CHAPTER 36

426 10 1
                                    

SABRINA'S POINT OF VIEW

"T-Tyron."

Agad syang yumuko at pinulat yung mga libro kong nagkalat. Napakagat ako lalo sa labi ko nung sabay kaming tumayo, pinipigilan ko lang yung luhang kanina pa gustong tumulo. Halos mapatalon yung puso ko ng magdikit yung mga kamay namin dahil inabot nya yung mga libro ko.

"Sa susunod mag-ingat ka naman." malamig na pagkakasabi nya.

"S-Salamat." sabi ko at tumalikod na agad sya.

"Sandali!" pigil ko sakanya at agad naman syang napahinto.

"A-Anong nangyari sayo?" kasabay ng pagsalita ko yung pagtulo ng mga luha kong kanina ko pang pinipigilang tumulo. "B-Bakit bigla kang nagbago? Hindi ko maintindihan, may nagawa ba ko?" lalo akong naiyak ng humarap sya sakin at nagtama ang mga mata namin. Naramdaman kong nanlambot ang tuhod ko kaya nakaupo nalang ako sa sahig at tinakip ang mga palad ko sa mukha ko.

"Kelan lang ang saya natin, bakit nagkaganito? Bakit bigla ka nalang nawala? Akala ko ba gusto mo ako na yung forever mo kahit walang salitang forever, akala ko ba ako yung gusto mong makasama. Akala ko ba walang iwanan. Pero b-bakit sya?"

Naramdaman ko syang lumapit sakin at nagulat ako ng hilahin nya ko sa isang classroom at agad isinara yun. Kami nalang ang nandito, uwian na kasi. Nagulat ako nung sinuntok nya yung pader habang ako iyak parin ng iyaka. Pansamantala kong inilapag yung libro sa table at dahan-dahan lumapit sakanya.

"Tyron." patuloy parin ako sa pag-hikbi, samantalang sya nakatalikod lang. Dahan-dahan kong niyakap sya mula sa likuran.

"Please, sabihin mo ang problema kung anu man yan? Sorry man kung anung nagawa ko. Wag naman yung ganito, iiwan mo nalang ako bigla sa ere." patuloy parin ako sa pag-iyak. "Akala ko ba, kahit anung mangyari walang bibitaw sating dalawa, p-pero bat ikaw yung unang bumitaw? Mahal na mahal kita."

"May mga bagay na kahit anung higpit ng pagkakahawak mo, mawawala parin sa mga kamay mo." sabi nya. "Para rin sayo tong ginagawa ko Sab."

"Hindi kita maintindihan, ipaliwanag mo naman!" sigaw ko sakanya.

Dahan-dahan syang humarap sakin at hinawakan yung magkabilang balikat ko.

"Kelangan natin gawin to Sab, para sayo din tong ginagawa ko."

"Ipaliwanag mo!"

Umiwas lang sya ng tingin. "Basta mag-iingat ka palagi Sab. Siguro kelangan na talaga natin sanayin ang sarili natin na wala ang isa't-isa sa tabi natin. Siguro h-hindi nga talaga tayo para sa isa't-isa."

Agad ko syang yinakap ng mahigpit. Naririnig ko ang bilis ng tibok ng puso nya. "Alam ko Tyron, mahal mo ko. Kung anu man yan, please sabihin mo sakin. Alam ko maaayos pa natin to." dahan-dahan nyang hiniwalay ako sa pagkakayakap.

"Baka hinahanap na ko ni Krisha." lalo akong naiyak ng marinig ko ang pangalan nya, pakiramdam ko naninikip dibdib ko.

"Tyron! Wag mo ko iwan, hindi ko kayang wala ka."

"Masyado ka lang siguro nasanay na lagi akong nandyan sa tabi mo. Alam ko makakaya mo rin yan kahit wala ako. Basta mag-iingat ka lagi Sabrina, wag mo pababayaan sarili mo."

"Tyron! Magbabago ako, kung gusto mo. Please, wag mo ko iwan. Kelangan kita. Mahal na mahal kita." halos paos na yung boses ko pero sya wala ni isang patak ng luha ang tumutulo sa mga mata nya na lalong nakadagdag sakit. Pero kitang-kita ko sa mga mata nya nahihirapan na sya. Bakit? Dahil ba sakin? Puro pasakit lang ba ang naibibigay ko sakanya? Wala ba kong kwenta? </3

"Hanggang dito nalang. Pero kung tayo naman talaga sa huli magiging tayo parin. Sa ngayon kelangan lang talaga natin gawin to, kelangan ko. Ito ang mas makakabuti sayo. Mag-iingat ka palagi." napapikit ako ng halikan nya ang noo ko at nagmadaling umalis.

Twists & Turns [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon