PAUL’S POINT OF VIEW
Nung 10:30 umuwi na rin kami.
“Hey!” napatingin ako sa may pintuan ng kwarto ko. Si Ate lang pala.
“Bakit?” tanung ko at napaupo ako sa pagkakahiga. Lumapit sya sakin at tumabi ng may malapad na ngiti.
“Ikaw ha! Classmate mo na pala si Cassey, di ka nagkukwento! Yiiiie.” sabi nya at siniko-siko pa ko.
“Eh anu ngayon? Para classmates lang eh.”
“Sus! Bakit di mo kasi ligawan ha?” tanung nya.
“Pumunta ka ba dito para mang-asar ha Ate? Labas kana nga!”
“Sus! Torpe mo talaga kahit kelan! Bahala ka baka maunahan ka pa dyan!” tapos binato yung unan sa mukha ko tyaka lumabas na. -___-
Yeah, may gusto ako kay Cassey second year palang kami. Mahal ko na sya. Tsk! So gay pero totoo yun. Ganito kasi yun...
*FLASHBACK*
Nandito kami ngayon sa gym ng Villmore High. May laban kasi kami ng basketball. Maganda naman pala yung school dito. Malaki din at malinis. Habang naglilibot ako ng paningin nahagip ng mga mata ko si Cyrus. Psh! Dumadamoves nanaman sa mga cheerdancers ng Villmore High. Chickboy talaga!
Maya maya may lumapit na babae sa pwesto ng team namin. Maputi tapos mahaba ang buhok tapos ang ganda ng smile nya. Ang ganda nya. Napahawak ako bigla sa dibdib ko bat ang bilis ng tibok nito. Tangna! Abnormal na yata tong puso ko.
“Pinsaaaaan!” pasigaw nya habang nakangiti parin.
“Uy, pinsan!” woah! Pinsan pala ni Tyron tong babae na to.
“Anung ginagawa mo dito?” tanung nung babae kay Tyron.
“Ah, may laban kami. Hahaha. Wuuu! Ilalampaso namin yung team ng school nyo--Aray!” woah! Batukan daw ba si Tyron? Hahaha. Ang cute nya!
“Ang yabang mo. Baka kayo pa ilampaso ng team namin! Bleh! :P” nakatingin lang ako sakanila, sakanyan pala. Di parin nawawala yung mala-anghel nyang ngiti at ang ganda ng mata nya.
“Asa! Hanggat nandito si Tyron the great mananalo kami! Taga mo yan sa bato pinsan! Hahaha. Ay nga pala!” humarap sakin si Tyron tapos tinawag ako, lumapit naman ako. “Pinsan! To nga pala si Paul, captain ball namin. Paul, pinsan ko si Cassey.” Natulala ako! Ang ganda nya lalo sa malapitan.
“Hello Paul!” tapos inabot nya yung kamay nya para makipag-shakehands, inabot ko naman. Shit! Bat parang nakuryente ako?! Anu bang nangyayari sakin?
“Hi.” bati ko at ngumiti, ngumiti din sya.
“Osya, pinsan punta na ko dun ha? Kelangan ko pa kasi magtake ng madaming pictures para sa school paper.” tapos tinaasa nya yung camerang nakasabit sa leeg nya.
“Ok, picturan mo ko ha? Gusto ko yung makikita yung pogi kong mukha sa newspaper ng school nyo. Bwahahaha!” sira ulo talaga si Tyron.
“Sus! Gwapong gwapo lang sa sarili? Hahaha. Oo na isasama kita tapos ipapadala ko senyo yung news paper! Haha. Osya alis na ko pakamusta nalang kila Tita at Tito.” tapos tumingin sya sakin “Ah, Paul nice to meet you. Bye pinsan!” nag-apir sila ni Tyron tapos umalis na sya. Grabe napaka ganda nya tapos sobrang cheerful.
Nag-start na yung game. Pero lingon parin ako ng lingon sakanya. Busy na busy sya sa pagkuha ng pictures hanggang sa may lumapit sakanya na schoolmate nya tas may binulong at umalis na sila.
BINABASA MO ANG
Twists & Turns [COMPLETED]
RomanceIt's amazing how you can fall in love with a person you didn't notice the first time you met them. Yes, I fell in love with the most unexpected person on the most unexpected time. I guess they're right, love is full of surprises and serendipity. And...