.<

"bingi ka ba?! kanina pa kita tinatawag" pagsusungit niya!

"Yana ang pangalan ko, hindi Tibo!" sagot ko.

"wala akong pake... umalis ka diyan at uupo ako"

"bulag ka ba? maraming upuan oh, sa iba ka umupo"

"Slave kita at ako ang Master mo, kaya umalis ka diyan kundi e kikick-out kita"

Lechhe! Sinusubukan niya talaga ako. Kung di lang dahil diyan sa kick-out, kick out na yan.... maaga ko na tong pinatay eh!

sa huli wala rin naman akong nagawa. tumayo ako at siya ang pinaupo ko dun,
saka binigyan niya ako ng pera..

"ano to? pinapasweldo mo ako?" curious lang

"Hindi. tanga! ibili mo ako dun ng ice cream. Gusto ko yung cookies and cream. sabihan mo damihan ha, at si Chris Dawson ang nag papabili, bilisan mo dahil gutom na ako!"

ngumiti ako sa kanya pero pilit.. at umasta ako na sisipain ko siya sa likod niya para di niya makita. pakshet lang eh.

pinuntahan ko na ang school chef. para sa order ni Moks. sosyal di ba? meh di pa chef pah. hindi man lang nahiya si Moks na kailangan talagang ibandera ang pangalan at epilyido niya para lang bumili.

"ah, sir, Ice cream po, yung Cookies and Cream para kay Moks-este Chris Dawson po."

"oh, wait lang po maam" sabi niya saka siya dali-daling kumuha nun at nilagay sa malaking bowl with springkles on top. at talagang inaayos ha. yung bang parang inooder pa sa mamahaling restaurant.

"ah, maam ako na po ang bahalang ibigay to kay Prince Chris" sabi ni Mr. Chef

"ok." sabi ko saka bumalik sa kanya.
"moks andun na ang inorder mo, ang chef na lang ang bahalang mag bigay nun sayo."

"eh, bakit ang tagal?! baka gusto niyang esesante ko yun!" inis na sabi niya

O.A lang? O.o

"patay gutom ka rin ba? likas ka talagang demonyo no? wag ka ngang atat.. ice cream lang eh..maghintay ka!" sabi ko saka umupo

"Oh, bakit ka umupo?" tanong niya
"masakit ang paa ko dahil sa katatapak mo kanina" pag rarason ko pa

"so, sa tingin mo maaawa ako sayo? tumayo ka, at utos ko yun". pigilin niyo ako... baka mapatay ko, ang kutong lupa nato..

wala rin naman akong nagawa kaya tumayo ako at sinipa ang upuan. ngumiti naman ang loko.

"ngayon.. gusto ko, kumanta ka.."

"nagbibiro ka ba?! ano na namang kaartehan to?" inis na pagkasabi ko

"hindi ha..., basta kung ayaw mong ma kick-out sundin mo na lang ako...umakyat ka sa lamesang to at kumanta ka... isipin mo na lang na parang nag coconcert ka ..diba." *.^
para na akong dansel in distress nito... ginawa pa akong entertainer! >//<

The Gangster Meets Her CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon