Chris POV
Isang black suit ang pinasuot sa akin ni Sir. Malones. Lumabas na ako ng dressing room para makita niya kung bagay sakin ang suot na to. Bigla kong nakita si Yana. She's wearing a simple blue dress with a flower crown on her head.
"You look gorgeous Ryori, sabi ko na nga ba bagay na bagay sayo ang dress na yan" papuri pa ni Sir Malones.
Yeah.. eh kahit saang anggulo, maganda naman talaga si Tibo eh.. ang problema lang, ay ang attitude niya.
Gusto ko rin sana siyang purihin kaya lang di kami ganun ka close para gawin ko yun. Iniwas ko na lang ang sarili ko sa kanya at pinigilan ang pagtingin-tingin.
"ahh . ehh.. hehe.. thank you" sambit niya
Lumabas na rin kami matapos ibigay sa amin ang iba pang susuotin.
Naunang lumabas si tibo sa building, habang hinihintay ko naman ang kotse ko... Hindi ko inaasahan na seseryosohin niya talaga ang pag-uwi ng mag-isa.Nadala lang ako siguro sa galit ko kaya napagtaasan ko siya ng boses. nakakainis rin naman kasi siya eh. palagi na lang may rason .
Naisipan ko munang umuwi sa bahay para makapagpahinga at ma ready ko ang sarili ko sa kasal ni Anna.
*number 09********* (calling)*
"Chris!" sigaw ng nasa kabilang linya"sino to?"
"This is Rio.. Chris kasama mo ba ngayon si Yana?" tanong nito
"Nope.. kanina pa kami lumabas sa building ni Mr. Malones.. bakit,? di pa ba siya umuuwi?"
"Hindi pa eh.. nag-aalala na nga ako.. Mag gagabi na.. Hindi, pa naman niya alam kung paano mag commute.." sabi nito
Ano?! ang tapang talaga ng Tibo na yun ! Talagang umalis siya para di ako makasama.
Agad kong binabaan si Rio at dali-daling pinaandar ang kotse para hanapin siya .
Hindi kasi makakaya ng konsensya ko pag may nangyaring masama kay Yana..
.
.
.
.
.
.
.
sinusubukan ko siya ngayong tawagan pero hindi niya sinasagot. Pinuntahan ko ulit ang building ni Mr. Malones at naghanap hanap malapit sa lugar na yun..May park kasi rito kaya nagbabasakali akong andito siya.
"manang magkano to?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa kanang gawi ko.
sino pa nga ba? e di si Yana.
talagang mahilig to sa park eh.. last time nung nawala to, sa park ko rin siya nakita.. tsk."uubusin ko na lang po lahat ng fishball diyan manang" huh.., I can't imagine that, this rich gangster is eating street foods. .Napangiti ako at nilapitan siya
"kailan ka pa nagkagusto ng ganyang mga pagkain?" I asked her at mukhang nagulat pa siya ng makita ako
"who you?" tanong niya
matalim ko siyang tiningnan..ano naman bang drama to?"heheh de biro lang Moks.. ngayon lang... eto try mo, fishball!!!" masayang sabi niya saka ito pinakain sa akin. "oh, masarap diba?!!"
The truth is, hindi pa ako nakakakain ng ganitong pagkain, kasi sabi nila marumi daw to.. pero ewan ko.. Hindi ko matanggihan ang tibo na to.
"ay manang pa try rin po tong isa..." sabi niya habang tinuturo yung pagkain na bilog pero medyo malaki siya
"ah kwek-kwek ba iha? sige kain lang.."
"salamat po manang.. e te take-out ko rin po yung iba" hahaha.. ibang klase talaga tong si Tibo
"alam mo parang isang taon ka hindi pinapakain.." sabi ko sa kanya habang enjoy na enjoy siyang sinasawsaw sa hot sauce ang fishball
"pasenya.. ginutom eh.. alam mo bang hindi ako nakapag lunch ng dahil sayo?!" inis niyang sabi
"excuse me? so kasalanan ko pa pala ngayon? bakit sino ba yung umaalis?"
"hello? pinalayas mo kaya ako sa kotse mo! amnesia lang pre?"
