Chapter 10 (Starting to be different)

4 0 0
                                    

Chris' POV

"oh sige boss! mauna na ako sa loob" saad pa niya saka siya bumaba sa kotse.

tsk. talaga ngang mayaman si tibo ha... mansion rin pala ang bahay niya...

tiningnan ko muna siya papasok ng bahay niya bago umalis. hindi ko napansin na nakangiti na pala ako. huh.. what the hell.. bakit ba ako nagiging ganito?

*flashback*

"saan na ba yun?" bulong ko pa sa sarili ko.. mahigit isang oras na akong pa ikot-ikot dito sa mall mahanap lang si tibo. ang nakakainis pa diyan ay bitbit ko pa lahat ng pinamili niya kanina..

saan na ba kasi yun!

tiningnan ko ang relo ko at malapit na pala mag e-eight na. mag co-close na rin ang mall.. I give up! maybe nauna na siyang umuwi.. tsk. humanda siya sakin bukas!
papauwi na ako at napansin ko sa pasyalan malapit sa mall ang isang pamilyar na babae..

"ti-tibo?"

pansin kong hahalikan na sana ito ng lalaki kaya agad akong kumaripas ng takbo at tinawag ang mga ito. Hindi ko alam kung anong pumasok sa ulo ko at sumama pa ako sa gulong yun.

The truth is, wala akong alam sa mga resbak na yan. Hindi ako nasanay na lumaban at sa ganitong mga gulo. Tsk.

Papalapit na sila sakin. Nakakahiya naman kung tatakbo ako diba. Bahala na si batman!

Medyo naiilang pa ako sa kung anong mga action scene ang pwede kong gawin pero mabuti na lang at nakawala na si tibo sa pagkakagapos kaya naman siya na ang nakipagsuntukan sa lahat.

Gangster talaga....

mabuti na lang at ok siya... baka kasi hindi makaya ng konsensya ko pag may mangyaring masama sa kanya.

"pwew! muntik na ako dun ha" mahinang pagkasabi niya sapat na para marinig ko ito

"nasisiraan ka na ba ng bait, ha Tibo?!!" sigaw ko. hindi ko kasi napigilan ang sarili ko na magalit sa kanya.. ewan di ko lang ma explain..
kinuha ko ang kamay at agad siya na hinatak papasok sa kotse ..

"aray! Chris! pwede ba, bitiwan mo nga ako. nasasaktan ako!" sigaw niya pero hindi ko ito pinansin

"Chris!"

"tumahimik ka nga diyan tibo!" sigaw ko saka nag simulang mag drive. Medyo nagkasagutan pa kami ni tibo. Ang lakas niya rin kasi mang-asar. Nakakasakit na siya ng ulo.

kahit na gusto niyang bumalik sa school para kunin ang motor niya, hindi ko na ito pinakinggan. baka may mangyari pa kasing masama sa kanya. Tsk.
.
.
.
.

*end of flashback*

9:30 na ng makauwi ako sa bahay. napansin ko si Anna sa living room na nonood pa ng Phineas and Ferb.

Ang favorite niyang cartoon.
adik rin tong ate ko eh.. para sa kanya wala sa edad ang manood nito... but you know, it's hard to believe na ang principal at the same time president ng Dawson Academy ay napaka childish at immature. hahahah

mula sa pagkakaupo niya sa sofa ay tumayo ito para salubungin ako.

"bakit late ka Chris Dawson?" mataray na pagkakasabi niya at naka full name pa. For sure galit nga to. naka cross arms pa eh.
tss..

"galing akong mall... bumili ng mga kinakailangan para sa acquaintance ng school."

"oh, really? sinong kasama mo?"

I signed. "the girl who knock down my face.. -oh mean.. lesbian" sagot ko

"lesbian?? oh, please Chris. stop speaking non sense. she's too beautiful to be lesbian.. at saka.. huh, seriously, you two? on a date? mabuti at hindi sumabog ang kotse mo." sabi niya saka tumawa

"huh, sabihin mo kung ano ang gusto mong sabihin Anna.. asa naman siya kung eda-date no... pagod na ako.. mauna na ako sa kwarto.."

"tsk. kainis ka talaga Chris. hindi man lang kita makakachismis, I wonder kung bakit siya ang kasama mo... for sure hindi ka naman nakipagsundo dun.. hmmp type mo ba siya? crush mo?... "

"It's non of your business Anna" sagot ko. . hindi pwedeng sabihin sa kanya ang deal namin, dahil baka patayin niya ako..

I smiled to her at saka umakyat papuntang kwarto
.
.
.
.
.
"grabe ang nangyari ngayong araw na to." Bulong ko sa sarili ko nang ibagsak ko ang katawan ko sa kama.

I don't know why, but I feel like I'm starting to be different. Not really different.., pero parang bumalik ang dating ako. Dahil sa tibo na yun, nararamdaman ko na ume-exist pa pala ako sa mundo.

The Gangster Meets Her CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon