YANA'S POV
"Yana!!!" Nagising ako ng biglang nakarinig ako nang sigaw. Nakakabigla talaga tong si Rio.
"Yana.. kamusta ka na? Ok na ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong niya sakin.
Ramdam ko na ok ako. Nakakabangon na kasi ako at parang wala nang akong sakit. Nakita ko pa ang bimpo sa lamesa malapit sa kama ko. Mukhang binantayan nga ako ni Chris buong araw.
"Oo, ok na ako" sagot ko kay Rio
"Mabuti kung ganon. Pasalamat kay Prince at di ka niya pinabayaan dito"
"Ahh.. Oo.." sagot ko na lang. Parang lost ako ngayon. Bigla kasing bumalik sa alaala ko yung nangyari sa amin kahapon.
"So, ano papasok ka na ba?"
"Oo, papasok na ako"
"Good. Kasi namimiss na ka daw nang barkada" sabi niya saka kinindatan ako.
Bago siya umalis ay may tinanong muna ako.
"Rio!"
"Yes?"
"Si.. uhmm.. si... Chris?"
Ngumiti siya sakin. Yung nakakalokong ngiti. "Sa kwarto niya nag aayos dahil papasok rin"
"Ah.. ok, sige maliligo na rin ako" sabi ko.
.
.
.
.
.
.
Matapos kong mag ayos ay bumaba na ako sa hapagkainan para mag-almusal.Nakita ko sina Rio at Chris at nauna nang kumain.
Ngumiti sa akin si Chris.. Hindi ko alam pero parang kinilig ako
"Kumain ka na Yana" sabi niya sakin
Tinawag na naman niya ako sa pangalan ko *.*
"Ah.. oo" sagot ko na lang at pilit na hindi ipinapakita ang nararamdaman ko
"Sige mauna na ako sa inyo.. may susundo kasi sakin." Sabi pa ni Rio
Nagulat naman ako. "Huh? At kailan ka pa nagkaroon ng sundo?"tanong ko sa kanya pero bigla na lang may dumating.
"Hi guys!" Si Miko. Pumasok siya sa bahay lumapit ito sa amin.
"What's the meaning of this.?" Nagtatakang tanong ko.
"Hi Yana, ang ganda pala ng bahay nuyo.. kamusta na ang pakiramdam mo? Balita ko talagang binantayan ka ni Chris" pang-aasar niya
"Shut up Miko" sabi naman ni Chris
"Don't change the topic Miko" sabi ko pa. "Don't tell me nag de-date na kayo ng pinsan ko"
"Kalma lang Yana.. nililigawan niya palang ako" sabi naman ni Rio saka ako nabilaukan.
"May tinatago ka rin pala Miko ha" nakangiting sabi ni Chris
"Huh, ako pa? Sinasabi ko talaga ang totoong nararamdaman ko Chris. I'm not like you..." sabi niya saka ako tiningnan.
Anong ibig niyang sabihin? He always give me hints.!
Matalim ni Chris na tiningnan ang kaibigan. Yung bang pinipigilan niyang magsalita ito.
"Opps! Gotta go guys. See you sa school!" Sigaw niya saka naunang umalis kasama si Rio.
Landi talaga ng pinsan ko -__-
Namayani ang katahimikan sa aming dalawa ni Chris. Bakit pa kasi iniwan ako dito ni Rio.
"Uhmm. Yana, wag ka nang mag maneho.. sumama ka na sakin papuntang school"
Parang nag diwang ang tenga ko ng marinig iyon sa kanya pero hindi ako nagpahalata. Sa panahon ngayon uso yung pakipot!
"Hindi na kailangan, kaya--"
BINABASA MO ANG
The Gangster Meets Her Crush
Novela Juvenilbasahin mo na lang kung trip mo. =________=