CHRIS' POV
ughhh! I hate her! matapos ko siyang puntahan sa clinic dahil sa sobrang pag-aalala ko iniwan niya pa ako sa bwisit na kidnaper na yun!Hindi talaga siya marunong mag appreciate ng mga taong nasa paligid niya.
Hindi ko rin alam kung bakit pinuntahan ko pa siya dun at tiningnan kung ok siya.
Nakakainis! Ang gangster pala na yun ang transferee. James was right.
Napagisipan kong magpahangin muna sa rooftop at mamaya na lang uuwi.
I sip a cup of coffee and opened my laptop. Ito kasi ang ginagawa ko kapag kinakailangan kong magpalamig ng ulo. Itutulak ko na lang ang sarili ko sa mga paperworks. I need to find an idea para sa susunod na mga programs ng school.
While looking for some files. Aksidenteng na open ko ang isang video na ginawa sakin ni Gwen para sa Birthday ko.
"hi to my handsome lovey dovey Chris! Happy Birthday my love! I really miss you so much.! sorry kung wala ako ngayon sa birthday mo ha, I hope you understand. you know how much this performance is important to me. Pero wag ka ng malungkot ok? Babalik rin naman ako eh and never kitang iiwan. Love, promise ko pagkabalik ko, mag de-date tayo! hahahhaha. Anyway, may birthday gift akong pinadala sayo. Sana magustuhan mo because that is the thing that symbolizes our eternal love. sige my Love, ayoko nang mag MMK. magpakabait ka diyan, ok? dahil kung hindi, makakatikim ka sakin ng resbak. again, happy birthday Chris Dawson. I really really really love you! mwaah! bye my lovey dovey!"
after watching that video di ko naman mapigilan ang hindi umiyak. I miss her so badly, and it's killing me.
Wala siya nung birthday ko nun pero masaya pa rin ako ng ipadala niya sakin ang video na yun. She's in New York rehearsing for her upcomming big performance. Mahilig kasi si Gwen mag ballet at hindi rin makakaya ng konsensya ko kapag pinigilan ko siya sa kanyang career.
Maarte siya minsan at parang bata pero mahal na mahal ko siya. and that gift? huh, isang human size teddy bear na stuffed toy pala yun. She even said to me that, it's our baby. we named him Prince kasi prince naman daw ang tawag sakin ng mga schoolmates namin. She's kinda crazy. Sinorpresa niya ako pagkabalik niya. She even sang a song for me in the middle of the crowd. theme song pa daw namin yun. Yung Perfect Two. and after that, we had a date.
That was one of the happiest day with her.
Hanggan ngayon naniniwala pa rin ako kay Gwen. May forever. Ang baby namin? yeah, I still keep it. sabi niya kasi Prince symbolizes as our eternal love for each other.
I really miss her. Asan na kaya siya?
I checked the date today and then I realized na birthday ko na pala bukas. Ang tanga ko. Ngayon ko lang nalaman to. Kung nandito lang sana siya, magiging masaya talaga ako. Kahit presensya niya lang.
YANA'S POV
ang sakit ng bukol ko ha. lintek na Jin yun. babawiin ko na lang ang sinabi ko kanina. pagbabayaran niya to bukas.Pagkarating ko sa bahay agad ko ng ginamot tong bukol ko. napalakas ang pagkakatama eh.
"Maam, eto pa yung ice" sabi ng isa sa mga katulong namin.
"thank you manang.. ah, si Rio po, nakauwi na ba?" tanong ko sa kanya
"Hindi pa po maam eh. Pero tumawag siya kanina. Gagabihin daw po kasi may company class pa sila.."
hectic ng schedule ni insan ha. "eh si mokong?"
"ho?"
"si Chris. nakauwi na ba siya?" tanong ko ulit
"ah. kakauwi niya lang po. andoon na siya sa kwarto niya. Nagpapadala rin nga po yun ng soup dahil sumasakit ang ulo"
"wow ha. akalain mo yun. may sakit.. uhmmm. manang ako na lang maghahatid ng pagkain sa kanya. tapos, mauna na rin kayong kumain.."
"ah. sige po maam. kayo po?"
"no thanks diet ako eh" *flip hair* //minsan lang yan sa isang taon//
Matapos maluto yung soup ay diretso na rin akong pumasok sa kwarto ni Boss.
Nakahiga na siya at may mga papel na nakakalat at laptop sa kama niya.
"busy ha." bulong ko
Ipinatong ko muna ang trey ng mga pagkain at tiningnan siya ng malapitan.
Gusto kong makita ng maigi ang kagwapuhan ni moks eh. hmmp. saang banda ba gwapo tung kumag nato?
Ilang sandali lang ay biglang nagising si Moks. Nagkatinginan pa kaming dalawa.
"anong ginagawa mo?" tanong niya
"ahhh... ehh.. nag- nag e-execute lang ako ng lamok, eto nga oh!" sabi ko saka siya sinampal.
oh my God.! Im so stupid!
"what the hell is your problem!" sigaw pa ni Chris habang hinimas himas niya ang pisnging sinampal ko.
hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko. nag panic ako.
"may lamok nga diba? magpasalamat ka na lang at least di ka niya nakuhanan ng dugo" pagrarason ko pa.
"ginagago mo ba ako?!"
"Oo- este hindi! aah.. may lamok talaga sa pisngi mo kaya yun ..ok na boss patay na siya. you're safe"
"baliw! nakakadalawa ka ng sampal sakin eh. ano bang ginagawa mo rito sa kwarto ko? naninilip ka no?"
nang asar pa. "huh, as if may abs ka. hello, hindi ako bastos, tulad mo. Nandito ako para ibigay to sayo" sabi ko saka tinuro ang isang bowl na soup.
"ahh.. so talagang pinagsisilbihan mo ako?"
"hindi. pagkaawa ang tawag diyan boss" pangangatwiran ko pa saka na sana aalis pero pinigilan niya ako
"wait, stay here."
"bakit?"
"hindi ako makabangon. may maigraine ako and I need you to assist me."
"yan kasi eh! kung makatutok ka diyan sa laptop mo parang wala ng bukas. Kulang ka rin siguro sa tulog kaya nagkakaganyan ka."
"wag mo na akong pangaralan tibo. masakit ang ulo ko."
ughhh! ano ba naman to. Nakakailang.! Hindi ko na siya tinanong at sinubo ko na sa kanya ang soup.
"Wala kasi si Anna kaya medyo naging busy ako." sabi niya
"ahhh.. kaya pala daig mo pa si PNoy kung magtrabaho. Studies? tapos ikaw pa ang namamahala ng academy? hahah Idol !" nakangiting sabi ko
"ayoko na. itabi mo na lang yan. ang sakit pa rin kasi ng ulo ko." sinunod ko siya at kumuha ako ng gamot niya.
"oh eto. inumin mo para gumaling ka."
"thank you"
"sureness boss.. by the way, araw-arawin mo na rin sabihin ang mga katagang yan ha... thank you" asar ko pa.
"ewan ko sayo" sagot niya saka humiga ulit at pinikit ang nga mata niya.
Gusto ko na sanang umalis pero parang di ko magawa. nakakaawa kasi ang sitwasyon niya. Hindi rin siya maka galaw ng maayos kaya tiniis ko na muna at minasahe ang noo niya.
Walang anu-ano'y hinawakan niya ang kamay ko.
"thank you" sabi niya at may kung anong di maipaliwanag na damdamin ang naramdaman ko ng muli niyang sabihin ito.
BINABASA MO ANG
The Gangster Meets Her Crush
Teen Fictionbasahin mo na lang kung trip mo. =________=