CHAPTER 1 (Meet the Unreal Gangster)

61 1 0
                                    

YANA’S POV

“Ikaw ba si Yana?!” sigaw ng lalaking mukhang bisugo sa akin.

Ewan ko ba kung anong topak nito at parang gusto niya akong kainin ng buhay. Ah excuse me, close tayo? haller.

“oh, ano?! Sumagot ka!” sigaw niya ulit.

“sino ka ba ha?!”tanong ko sa kanya.

“Ako si Black Killer” tipid na slow mo… na sagot niya.

Huwaaw!!! Kabaklaan nga naman oo, “ah… k.” ani ko saka tumalikod sa kanya. Nakawala siguro sa rehas kaya nagkaganun. -.-

Tinuloy ko na lang ang paglalakad ko nang naramdaman ko na papalapit na ang lalaking mukhang bisugo sa likuran ko. Humarap ako sa kanya at nakita kong titirahin niya na ako ng baseball bat. Agad akong nakaiwas at hinawakan ang kamay niya, sinipa ko siya sa tiyan at sa  sobrang sakit ay napaluhod ito.

“aaahhh!!!” pagsisigaw niya. 
Kinuha ko ang baseball bat na hawak-hawak niya kanina at inakto na parang ihahampas ko to sa mukha niya.

Agad niya namang tinakpan ang mukha nito na parang takot… “wag po!, wag po!” pagmamakaawa nito.
Napangiti naman ako sa reaksyon niya at hinawakan ang balikat niya. 

“tss. Wag kang mag alala pare, sira na nga ang mukha mo tapos dadagdagan ko pa?” mahinahon na pagkakasabi ko sa kanya. Saka siya dali-daling tumakbo.

Oh, gets niyo naman diba? Gets na gets!!!

GANSTER ako…

so??? -,-

“Whooooooo! Galling mo prend!!! Akalain mo yun? Napatakbo ang mokong! Hahhahaha!!!” pagsisigaw naman sa tuwa ni Rio saka siya pumalakpak na parang engot.  Pinsan/Bestprend kong babae
Actually nag-iisa lang naman siya na bestprend ko eh. Anti-social akong klaseng tao. :3

“tumigil ka nga Rio, ewan ko sayo” sabi ko saka di ko na lang siya pinansin. Snober ako eh.

Ako pala si Yana Claire Ryori Hayashi. Ewan ko kung anong klaseng trip ng mga magulang ko at pinahirapan nila akong e pasulat sakin ang weird na pangalan na yan. Pero Yana na lang for short.

Isa akong half Filipino-Japanese… ang mommy ko ay isang pure Filipina while ang daddy ko naman ay isang pure Japanese. Kababalik ko lang noong summer dito sa Pilipinas galing Japan. Pinatapon na kasi ako ng mga magulang ko dito dahil may ginawa na naman akong kalokohan sa isa kong eskwelahan…

 Kailangan ko na ‘daw’ matutunan ang salitang “disiplina” :3 kaya naisipan nilang dito ko na lang ipagpatuloy ang pag-aaral ko.

Di naman ako nag-iisa dito sa bansa. Ang parents ko ay may inaasikaso lang na business sa Japan. May ari kasi ang pamilya ko nang isang huge entertainment company don. Kasama ko naman si Rio at si Kuya Kei. Dito na permanenteng tumitira si Kuya Kei dahil may Magazine at Publishing House din siyang negosyo.
Mahilig ang pamilya ko lalo na kapag social media ang pinag-uusapan. Maingay at minsan magulo ang kanilang buhay kaya naman ayoko nang makisiksik don.

 “hoy prend hintay!!!” sigaw pa ni Rio saka ako hinabol sa paglalakad.
“alam mo kahit kalian talaga ang init ng ulo, parang lagi ka na lang galit sa mundo, pwede ba Yana Chellax lang?”

“wag mo nga akong sundan. Dahil sakin napapahamak ka lang eh” mahinahon na pagkakasabi ko sa kanya.

Di naman sa di ko siya gustong makasama kaya lang ayaw ko na umabot pang masaktan ang kaibigan kong to. Alam kong marami nang mga tao dito ang gusto akong gawing bangkay.

See…? Kapupunta ko lang noong summer dito sa Pinas pero binabahaan na ako ng mga kaaway. I think gusto lang nila makabawi sakin dahil last summer marami-rami na rin ang mga nakasuntukan ko.

Marami kasing mga Peste sa paligid.
“sus! Concern ka naman sakin bestprend! Diba sabi ko, chellax lang? desisyon kong kaibiganin ka ok? At saka kabilinbilinan ka kaya sakin ng parents ko…” sabi niya saka siya nag pout.

Pa cute talaga to kahit kalian. -.-
Oo nga pala, magpinsan kami ni Rio. Tulad ko, sa Japan rin nanirahan si Rio at mommy niya, si Tita Lucia. Ulila na siya sa ama kaya naman lahat ng gusto niya nasusunod dahil mahal siya ni Tita.

Papunta na kami sa bago naming school. For the 6th time mag ta-transfer na naman kami ni Rio sa bago naming eskwelahan.

The reason why kaya pinatapon ako dito eh dahil may ginawa akong gulo sa former school ko sa Japan.
Bakit??? O.o

Tama bang pag tripan nila ang immature kong pinsan/kaibigan? Minamanyak at laging binabad-time?
Di ko na napigilan ang sarili ko kaya gumawa na ako ng eksena.

Nangangati na kasi ang kamao ko sa mga LALAKI kong kaklase.

“Yana, tulala ka na naman diyan… alam mo maganda ang araw na to, kaya pwede ba, wag ka ngang sumimangot diyan.. dali at ngumiti ka na” pagkukulit niya pa saka pinisil ang pisngi ko.

“AAaaarrayyy!!! Ang sakit nun ha! Pwede ba Rio, grow up.!” Nag-iisip bata na naman kasi to…

“sus! Grow up daw…? baka ikaw…! Nagiging matigas ka sa labas pero sa loob ang lambot-lambot mo… hay, Yana why won’t you show the real you?”

“This is the real me, Rio” sagot ko
“whee? Kilala kita Yana.! You’re a gangster but I know that you are not that bad... Dahil nga sakin kaya ka nandito eh. Nagiging pakielamera ka kasi kaya yan… Umabot pang kumulo yang utak mo, saka ka bumugbog nang mga kaaway ko and of course kailangan kitang sundan dito… to pay you”

“ang drama mo… -.- and pay me what? Sa yaman mo, walang ka namang utang sakin no..”

“hindi pera bestprend ang subject natin dito… kundi ang pag save sakin, kaya nga mahal kita eh… pa hug nga….” Sabi niya saka niya ako niyakap.

“ughh…  bitawan mo na nga ako Rio. Alam mo na namang di ako sanay sa mga ganito…”

“Ewan ko sayo Yana kaya di ka nag kakaboyfriend kasi bukod sa conservative ka, boyish ka pa” sabi niya saka naunang lumakad.

Huwaw ha. Ako kanina ang
pinahintay tapos ako na naman ngayon ang iniwanan niya. “Mate! (wait!)” 

The Gangster Meets Her CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon