SABRINA'S POINT OF VIEW
Umiyak lang ako ng umiyak sa sobrang inis ko, nabubunot ko na yung mga damo. Ugh! I hate you Tyron! Ungas ka talaga kahit kelan! Why of all people, sayo pa?!
"Oy! Bat ka umiiyak dyan?" napatingin ako dun sa nagsalita may tao pala. Tumayo ako at nagpagpag ng palda.
"P-Paki mo ba!" sabi ko habang nagpupunas nung luha ko. Ugh! Tumutulo parin eh. Nakakainis!
Lumapit sya sakin. "May paki ako." sabi nya. Sino ba to? -__-"
"At bakit naman?" pagtataray ko. Mainit ulo ko ngayon!
"Kase pogi ako."
-_____-"
"Kapal ng mukha nito." bulong ko. Di ko nalang sya pinansin at tumalikod na.
"Sabrina, right?" napahinto ako sa paglalakad ng sabihin nya yun.
"Stalker ba kita?" tanung ko habang nakataas yung kilay ko.
"Pogi ko naman para maging stalker mo, wag ka ngang feeling!"
Aba loko to ah! "Eh, panu mo ko nakilala, ha?"
"Syempre, pogi ako." Pogi sya ng pogi! Naalala ko tuloy si Tyron. Ugh! Nevermind. "Sino ka ba ha?" tanung ko.
"Paki mo?"
"Ay, leche!" sabi ko at tumalikod na para maglakad.
"Uy, joke lang!" hinawakan nya ko sa balikat kaya napaharap ako sakanya. "I'm Ash." pagpapakilala nya at nilahad nya yung kamay nya pero tinignan ko lang.
"Arte mo naman, dali na! Nakakangawit kaya!" iritadong sagot nya.
"Psh! Sab." sabi ko tas nakipag-shakehands ako.
"Kagagaling ko lang cr." agad akon napabitaw. "Bastos!" sigaw ko sakanya.
"Joke lang! Hahahaha! Tyaka ang bastos naghuhubad!"
"Ewan ko sayo!" lumayo na talaga ako para maupo dun sa bench na malapit sa fountain.
*sigh*
"Bat ka ba umiiyak?" nagulat ako nung may magsalita, nandito na pala to sa tabi ko.
"Paki mo ba. Di tayo close." pagtataray ako.
"Oh ayan! Ok na ba? Close na yata." tas tumawa pa.
"Lumayo ka nga! Ang sikip!" sabi ko. Panu dumikit ba naman sakin! -___-
"Oo na. Hahaha!" tas umayos na sya ng upo."So, bat ka umiiyak?" ang kulit naman nito!
*sigh*
"Na-heartbroken kana ba?" tanung ko.
"Hindi pa, ako mismo ang heartbreaker eh. Mwahaha!" binatukan ko nga.
"Aray! Joke lang. Oo naman, normal lang naman yun eh. Ah! gets ko na, kay Tyron no?" napatingin ako sakanya.
"Panu mo nalaman?!" gulat na tanung ko sakanya, seriously?! Bat ang dami nitong alam?!
"Syempre pogi ako. Op! Wag mo ko babatukan." tas hinarang nya yung kamay nya kaya natawa ako sakanya. "Ayan tumatawa kana. Ge, seryoso na syempre obvious naman na si Tyron kasi kayong dalawa nalang ang walang partner sa barkada nyo." sabi nya.
"So yun ang basehan mo?"
"Yeap! Tama naman ako diba?" tas nag-taas-baba pa yung kulay nya. Cute!
"Psh. Yeah right." *rolleyes*
Nakipag-kwentuhan pa ko kay Ash, ang saya pala nito kausap nakakatawa puro kalokohan. Parang si Tyron lang. UGH! ETO NANAMAN!!
TYRON'S POINT OF VIEW
BINABASA MO ANG
Twists & Turns [COMPLETED]
RomanceIt's amazing how you can fall in love with a person you didn't notice the first time you met them. Yes, I fell in love with the most unexpected person on the most unexpected time. I guess they're right, love is full of surprises and serendipity. And...