YANA'S POV
"first kiss ko!!!!!!!" sigaw ko pa sabay suntok sa unan.
"pwede ba Yana, kahit anong gawin mo hindi pa rin magbabago ang lahat. Naging first kiss mo na si Prince. Isn't romantic?" sabi pa ni Rio habang kilig na kilig at hinahagkan ang malaking teddy bear stuffed toy ko. Grabe talaga ang insan ko na to.. sobrang supportive eh!
Kinuha ko ang alcohol at tissue sa table kalapit ng kama ko at agad ko itong pinunas sa aking labi.
"prend, ang childish mo, feel mo makukuha yan ng alcohol at tissue? Will you stop doing that. Kahit accident yun, still nag kiss pa rin kayo." Asar na sabi niya. Pinandilatan ko ito.
"oppps.. gotta go baka patayin mo pa ako" dali-daling umalis Rio sa kwarto ko habang nakangiti pa rin.
Ughhh!!! Umpisa pa lang ng paninirahan ng mokong na to dito pero hindi ko na yata ma keri! "Nakakainis siya!!!!" sabi ko habang patuloy ko pa rin pinapahiran ng alcohol ang labi ko.
.
.
.
.
.
*kinabukasan*
Maaga akong nagising dahil may pasok na naman. Nakakabadtrip makita ang mukha ni moks kaya agad na akong bumaba sa hagdan at pumunta sa garahe para lumarga pa eskwelahan."Yana, susunod na lang ako. Magpapadrive na lang ako kay manong.." sabi pa ni Rio habang kumakain ng kanyang agahan nang mapansin niyang dali-dali akong lumalabas ng bahay.
"ok. Mauna na ako. Sa school na lang ako kakain baka kasi may mapatay pa ako dito" sagot ko saka naman siya ngumisi. Alam naman niya kasi kung sino ang ibig kong sabihin.
Pagkapunta ko sa garahe ay agad kong kinuha ang helmet ko at pinaandar ang aking big bike. Papalabas na sana ako sa gate ng bigla na lang may humarang na pamilyar na kotse. Mabuti na lang at alerto ako sa pagpreno.
Black Sports Car ito. Isang hayop na naka shades at pafeeling pogi ang nagda-drive do'n. Kapal talaga ng mukha ng manyak na to.
"hoy! Gago ka ha! papatayin mo ba ako?!!!!" inis kong sabi sa kanya. Bumaba ako sa motor at kinuha ang helmet. Ihahampas ko na sana iyon sa pagmumukha niya kaya lang may bigla siyang ipinakita. Isang video ito sa cellphone niya.
Natigilan ako ng na realize ko na ako yung nasa video.
Ako ba talaga to?
Yan ang pa ulit-ulit na tanong ng aking isipan. Lasing akong kumakanta sa sala nu'n at nagpa thank you pa sa fans na parang baliw. Alam ko na kung kailan nakuha ang scandal na to.
Namilog ang mata ko saka ko tiningnan si Chris.
"I wonder, magiging viral yata ang video na to pag pinost ko on Youtube. What do you think? Ha tibo?" sabi ni mokong saka kinuha ang shades nito at tiningnan ako sa mata.
Nag smile lang ako at pasimple ko sanang kukunin ang cellphone niya but damn! Mabilis niya pa rin itong naitago.
"I just would like to remind you tibo that I am still your boss. Kung ayaw mong kumalat tong scandal mo, sundin mo ako and don't you dare na iwasan ako. Is that clear? Sa nakikita ko kasi parang iniiwasan mo na ako dahil sa nangyari kahapon"
ughh!!! bwisit! pinaalala niya pa.
"Crystal" yan lang ang tanging salitang nasabi ko sa kasakiman ni boss. This is too much threat! Ang sama-sama niya. Wala akong laban, at yan ang kinaiinisan ko!
Matapos niyang sabihin ang mga yun ay nauna na siyang umalis. Ughhhh!!!! Nakakainis na!!!
*school (Media Arts Studio)*
CHRIS' POV
Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka get-over ng nangyari kahapon. Hindi rin ako nakatulog ng mabuti dahil sa kaiisip kay tibo.
BINABASA MO ANG
The Gangster Meets Her Crush
Novela Juvenilbasahin mo na lang kung trip mo. =________=