Chapter 21 (The Gangter's First Kiss)

11 0 0
                                    

YANA'S POV

It's Sunday! Kakauwi na namin nina Rio sa bahay galing sa Paradise Beach Resort. Finally natapos na rin ang kasal nina Kuya Kei at Ate Anne. I'm so happy for them. Dumiretso na rin silang dalawa for their honeymoon in Paris. Sana magkaroon na ako ng pamangkin.. *u*

Pagkatapos kong ligpitin ang mga gamit ko sa kwarto ay bumaba na rin ako. Nagulat ako ng tumambad sa harapan ko ang mga karton-karton na gamit. Nilapitan ko si Rio na nakaupo sa sofa at kumakain ng ice cream. "anong meyron?" nagtatakang tanong ko.

"oh, Yana.. Hindi ba nasabi ni Kuya sayo? Ngayon na lilipat sina Maam Anne at Prince Chris dito"

"Ha??!!!! ngayon na ba?!" tanong ko ulit saka siya tumango.

"hey!" sigaw ng lalaking kapapasok lang ng bahay. Naka black polo shirt ito, at naka khaki shorts, with shades. Gwapong-gwapo pa sarili ang mokong na to huh..

"hi Prince" bati pa ni Rio saka tinaas lang ang kaliwang kamay nito.

"I'm here to see my room... Saan nga ba yun? Para naman maayos ko tong mga gamit ko."

"oh, Yana will lead the way.." sagot ni Rio.

Ughhh!!! Ewan ko ba. . nakakainis lang talaga makita ang itsura ng mokong na ito. Dapat ko na yatang sanayin ang sarili ko na makita siya lalo pa't nasa iisa na kaming bubong.
Gaya ng sabi ng pinakamagaling kong pinsan ay sinamahan ko na si Moks sa bago niyang kwarto.

across my room is his room. Ewan ko kung anong trip ni Kuya at pinalapit pa niya sakin ang demonyong to.

"Andyan ang kwarto mo." Walang gana kong sabi sa kanya habang tinuturo ito.

"ok. Teka asan naman ang kwarto mo?" tanong niya

"Bakit maninilip ka?" diretsahan kong tanong

"no thanks. Kung sayo lang naman. Wag na" aba! Inaasar pa ako ng mokong nato huh. Aalis na sana at pupuntang kwarto pero pinigilan ako ni Chris.

"Hep! Hep! Hep!" sigaw niya

Ano na naman ba ang kailangan nito. "ano?!!" sigaw ko

"Slave.. Alam mo naman sigurong may mga gamit ako dun sa baba diba? Gusto kong kunin mo yun at ikaw ang mag-ayos ng kwarto ko"

"nagbibiro ka ba?"

"feel mo? You know what Tibo, just stop complaining and do what I say, para wala tayong problema." Ngumisi siya saka ako inakbayan.

Nakakainis! Hanggang dito sa bahay under pa rin niya ako. Padabog akong bumaba at dali-dali rin kinuha ang mga mabibigat niyang gamit habang siya naman ay dumiretsong kusina at nakikain rin ng ice cream kay Rio.

This is too much! Grabeng abuse na to!!

Tumatagaktak na ang pawis sa buong katawan ko. Hirap na ako sa pagbubuhat.Bwisit na mokong na yun! Feel at home na agad.

"kaya pa ba?" pang-aasar na tanong niya.

Hindi ko na siya sinagot. Kinuha ko na lang ang gamit niya at umakyat ulit sa hagdan. Matapos kong dalhin ang mga gamit niya ay sinimulan ko na rin itong ayusin. Nag-arrange ako ng mga gamit niya pati mga mamahalin niyang damit nilagay ko na rin sa walk-in closet niya.

Medyo modern ang design ng kwarto. As far as I know, talagang pinadesign to ni Kuya para lang sa mokong na yun. Black and white lang ang nakikita ko rito. Arte talaga.

Sa wakas tapos na rin. Nakahinga na rin ako ng malalim. Paalis na ako ng kwarto ni Moks ng bigla ko siyang nakita na nakasandal sa pinto at nag crossed arms pa.

Pinandilatan ko lang siya. "oh, tapos na po boss.! Tabi!" sigaw ko sa kanya ng aalis na ako, pero may inabot siya sa akin. Tubig.

"oh! Para sayo!" supladong pagkakasabi niya

"wow ha.! at nag lakas loob ka pang ibigay sakin to!" mataray kong pagkakasabi.

