YANA'S POV
Pagkarating namin sa ospital ay agad ko nang tinawagan sina Kuya Kei ay Ate Anne.
Mabilis rin silang nakapunta doon pati na rin sina Rio at ang mga kabarkada ni Chris.
"Yana!!" Sigaw ni Rio saka ako hinagkan.
Nakaukit sa mukha nito ang pag-aalala. "Ok ka lang ba?" Tanong niya
"O..Oo ok lang ako. Si Chris lang ang pinaconfine namin." Sagot ko. Mabuti na lang at may dalang lether jacket si Jin kaya hiniram ko at ginamit para hindi makita nila Kuya at Rio yung mga pasa ko.
Papagalitan na naman kasi nila ako kapag nalaman nilang nasaktan ako dahil sa pakikipagsuntukan.
Magkasama kaming pumasok sa loob ng kwarto ni Chris at nandoon si Gwen sa tabi niya na nakabantay.
"Ano ba kasi ang nangyari?" Tanong ni Ate Anne.
"Kasalanan ko po Ate. Umalis po kasi ako sa kalagitnaan ng party kanina. Papauwi na sana ako kaya lang bigla na lang kasi ako hinarang mga di kilalang lalaki. .dumating si Chris para sagipin ako pero marami ang lumaban sa kanya. Sorry talaga Ate.. I'm so sorry..." pagpapaliwanag ni Gwen saka umiyak.
"No..no.. Gwen.. It's not your fault.. the good thing is nasa mabuti na kayong kalagayan" sabi ni Ate Anne at hinagkan si Gwen.
Tiningnan ko si Chris. Hanggang ngayon wala pa siyang malay. Talangang humanda ang mga gumawa nito sa kanya. Ipagdasal na lang nila na hindi ulit kami magkita.
Sa galit ko hindi ko na namalayan na unti ko na palang nababaon ang mga kuko ko sa aking palad. "Yana..." napatingin ako kay Ate Anne.. "Yana.. thank you.. nagpapasamat ako sa inyo ni Jin sa pagtulong kay Chris.."
"Ate.. wala yun.."
"Alam kong sobra kang nag-aalala sa kanya. .hayaan mo.. magiging ok rin ang lahat..." nakahinga ako ng malalim sa sinabi ni Ate Anne. Tumango lang ako dito..
Sana magising na siya.. Chris please..
.
.
.
.
.
Lumabas muna ako ng ospital at nagpahangin. Para naman kasing wala akong lugar don. Andoon naman si Gwen para bantayan si Chris."Yana..." kahit nakatalikod ako alam kong boses iyon ni Jin.
"Oh.. bakit nandito ka pa? Umuwi ka na.."
"Aba! Pinapalayas mo na agad ako?"
"OA mo ha! Eh mag uumaga na oh.. baka hinahanap ka ng pamilya mo.."
"Huh, asa" cold na pagkakasabi niya. May family problem ba to? Para kasing nangitim yung mukha niya ng banggitin ko ang salitang pamilya.. =_=^ "oh sige na nga.. uuwi na ako.. napagod rin kasi ako dun sa kakasuntok kanina.. pero teka lang.. yung pasa mo ok na ba?" Tanong niya saka hinawakan ang braso ko.
"Aray!"
"So-sorry.. patingin nga.." kulit rin nito eh..
"Wag na.. konting gasgas lang to.. promise!" Sabi ko saka pilit na ngumiti sa kanya. Tiningnan niya lang ako. Yung tingin na parang nagtatanong sakin. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa.. "Ano?" Tanong ko..
"Gusto kitang yakapin Yana.."
"Huh?" Nagulat ako sa sinambit niya gusto niya daw akong yakapin.? Na possessed ba to?
Bago pa ako magsalita ulit ay agad niya na akong niyakap. Napanganga na lang ako dito. Di ko kasi siya ma gets. Gusto kong ilayo ang sarili ko sa kanya pero hindi.. para kasing ito ang kailangan ko ngayon. Yung comfort. Kahit yakap lang parang unti rin napawi ang mga mabibigat na nararamdaman ko kanina.
BINABASA MO ANG
The Gangster Meets Her Crush
Teen Fictionbasahin mo na lang kung trip mo. =________=