CHAPTER 33

374 10 0
                                    

SABRINA'S POINT OF VIEW

Hay. Buti naman di na ko kinulit nung tatlo kanina kung anung nangyayari sakin, saka nalang ako magkukwento. Nandito na ko sa school, nauna na kong pumasok sakanila.

Habang naglalakad sa hallway nagulat ako nung biglang may umakbay sakin.

"Goodmorning." nakangiting bati nya.

Ngumiti din ako. "Goodmorning."

"Psh! Good daw! Kamusta na pala ha, pikachu?"

"Tamo to! Magtatanung tapos di maniniwala!" sabi ko.

"Obvious naman po kasi na hindi. Smile na dyan!" ang kulit talaga nitong si Ash! Ewan ko pa feeling ko matagal na kaming magkakilala, comfortable na ko sakanya.

"Hatid kita maya?" out of the blue na tanung nya.

"Sure!" sabi ko.

"Tas papakainin mo ko ha?"

"Ah ganun? Kala ko naman concern ka yun pala may pakay ka!" natatawang sabi ko.

"Naman! Ganun talaga pogi eh." tas nagtaas baba pa kilay nya. Nakakatawa tong si Ash, parang si Tyron lang. Ayan nananaman. </3

"Dito na tayo." nandito na pala kami sa room.

"Salamat Pokemon." sabi ko. Kaya Pokemon kasi diba may Ash dun, tas kaya daw pikachu sakin kasi, ewan daw nya. Hahaha! Baliw talaga!

"Welcome Pikachuuuuuu!"

"A-Aray! Masha-kit!" sabi ko tas pinalo ko yung kamay nya, panggigilan daw ba ko? >////<

"Namula na oh!"

"Hahaha! Ok lang cu--"

"Op!" hinarang ko yung kamay ko mangungurot pa kasi e! >.<

"Oo na, alis na pokemon!"

"Hahaha! Bas--"

"Ehem!" pareho kaming napahinto dun sa umubo.

*Dug.Dug*

Si Tyron pala, nakatingin sya samin pero umiwas agad ako ng tingin nung nagkatitigan kami. </3 Namimiss ko na yung kakulitan ng mokong na to. :( Pumasok na sya at ako nakayuko lang.

"Pst! Ngiti na." sabi ni Ash, ngumiti nalang ako kahit pilit.

"Thankyou Ash ha, kitakits nalang maya." sabi ko at pumasok na rin.

TYRON'S POINT OF VIEW

Badtrip! Pumasok na rin si Sab pero nakayuko lang sya at di nya ko tinitignan. Aish! Nakakainis naman eh! Lima palang kami dito sa classroom kasama yung iba naming classmates, wala pa yung barkada. Kakausapin ko na si Sab.

"Sab." tawag ko nung makaupo na sya napataas pa yung dalawa nyang balikat na parang nagulat. Grabe nakakagulat ba ko? Parang nagbago talaga sya.

"O-Oh?" di sya lumilingon. Aish! Umupo ako dun sa desk nya pero sa gilid lang.

"Iniiwasan mo ba ko?" seryosong tanung ko.

"H-ha? Anu kaba!" tas pinalo nya ko ng mahina sa balikat at hinawakan ko agad yun. "Hindi ha." tas agad nyang binawi yung kamay nya.

"Eh bat di mo ko kinakausap?" tanung ko.

"Nakakasawa na kasi pagmumukha mo." tas tumawa sya, PILIT!

"Tatawa kana nga lang pilit pa, bat pag yung Ash na yun ang kausap mo ang saya-saya mo, lagi nalang yung Ash na yun ang pinapansin mo. Panu naman ako?" di ko alam pero bigla ko nalang natanung yung huli. Mukha rin syang nagulat, ako din!

Twists & Turns [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon