CASSEY'S POINT OF VIEW
"Anung gusto mo?" tanung sakin ni Paul.
"Ikaw" bulong ko.
"Ha?" aguuuy! Narinig nya yata!
"Sabi ko, i-ikaw nalang bahala. Hehe." sabi ko tapos ngumiti. Tumango sya at umalis na para bumili ng pagkain.
Nandito kami ngayon sa canteen. Pano ba naman wala yung barkada, nang-iwan! Si Yana at Cyrus pati yung mag-fiancé na Nica at Zyrene mga nag-date yata. Si Tyron at Sab naman, ewan. Mamayang hapon pa kasi ang game nila. -___- Pero kiber na yun, makakasama ko naman si Crush. Ay landers!
"Here." at nilagay nya sa harap ko yung foods.
"Waaah! Siomai! Thankyou." sabi ko. Gutom ako! Lampake kahit crush ko pa yang nasa harap ko. Kinain ko agad yung binigay nya pero habang kumakain ako naramdaman kong nakatingin sya sakin.
"B-bakit?" tanung ko.
"Wala naman, ang cute mo kasi." sabi nya sabay kurot ng mahina sa pisngi ko. >//<
"A-ah. Hehe, kumain kana nga!" utos ko sakanya naiilang kasi ako sa tingin nya. Pero buti naman kumain na sya.
Pero ang tahimik! Binilisan ko nalang kumain kasi di ko kayang walang kadaldalan! Buti tapos na rin sya.
Time check: 12:10pm
Maaga pa naman pala. Mamayang 3:20 pa daw laban nila eh. At take note! Villmore High kalaban nila, odiba? Dati naming school yun. Bongga!
"Uy." tawag ko kay Paul. "Magkwento ka naman." sabi ko. Ang tahimik eh.
"Anung gusto mong ikwento ko?" tanung nya.
"Kahit ano." basta may malaman lang ako tungkol sayo.
"Naniniwala ka ba sa love at first sight?" tanung nya. Bakit nainlove kana ba sakin? Pero syempre di ko tinanung. Hahaha.
"Oo naman! Kaya nga may kasabihan ding love is in the air diba? Kasi anytime pwede tayong mainlove kahit kakakilala palang natin yan o kaya naman kahit kaaway pa." sabi ko, totoo naman diba? Gaya nitong si Paul nagka-crush agad ako sakanya nung pasukan.
"May point ka." sabi nya at tumango-tango. "I met this girl 2 years ago." panimula nya. "Nakakatawang isipin pero tinamaan nga ako ng love at first sight sakanya." sabi nya at natawa sya ng bahagya.
Aray naman! May nag mamay-ari na pala ng puso nya. Ewan ko pero parang sumikip yung dibdib ko. Lalo na't tinitignan ko sya ngayon habang nagkukwento ng naka-ngiti na para bang inaalala yung girl.
"Tapos yung girl na yun pinakilala sya sakin ng kaiibigan ko. Sobrang saya ko nun nung nakipag shake hands sya sakin. Ang bading isipin pero ganun talaga eh, tinamaan agad ako."
Nanatili akong walang kibo. Parang ang hirap magsalita. Parang ang bigat sa pakiramdam habang nagkukwento sya, mukhang mahal na nga nya yung babae.
"Tapos nalaman ko nalang lumipat pala sya dito sa school na to. Kaya nga ang saya ko e, lagi ko syang nakikita."
Bagong lipat? Yun kaya yung nasa section 4-Two? May naririnig akong bagong lipat eh tas maganda daw pero di ko pa nakikita, eh malay ko ba sa mga tao dito kung sino ang bago at hindi.
"S-sino ba yun?" tanung ko. Ay shet! Bat ko tinanung?!
"Gusto mo malaman?" teka parang iba yung tono nya. Gusto ko nga bang malaman? Wag na kaya? Baka pag nakita ko ma-insecure lang ako sakanya. Pero ngumiti lang ako sa tanung nya.
"Sige sasabihin ko, si--"
PAUL'S POINT OF VIEW
"PAUL!" lintek! Chance na to eh! Napatingin ako dun sa panirang tumawag sakin.
BINABASA MO ANG
Twists & Turns [COMPLETED]
RomanceIt's amazing how you can fall in love with a person you didn't notice the first time you met them. Yes, I fell in love with the most unexpected person on the most unexpected time. I guess they're right, love is full of surprises and serendipity. And...