YANA'S POINT OF VIEW
Nandito kami ngayon sa canteen kasi breaktime na. Pero nakakapagtaka lang ha? Si Paul at Sab magkatabi habang nag-uusap tas sa tabi ni Paul si Cassey na nakatagilid at kausap naman si Tyron. Anu to? Exchange partners?
Nagkatinginan kami nila Cyrus, Zyrene at Nica ng what-the-hell-is-happening-look
"Uh, guys?" tawag ni Zyrene kaya napatingin din sila.
"Ok lang kayo?" tanung naman ni Nica.
"Oo naman, bakit?" sagot ni Sab.
"Nothing." sagot ulit ni Nica, tumango lang sika at nagpatuloy sa pagkukwentuhan.
SERIOUSLY, THEY'RE FREAKING ME OUT!! ANU BA KASI NANGYAYARI?
CASSEY'S POINT OF VIEW
Simula nun di na talaga kami nagkibuan. Pag kinakausap nya ko umiiwas ako, pagtumatawag sya di ko sinasagot. Di ko alam kung anung nangyayari sajin basta ang alam ko lang ayoko muna sya makausap. Pag tinatanung ako ng barkada di ko nalang sila sinasagot.
"Cass! Dalian mo mag-uumpisa na yun." sigaw ni Nica.
"Kelangan ko ba talagang sumama?" iritadong tanung ko habang nililigpit yung mga gamit ko sa desk ko.
"Oo naman! Dali na." sabi ni Yana.
I rolled my eyes. Kinuha ko na agad yung bag ko at lumabas na ng classroom. Ngayon kasi yung Quiz Bee tapos half-day lang ngayon. Dumiretso na agad kami sa College Department, dun daw kasi gaganapin yung Quiz Bee mas maluwang kasi.
Pumasok na agad kami sa isang Hall, nasa harap nun yung mga magku-quiz, umupo kami sa harap.
"Sab! Paul!" tawag ni Zyrene kaya napatingin sila samin, nagtama ang paningin namin ni Paul kaya umiwas agad ako ng tingin.
Di nagtagal nagsimula na ang Quiz. Di maitataging magaling silang dalawa, lahat ng tanung nasasagot nila.
"Correct!" masayang sigaw ng Questioner kila Sab.
"Waaaaah!!" nagtitili lahat ng tao dito sa loob.
"We have a winner from Britton High!"
Masayang nag-apir sila Sab at Paul at mas lalo akong nagulat ng nagyakapan sila. Umiwas agad ako ng tingin. Ang sakit. Sobrang sakit. Anu bang nangyayari samin ni Paul?
"Guys, una na ko sa labas. Kitakits nalang sa parking lot." sabi ko at tumakbo na palabas. Anu na ba talagang nangyayari? Ha? Satin Paul, anu ng nangyayari? Sht! Ito nanaman yung luha ko. :'( Paul naman eh!
**
Kinabukasan late akong nagising. Asar! Anung oras na kasi ako nakatulog kagabi. Ginawa ko talaga lahat ng makakaya ko makaiwas lang kahapon. Masakit eh!
Napahinto ako sa paglalakad ng may madaanan akong pinagkakaguluhan nila sa Bulettin Board.
"Anung meron?" tanung ko kay Rizza, classmate namin to eh.
"OMG! Cassey!" gulat nyang sigaw nung makita ko. Eh? Lahat ng tao lumingon sakin ng marinig nila yung pangalan ko.
"Anyare?" tanung ko ulit. Agad na hinila ako ni Rizza papunta sa harap ng Bulettin Board, nag-give way naman sakin yung mga estudyante.
"Look." turo nya at agad na tinignan ko.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko at ang puso ko sobrang lakas sa pagkabog. Nakalagay sa picture sila Sab at Paul, nakangiti silang dalawa habang nakatingin sa kamay ni Sab, di ako sigurado pero parang singsing yun. Tapos sa pangalawang picture magka-half hug sila ni Paul at parehong nakangiti. Napatakip nalang ako ng bibig. Ito ba yung sikreto nila?
BINABASA MO ANG
Twists & Turns [COMPLETED]
RomanceIt's amazing how you can fall in love with a person you didn't notice the first time you met them. Yes, I fell in love with the most unexpected person on the most unexpected time. I guess they're right, love is full of surprises and serendipity. And...