Chapter 27 (We're Friends)

8 0 0
                                    

YANA'S POV

Hindi pa rin ako makagising sa kama ko. Kung malala ang sakit ko kahapon mas lalo pa rin lumala ngayon. Hindi ako makabangon.

Ramdan ko ang bigat ng aking katawan at mainit pa rin ang aking leeg at noo.

Mayamaya ay pumasok si Chris. May dala itong trey. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin ito. Iyong klase ng ngiti na hindi pilit.
.
.
.
.
.
.
Parang tuluyan na ako nahuhulog sa kanya dahil sa pinanggagawa niya sakin. Oo inaamin ko na sa sarili ko na parang gusto ko na siya.

"Good morning tibo!" Sigaw niya.

Ok. So kahit kailan, wala pa rin pagbabago ang code name niya sakin

"Good morning moks!" Balik ko sa kanya. "Himala, at nandito ka pa, di ba may pasok ka ngayon?"

"Nah, excuse ako, ako kaya ang may-ari ng school saka may sakit ka naman e" sabi niya.

"Wow ha. Kapal mo.. tapos ginawa mo pa akong excuse.."

"Salamat rin sa pag appreciate ng effort ha. Sana hindi na lang kita dinalhan ng pagkain dito" sabi niya saka akmang tatalikod na ito.

Agad ko naman siyang pinigilan. Hinawakan ko ang braso niya saka niya ako tiningnan.

"Hoy! Grabe ka naman jowk lang yun. Thank you.." nahihiya kong sabi na feeling ko namula pa ang pisngi ko

"Ano yun?" Tanong niya ulit saka ngumisi. Talagang inaasar ako nitong mokong na to.

"Wala.! Sabi ko, bingi ka!" Sigaw ko

"Ok. Papasok na lang siguro ako sa school" sabi niya saka aalis na sana sa kwarto ko.

Pinigilan ko agad siya. Hindi ko alam kung bakit pero may tumatulak kasi sakin na hindi siya pwedeng umalis.

Kahit hindi ko kayang bumangon sa kama, ay nagawa ko "uy! Chris!" Sigaw ko.. pero bigla na lang ako bumagsak.

Hindi ko pa nga talaga kayang tumayo. Kainis naman oh!

Narinig siguro ni Chris ang pagkabagsak ko dahil agad siyang bumalik sa kwarto.

"Yana!" Sigaw niya na parang nag-aalala ang mukha. Nilapitan niya ako at saka inalalayan.

"Kaya ko" sabi ko.

"Pwede ba wag mo yang sabihin dahil kitang kita na sa sitwasyon mong yan na hindi mo pa kaya. Ma init ka pa rin." Sabi niya.

Bakit ba siya nagkakaganito.

Kinarga niya ako at nilagay sa kama. Kinumutan niya rin ako saka siya tumingin sa aking mga mata.

Parang may kung anong spark na nangyari sa amin. Hindi ako sure kung ako lang ang nakaramdam nun pero feel na feel ko talaga. Nahuhulog na ako. Sa mga titig niya sa lahat ng effort na ginagawa niya.

Hindi pa siguro mangyayari sakin to kung hindi ako nagkasakit.

"Bakit ka pa kasi tumayo?" Tanong niya habang kinukuha ang pagkain na nasa trey.

Napagkunot ako ng ulo. "Eh kasi-- kasi-"

"Sabihin mo, matanda ka na..." asar niya pa

"Ayoko ko kasing umalis ka" sagot ko.
"Huh?" Sabi niya saka siya tumawa ng mahina.

Sheet! Bakit ko naman sinabi yun?! Nakakahiya.. ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko

"Wala!" Sigaw ko na lang.

"Hahahaha cute ka rin pala tibo. Don't worry I won't leave you here" sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.

May kung anong electricity ang pumalibot sa katawan ko ng hawakan niya ako. Nagcelebrate ang aking puso.

Parang matutunaw ako lalo na ng subuan niya ako ng chicken soup.

"Ubusin mo to ha. Ako ang nagluto" sabi niya saka ngumiti

"Ikaw? Sure ka?" Sinubo ko ito.. "ang pangit ng lasa" diretsahang sabi ko.

Pinandilatan niya ako. Itinabi na niya ito. Hindi ko alam kung pangit talaga ang lasa o baka wala lang talaga akong malasahan.

"Ang honest mo ha" sabi niya. Tinawanan ko lang ito.

"Jowk lang. Sige na, gusto ko pa" sabi ko saka kinuha yung bowl. Mabuti na tong may laman ang tiyan ko keysa wala.

"Aarte pa kasi, akin na nga yan" agad niya itong kinuha at pinasubo sa akin ulit. I don't like the food but I love eating it lalo na kapag ang mokong na to ang nag e effort na pakainin ako.

After nun ay pinainom niya na ako ng gamot pinunasan niya rin ako ng bimpo na may tubig para daw hindi ako masyadong uminit.

Talagang maghapon niya akong binantayan at inalagaan.

Pinagpapahinga na niya ako pero bago nun ay may sinabi muna ako sa kanya.

"Chris, can't we be like this forever?" Tanong ko

"Walang forever"

Talagang panira ang mokong na tu -__-

"Seriously, what I mean is, yung bang hindi na tayo magkaaway. Nakakapagod ka kasing makalaban eh. Annoying rin." Sabi ko

"Eh sino ba kasi sa ating dalawa ang nag-uumpisa?" Tanong niya

"Ikaw" sagot ko naman

"Ako pa talaga?" Mahina itong tumawa na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"pwede ba tayong magsimula? Can we be friends?" Tanong ko saka nilahad ang kaliwang kamay ko sa kanya.

"Yes, we can be friends" sabi rin niya saka nakipagshake hands ito. Muli na naman nag nagtatalon ang aking puso sa sobrang saya.

Sa wakas nagkaroon rin kami ng seryosong conversation xD

"Matulog ka na, wag kang mag-alala dito lang ako sa tabi mo" sabi niya.

Nakakagaan siya ng loob. Parang lahat ng sinasabi niya sakin ay may mga malalim na kahulugan. Naiinlove na tuloy ako sa kanya.

Hindi na ako nagreklamo pa at agad siyang sinunod. Humiga ako saka na tuluyang nakatulog.

CHRIS' POV

tulog na si Yana. Hindi ko mapigilang hindi tumitig sa kanya. Sobrang ganda kasi nito.

Hindi ko akalain na aalokin niya ako ng pakikipagkaibigan. Pagod na rin pala siyang makipagaway sakin. To be honest masarap siyang kasama. Masaya ako kapag nakakasama at nakikita siya. Kahit sa panahon na nag-aaway kami, she makes me happy kahit inis na inis na siya sakin.

Ngumiti ako habang iniisip ang mga yun. Hinawakan ko ang ulo niya at saka inayos ang buhok nito.

Kung siya lang sana si Gwen......
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Minahal ko na siya...

The Gangster Meets Her CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon