SABRINA'S POINT OF VIEW
"Waaah! Grabe nakakakilig talaga yun." sabay hampas ko sa braso ni Yana.
"Isang hampas pa dyan Sabrina, mababatukan ka sakin." banta ni Yana
Taray talaga ng babaeng to. Kakalabas lang namin ng movie house nanuod kasi kami ng nakakakilig na movie.
"Girls, tara kain muna tayo." tapos nag-cling sya sa braso naming dalawa ni Yana so nasa gitna na namin sya.
"Ang takaw mo talaga Cassey." natatawang sabi ko.
"Che! Bakit ba, tara na." at sabay sabay kaming pumunta sa isang restaurant.
**
"Girls, what if tumira tayo sa isang bahay?" out of the blue na tanung ni Cassey samin sabay subo ng pizza na kinakain nya.
Napatingin naman kami sakanya. "What do you mean?" tanung ko.
"Hm. Panu kung kuha tayo ng bahay tapos dun tayo titira yung bahay na malapit lang sa bago nating school ha? Para di hassle malayo kasi yung mga bahay natin sa bago nating school." magpapaliwanag nya.
"Pustahan tayo, sa wattpad mo nakuha yang idea na yan no?" tanung ni Yana.
"Hehe. Oo, ang cool kasi e."
"Hm. Great idea, papaalam muna ko." sabi ko. Titira kami sa isang bahay na kami-kami lang? Mukhang exciting! :)
**
"ARAAAY!" napahawak ako sa noo ko. Palabas na sana ko ng kwarto ko nung biglang may nagbukas!
"Hala! Sorry Sab di ko alam na palabas kana." sabi ni Cassey.
"Syempre, di mo naman ako matatamaan kung alam mong palabas na ko. Pero ok lang, next time katok katok din ha? Anu palang kelangan mo?" tanung ko.
"Ah, anu. Nakita mo ba yung pink dress ko? Di ko kasi makita sa mga gamit ko." sabi nya.
"Ah yun ba? Oo nakita ko, teka kunin ko sayo pala yun." tapos kinuha ko yung nasa cabinet ko.
"Eto oh." abot ko sakanya.
"Thanks. Sorry ulit." tapos nag-peace sign sya at lumabas na sa kwarto ko. Nakalipat na nga pala kami dito sa bago naming bahay, buti pumayag yung parents namin 20 minutes away lang sya sa school. Yung parents na namin ang bahala sa mga bills dito. O diba? Saya lang. ^^
**
"Saaaab! Tara na." narinig ko sigaw ni Yana. Kaya bumaba na ko, ngayon kasi kami mag-eenroll sa bago naming school.
"Kaninong car ang gagamitin natin?" tanung ko nung nasa labas na kami.
"Kay Cassey nalang." sabi ni Yana. Kaya yun umalis na kami at pumunta na sa school. Oo nga pala, kaya kami lumipat kasi nabored kami sa dati naming school, preo syempre joke lang. Hahaha. Basta! :)
"Grabe, daming tao. Dami rin pala nagpapa-enroll dito." sabi ni Cassey.
"Oo nga no, haba ng pila!" sabi ko. Hinanap namin yung pila at pumila na kami. Grabe! Mukhang matatagalan kami nit ah. After a few minutes naramdaman ko na ang tawag ng klikasan. Naiihi ako.
"Girls, CR lang ako." pagpapaalam ko sakanila.
"Samahan na kita?" alok ni Yana.
"Hindi na. Ako nalang dyan nalang kayo sa pila, mabilis lang naman ako." sabi ko, tapos nag-nod nalang yung dalawa.
Hala? Nasan nga ba yung CR? Nag-lalakad ako dito sa hallway pero wala naman ako makitang CR! Ayun, tanung ko nalang sa babae.
"Uhm, excuse me Miss. Pwede magtanung? San dito yung CR?" tanung ko.
BINABASA MO ANG
Twists & Turns [COMPLETED]
RomanceIt's amazing how you can fall in love with a person you didn't notice the first time you met them. Yes, I fell in love with the most unexpected person on the most unexpected time. I guess they're right, love is full of surprises and serendipity. And...