"ayaw mo no'n nagmamalasakit na ang tao?"

"tao? Asan ang tao? Ewan ko sayo" sabi ko saka umalis. Ma pride ako kaya di ko tinanggap ang tubig niya. Tsk.

CHRIS' POV

"So this is it" bulong ko sa sarili ko habang iniikot ko ang bago kong kwarto. I really love this room. Ibang-iba to sa kwarto ko noon. Mabuti at magaling rin si Tibo mag-arrange ng mga gamit. Artistic. Ewan ko ba, gusto ko lang naman siyang asarin kaya siya ang pinagawa ko but she take it too seriously. Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa kokote ko at naisipan ko pa siyang dalhan ng tubig eh ako na nga ang nagpahirap sa kanya. Ang tanga ko talaga.

Lumabas na ako ng kwarto at nakita kong nakabukas ang kwarto ni Tibo. Sinubukan kong silipin ang kwarto niya. Grabe, ang kalat niya. Sobrang dilim rin. weird.

"excuse me, sabi ko na nga ba eh. Naninilip ka." Nagulat ako ng biglang pumasok si Tibo. Ang taray talaga.

"na curious lang ako. Kung talagang babae ang natutulog dito. ang kalat kasi at saka bakit sobrang dilim yata ng kwarto mo? Emo ka ba?"

"shut up. Pake mo sa kwarto ko? trip ko to eh kaya wag kang magreklamo"

"well I'm just saying... and what is this?" tanong ko habang pinupulot ang bra niya sa sahig. Naagaw kasi ang atensyon ko dito dahil unique ang style niya. Dora? Napalakas ang tawa ko dito. Kailan pa naging uso to? Ngumisi ako sa kanya habang nanlalaki naman ang kanyang mga mata sa gulat.

"oh my!" sinugod niya ako at agad na hinampas. "bastos ka talaga! Bastos!!!" pagsisigaw nito habang sinubukan niya saking kunin ito.

"Sige subukan mong kunin gangster.. hahahaha kasalanan mo to dahil makalat ka..Dora pa talaga ang design ha.. iba talaga ang taste mo tibo sa pananamit"

"pakielamero ka rin eh... Sino bang nagsabi sayo na pwede kang pumasok sa kwarto ko?! alam mo bang bawal ang mga demonyo dito..akin na nga yan! Manyak ka talaga!!"

"really huh," sabi ko naman habang pinapalayo pa rin ito sa kanya. Mabuti na lang at mas mataas ako kay tibo kaya medyo hirap siyang kunin ito. Maganda sanang kunan ng camera to.. xD

"ughhh! Akin na yan sabi!!" sigaw niya sabay talon sa harapan ko. Natapilok naman ako dahil sa gulat rason para mawalan kami ng balanseng dalawa. Now I realize that she was lying over me. Then we accidentally.........................

....

....

....

....

....

kissed.

Medyo nagkatinginan pa kaming dalawa at walang ano-ano'y biglang lumakas ang tibok ng puso ko. What the hell is happening to me. Am I dreaming or what? We kissed? Pa ulit-ulit yang tanong ng utak ko.

"jerk!" sabi niya saka ako sinampal.

Malakas na sinampal. Agad siyang tumayo at pati ako tumayo rin hinarap ko ito. This is the first time that someone slapped me.

"it was just an accident Yana! Problema mo?!" inis kong tanong sa kanya. Seriously hindi ako makakamove-on sa pagkakasampal dahil ngayon lang to nangyari sa akin.

"get out!" sigaw nito na talagang galit na galit

"hell no! It was just a kiss. Ni hindi nga tumagal yun eh. Wag ka ngang exaggerated. It's not a big deal. Kung tutuusin ikaw pa nga ang may kasalanan nun"

"oh yeah., gaya ng bastos na tulad mo, para sayo kiss lang pero sakin, fir-" utal niyang sabi.

What is she trying to tell me? Fir-"first kiss?" tanong ko pero hindi naman siya nakasagot. Iniwas niya ang tingin niya sakin. "you've gotta be kidding me. Seriously? You've never been kissed?" tanong ko ulit.

"just get out Chris!" sigaw niya saka ako tinulak sa pintuan at pinagsarhan.

"so now, I'm her first kiss... Damn" bulong ko saka minasahe ang batok ko.


The Gangster Meets Her CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon