SABRINA'S POINT OF VIEW
Naaalala ko na sya pala yung lalaking nakabungguan ko. Psh. First impression? Epal! Pinsan pala sya ni Cassey. Kung anung kinaganda ng ugali ni Cassey, yun naman ang kinayabang nya! -___-
"Goodmorning class." bati nung teacher namin.
"Goodmorning Ma'am."
"Di nyo naman na siguro kelangan magpakilala isa-isa dahil magkakakilala naman na kayo, kaya yung three girls na transferees nalang ang magpapakilala." sabi nung teacher at tumingin samin. Sabay sabay kaming tumayo at pumunta sa harap.
"Goodmorning, I'm Cassey Fernandez." :)
"Hi Yana Evans is the name." :)
"Hello Sabrina Mendez here." :)
"KALA KO BA, IKAW YUNG BABAENG WALANG PANGALAN?" sigaw nung sino pa ba? Tyron.
"Gaya ng sinabi mo KALA mo lang yun. May tama bang akala? Next time mag-ingat ka madaming namamatay sa maling akala, baka yan pa ikamatay mo." mataray kong sabi.
Narinig ko namang na 'Oooh' yung mga classmates namin.
"Ok, Ok. Tama na yan guys, you may now go back to your proper places."
**
FASTFORWARD >>
"Guys, una na kayo may bibilhin pa kasi ako." sabi ko sakanila nung nasa parking lot na kami.
"Gusto mo samahan kana namin?" alok ni Cassey.
"Nope, ako nalang. Kitakits nalang sa bahay."
"Ok, ingat ka." sabi ni Yana at sumakay na kami sa kanya kanya naming mga sasakyan.
**
"Thankyou Ma'am, balik po kayo ulit." sabi nung babae nung binigay na nya yung book na binili ko. Kaya nag-smile nalang ako. Sakto paglabas ko may nakita akong Ice Cream Shop. Makabili nga for sure matutuwa yung mga yun lalo na si Cassey ang hilig sa ice cream nun eh.
TYRON'S POINT OF VIEW
Nandito kami ngayon kila Cassey, wala lang. Nabanggit kasi nya kanina na sa iisang bahay lang sila nakatira kaya na-curious ako. Tapos niyaya ko na rin sila Cyrus at Paul. Lalo na si Cyrus, tuwang tuwan makikita daw kasi nya si Yana! Haha. Chickboy talaga yung gagong yun.
"GIIIIRLS!" napatingin ako dun sa sumigaw. Si Sab lang pala.
"Ingaaay!" pag-paparinig ko. Kaya napatingin sya sakin.
Kumunot noo nya ng makita ako. "Anung ginagawa mo dito sa bahay KO?" tanung nya.
"Maka-bahay ko naman to, kala mo naman sarili mo." sabi ko. Tapos tumingin ulit sa pinapanuod kong basketball.
"Hahahaha! Oo nga!" narinig ko yung boses ni Cassey. Mukhang nagkakasiyahan na sila dun ah. Makapunta nga.
"Wow, anung meron?" tanung ni Sab. Nung makarating na din sya sa kitchen.
"Wala naman. Dumadalawa lang sila. Para na din maging close na tayong lahat." sabi ni Cassey habang nakangiti pa.
"San ka pala galing?" tanung ni Yana.
"Ah, eto bumili ako ng book tapos bumili rin ako ng Ice Cream." tapos pinakita nya yung plastic na hawak nya.
"WOW. ICRE CREAM!" sabi ko. Tapos napatingin sya sakin, sungit talaga ng babaeng to sakin.
"Ay, pasensya na ha? Bawal kasi sa mga pangit tong binili kong Ice Cream" sabi nya tapos nag-smirk pa. Aba loko to ah!
"Hoy hoy, sinong pangit sinasabi mo?" tanung ko.
BINABASA MO ANG
Twists & Turns [COMPLETED]
RomanceIt's amazing how you can fall in love with a person you didn't notice the first time you met them. Yes, I fell in love with the most unexpected person on the most unexpected time. I guess they're right, love is full of surprises and serendipity. And...