SABRINA'S POINT OF VIEW
Ilang araw ang lumipas, pero ilag na talaga samin lalo na sakin si Krisha. Pag nagkikita kami, umiiwas sya ng tingin tapos parang di nya kami nakilala. Ilang beses ko na din syang sinubukang kausapin, pero wala e. Kaya pinabayaan ko nalang muna.
"Sab."
"Hmm?" papunta na kaming parking lot ngayon, uwian na kasi. Si Tyron na yung laging naghahatid sundo sakin. Edi ayos! Tipid sa gasolina. Hahaha.
"Wag muna tayo umuwi." sabi nya, tas pinagbuksan ako ng pinto.
"Ha? San naman tayo pupunta?" tanung ko habang pumapasok. Ngumiti sya bago isara yung pinto ng passenger's sit.
"Basta." nakangiti nyang sabi ng makasakay na at ini-start yung sasakyan. Pinabayaan ko nalang sya hanggang dun nga makarating kami sa isang cliff. Pagtingin sa baba dagat na sya. Ang sarap dito ang presko ng hangin.
"Ang gandaaaa." sabi ko. Medyo orange na yung sky pa sunset na kasi. Nagulat ako ng bigla akong niyakap sa likod ni Tyron tas sinandal nya yung baba nya sa shoulder ko.
"Mas maganda ka." bulong nya. Eeeeh! >///<
"San lagi tayong ganito." sabi ko
"Yung ikaw at ako lang." dugtong nya.
"I love you Sab." tas hinarap nya ko sakanya saka hinalikan yung noo ko.
"I love you too." nagkatitigan kami. Napapikit nalang ako ng naramdaman ko yung labi nya sa labi ko. Nararamdaman ko sa halik palang mahal na mahal ako ni Tyron, kaya sinuklian ko din ang halik nya at sinigurado kong mararamdaman din nya kung ganu ko sya kamahal.
After we broke the kiss, umupo kami dun sa may cliff yung paa namin nasa baba. Buti nalang pareho kaming hindi malululain. Inakbayan nya ko sinandal ko yung ulo ko sa balikat nya, naramdaman ko hinalikan nya yung tuktok ng ulo ko tas hinawakan nya yung isa kong kamay at initerwined yun.
"Sab, gusto ko ikaw na yung forever ko. Kahit alam kong walang forever gusto ko ikaw at ikaw parin sa huli. Mahal na mahal kita Sab. Sana kahit anung problema ang dumating satin, walang bibitaw." naramdaman kong humigpit yung pag-akbay nya at lalo pa nya akong dinikit sakanya. "Akin ka lang Sab. Akin ka."
AKO NA KINIKILIG!!! >//<
Nagkwentuhan lang kami habang pinapanuod yung sunset. Everything was perfect.
TYRON'S POINT OF VIEW
Pagkahatid ko kay Sab, umuwi na din ako agad. Takte! Mahal na mahal ko talaga yung babaeng yun kahit kanina tuwang tuwa sya sa pagbatok at paghahampas sakin. Tsk! Ang brutal talaga. Pero mahal na mahal ko yun. Napapangiti nalang ako pag naaalala ko yung kanina. Everything was perfect.
Nasa kanto palang ako papunta ng bahay namin nung may humarang. May apat na lalaking bumaba sa kotse. Lumapit yung isa sakin tsaka kinatok yung pinto ng konti ko. Teka kilala ko to ah? Ah si Kristian! Kalaban ng team namin sa ibang school. Bumaba ako.
"Ano?!" inis kong tanung, di kami magkasundo ng hayop na to.
"Masyado naman yatang mainit ulo natin pare." tas inakbayan ako ni Mark, isa din sa kateam nya. Actually lahat to ka-team nya. -__-
Tinaggal ko yung magkaka-akbay nya. Pare mo mukha mo, ulol!
"Anu bang kelangan nyo? Dalian nyo at tatawagan ko pa yung girlfriend ko." inis kong sabi. Sabi ko kasi kay Sab, tatawagan ko sya pag nakauwi na ko.
"Tungkol dun." panimula ni Kristian, at parang may tono yung pananalita nya. "Hiwalayan mo girlfriend mo at gawing girlfriend kapatid ko." natigilan ako sa sinabi nya.
BINABASA MO ANG
Twists & Turns [COMPLETED]
RomanceIt's amazing how you can fall in love with a person you didn't notice the first time you met them. Yes, I fell in love with the most unexpected person on the most unexpected time. I guess they're right, love is full of surprises and serendipity. And...