"ewan ko sayo! kasalanan mo rin yun kasi pinapainit mo ang ulo ko"
"wow ha! as if naman hindi mo ako binebwiset!" sagot niya
see? talagang may rason siya palagi! the nerves!!!! >\\<"tsk. alam mo.. pasalamat ka na lang at kahit papaano ay may pakialam pa ako sa slave na katulad mo... eh kung may mangyari sayo ng masama, ? konsenya ko pa"
"wag kang mag-alala gangster to eh.. kaya ko naman ang sarili ko"
"tama na nga yan.. pumasok ka na dun sa kotse. . ihahatid na kita"
"later.. can't you see?? I'm still enjoying my food" sabi niya
" e take out mo na lang lahat.. tapos bayaran mo na"
"ahh.. heheh.. Moks.. may problema eh"
"ano na naman?"
"pengeng pera" bulong niya sakin. Nakakahiya talaga to kahit kailan..
kakain-kain wala naman palang dalang pambayad!
kumuha na ako ng 500 sa pitaka ko at agad na inabot ang bayad sa manang na yun."patay gutom" sabi ko pa sa kanya
"che! wag ka ngang KJ!" sigaw nito saka umalis. tsk saan naman ba to pupunta?
"hoy, tibo! umuwi na tayo!" sigaw ko pero diretso lang siyang lumakad at di ako pinansin
Nakita kong papunta na siya sa may children's playground at dun ay nag swing.. mukha siyang bata sa pinanggagawa niya
"whooooh!!!" sigaw niya habang enjoy na enjoy sa pag si-swing... "excited ka masyado moks eh.."
"Tibo. hinahanap ka na ni Rio, kinakailangan mo nang umuwi"
"tss.. no worries.. I'll text her na ok ako" sabi niya saka nilabas ang cellphone nito
she's gotta be kidding me.. "ano pa bang plano mong gawin dito?" inis kong tanong sa kanya. ang kulit kasi!
"di ba obvious? nagpaparelax lang ako moks. ." sagot niya
huminga ako ng malalim at umupo na rin sa swing na malapit sa kanya.
. ."siguro nagtataka ka kung bakit palagi mo na lang ako nakikita sa mga park kapag nawawala ako"
"yeah.. why is that so?"
"hmmp. . Kasi ito ang pinakapaborito kong lugar.. bukod sa relaxing, ay dito rin ako napapaisip ng mga bagay-bagay"
"bagay-bagay? like what?" nagtatakang tanong ko sa kanya
"nah.. secret ko na yun" sabi niya saka mahinang tumawa. Tiningnan ko siya at parang ngayon ko lang yata nakausap si tibo ng matino. xD
"Actually this place reminds me about my past. . When I was a child my parents used to take me in the park nung sa Japan pa ako.. Na aalala ko pa nga ang sabi ni Mommy sakin na walang gustong makipagkaibigan sakin dahil bully ako.. hahahah.. ang sama ko no?" sabi niya saka ako nginitian
I don't know what to say. Parang naranasan ko rin kasi ang mga naranasan niya. . Ganyan rin kasi ang ginagawa sakin ng mga parents ko noong bata ako. .
I know they loved me so much... Iniwas ko ang tingin ko kay tibo. ayokong makita niya sa mukha ko na affected ako sa mga kinukwento niya. tss.. Ayoko ko nang maalala pa ang mapapait na nakaraan ko.
"ahh moks, asan pala yung parents mo? I never heard of them.."
Medyo nakaramdam ako ng kirot sa puso ko ng tinanong iyon sa akin ni Yana."They died in a car accident.. two years ago " lakas loob kong pagkakasabi.
Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. ramdam ko na ayaw na rin ni Yana e open ang topic up tungkol sa mga magulang ko matapos niya marinig ang mga ito.
"so--" sabi niya pero agad kong pinutol yun. Alam kong hihingi lang siya ng patawad. ayoko kasing kinakaawaan ako
"let's go... Umuwi na tayo" sabi ko saka naunang pumasok sa kotse..
BINABASA MO ANG
The Gangster Meets Her Crush
Teen Fictionbasahin mo na lang kung trip mo. =________=