Chapter 25 (Random Feelings)

6 0 0
                                    

YANA'S POV

"whooooh! lamig ah!" reklamo ko pa ng magising ako. Medyo masakit ang ulo ko pero pinilit ko pa rin bumangon at mag-ayos para makapag almusal. Naka sweater din ako dahil hindi ko makayanan ang lamig ngayon.

Pagkalabas ko sa kwarto. tiningnan ko muna kung nakauwi si Chris. and yeahh, mahimbing na pala ang tulog ng prinsipe sa kama niya. tss..

Nauna na akong bumaba at nakita ko si Rio na kumakain.

"good morning" masayang bati niya

"good morning"

"psst! Yana. kamusta ang date?"

sabi ko na nga ba eh! tatanungin niya yan sakin.

"bwisit!" inis kong sagot.

"ai! meh ganon?! bakit?" tanong niya

"wala.. masaya prend! enjoy ako. super!" sabi ko para hindi na humaba ang istorya.

"Hindi ka talaga magandang ka chismis" sabi nito saka nag pout. "eh teka lang, bakit ka nakasweater? ok ka lang ba? ang putla mo ha"

"ok lang ako. Ay, manang yung cake pala. ok pa ba yun?" tanong ko sa katulong namin

"opo maam.. ilalabas ko po ba,? para naman mabigay niyo kay sir."

"ahh.. oh sige.. lagyan mu na rin manang ng candle para ma blow niya" sabi ko

"sige po maam"

"OMG! saan galing ang cake?" tanong ni Rio

"edi sakin. bakit ba?"

"ui.. kailan ka pa nag abala sa ganyan insan?"

"ngayon lang. eh bakit nga? anong big deal dun? cake lang yun ok.?"

"pfft! cake lang nga yun.. sige insan pagpatuloy mo lang yan.." sabi nito saka tumawa.

minsan mahirap rin magets ang babaeng to.

Matapos maihanda ang cake ay agad akong pumunta sa kwarto ni moks. pero bago muna yun pumunta muna ako sa kwarto at tumingin sa salamin. chine-check ko muna kung mukha akong tao.

hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kailangan kong gawin to.

"Bakit ko ba kailangan mag pa impress sa mokong na yun?" tanong ko sa sarili ko. tsk! "bahala na nga" sabi ko saka ginulo ang buhok ko

Pagkapasok ko sa kwarto niya ay ganun din gumising siya.

"good morning!" bati ko sa kanya

"ano to?" tanong niya

"cake! tanga lang moks?" sabi ko saka niya ako pinandilatan

"hehehe jowk. binili ko to kahapon. eh kasi feeling ko kulang ang birthday mo kapag hindi ka nakablow nito. sige na. ok lang yan kahit late."

"hindi ka galit?"

"galit saan?"

"sa pag-iwan ko sayo kagabi."

"ahh.. oo nga pala mabuti at pina remind mo.. don't worry moks mamaya makakatikim ka ng suntok ko. sa ngayon mag wish na muna saka e blow mo na to!" sabi ko "ay wait! wala pang kanta. *ubo* ubo* Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday... happy birthday to you.. sige blow mo na"

"huh, ibang klase ka talaga. ok." sabi niya saka hinipan ito. pumalakpak rin ako. "yes! congrats moks! matanda ka na"

CHRIS' POV

I don't know what to say. Pagkauwi ko kasi sa bahay iniisip ko pa kung ano ang sasabihin ko kay Yana after leaving her.

Nawala kasi siya sa isip ko ng marinig ko na andito na sa Pilipinas si Gwen. Hindi ko alam na bumili pala siya ng cake para maka blow lang ako. I didn't know na may ganitong side si tibo.

The Gangster Meets Her CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon