Chris' POV
*flashback*
inutusan ko na lang si Tibo na bumaba sa lemesa. nagmumukha na kasi siyang tanga. ang totoo niyan maganda naman talaga ng boses niya ang problema nga lang ay ayaw ko siyang bigyan ng compliment baka lumaki pa ang ulo nito eh...
napansin kong pababa na sana siya sa lamesa kaya lang walang anu-ano'y biglang natapilok ito dahilan sana ng pagbagsak niya pero mabuti na lang at nasalo ko ito. tatanga-tanga kase.
.
.
.
ang awkward ng posisyon namin dahil yakap-yakap ko siya ngayon.
.
.
.
mabuti na lang at agad na dumating ang mga ka barkada ko, pero lintek! inasar pa ako!"uhmm... aieeeee!!! mukha yatang may namumuo ng pag-iibigan sa master at slave ha..." biglaang sabi ni Lance.
ughh... bakit ko pa kasi nakilala ang klaseng tao na yan. napaka weirdo niyang mag iisip.
"aieee Yana!!! alam mo magtatampo talaga ako sayo! bakit di mo sakin sinabi na may gusto ka pala kay Chris? denial ka pa sis" sabi naman ni Rio na napansin kong masaya pang kasama ang mga ka grupo ko.
oh.. so denial pala si Tibo? iniisip ko kung nagkagusto nga talaga siya sakin, kahit tomboy to.huh.. well paano nga ba naman GWAPO ako. . :> di ko rin naman maitatangi yun. *.^
agad ko siyang binitawan at nagpakawala rin ito. ayoko na maging issue pa to sa school ko. ayokong bahiran ang magazine ng napakapangit na situation na yun. lalo pa't sikat ako.
simply because we are not in the same level. I am famous and she's just an Ordinary lesbian who's trying to be a perfect performer in this academy.
siyempre naman diba.. pinagsisisiksikan niya ang sarili niya sa eskwelahan na ito. I think pangarap niyang maging artista... so pathetic. she should be ashamed of herself.
"natapilok lang..." simpleng pagrarason niya.
"wheee??? yung totoo?" tanong ulit ng kaibigan nitong si Rio kasama pati mga barkada ko.
"oo nga..."
"tsk. . akala ko naman naglalambingan kayo... sayang bagay pa naman" sabi ni Miko.
"sapakin kita Miko gusto mo? wala nga... tatanga-tanga kasi siya eh" saad ko sa kanya
"ok... kalma lang dude... defensive ka masyado eh..." sagot ni Miko saka sila nagtawanan.
"hindi ako defensive.. sadyang makulit lang kayo magtanong..." sagot ko.
"sus, di raw" dagdag pa ni Rio
"ewan ko sa inyo, makaalis na nga.. nakakawala kayo ng gana eh..." sabi ko sabay walk out.O.O
o.o
*end of Flashback*
*rooftop*
andito ako ngayon sa rooftop, mag-isa. isa ito sa mga reserve na lugar para sakin kasama na rin ang mga kabarkada. dito nakakarelieve ako ng stress dahil maganda sa mata ang garden dito.
major class naman ngayon kaya di muna ako papasok. alam ko naman ang lesson eh., nakakasakit na nga sa ulo ang pabalik-balik na topic. nag attend rin kasi ako noon ng workshop noong summer sa photography. kaya medyo kabisado ko na.
my life is completely a mess... after my parents died wala na akong naging kasangga. after pa nun ay nakipag break pa sakin si Gwen. she is my ex-girlfriend, and my first love. nagtagal kami ng 4 years pero iniwan niya rin ako... not giving me any reason kung bakit bigla na lang siya nawala. saka ko na lang nalaman na migrate na pala siya sa states kasama ang parents niya...
Wasak na wasak ako noong mga panahon na yun. Lagi na lang ako iniiwan ng mga taong mahal ko kaya nag attempt ako noon mag suicide, pero sa kasamaang palad, di agad tumalab sa akin ang lason. agad akong, sinugod ni ate sa hospital ng makita niya ako sa kwarto na walang malay.
Pasalamat pa daw siya dahil nabuhay ako at pinaramdam niya sa akin na kailangan niya pa ako bilang kapatid niya. Kaya siguro ganito na ako ka cold, dahil sa mga past memories ko.
but still... i miss her. how can I ever forget the woman whom I loved most.? kahit na iniwan niya lang ako sa ere, mahal ko pa rin siya.
kinuha ko ang pitaka ko sa bulsa at kinuha ang picture namin ni Gwen. yakap-yakap niya pa ako.
...We are so sweet, na para bang walang makakapag papahiwalay sa aming dalawa. "i want to see her again" just then I realize, I was crying. . . I tried to smile.... nakakabading naman to.
BINABASA MO ANG
The Gangster Meets Her Crush
Teen Fictionbasahin mo na lang kung trip mo. =________=