CHAPTER 16

475 11 0
                                    


YANA'S POINT OF VIEW

"Yanaaa, wala ka parin bang naiisip?" iritang tanung ni Nica.

"Teka lang." sabi ko. Kanina pa kami dito ni Nica sa mall at paikot-ikot. Mukhang pagod na nga to eh. 1st Monthsary kasi namin ni Cyrus bukas kaya kelangan kong maghanap ng regalo para sakanya.

"Eh kung couple ring nalang kaya?" suggest ni Nica. Kanina ko pa naiisip yan kaso nga lang baka ayaw naman nya ng design? Tsk! Bahala na.

"Tara na nga." sabi ko.

"Nics, sa tingin mo magugustuhan nya to?" tanung ko sakanya habang nakatingin dun sa couple rings.

"Sus! Kahit anu pang ibigay mo magugustuhan naman nya, kahit nga basahan eh." sabi ni Nica.

"Ay ewan ko sayo. Miss kukunin ko to." sabi ko. Ang cute nung ring may nakasulat na Always&Forever sa paikot nya.

**

*The next day*

"Eh? Wala pa pala sila." tanung ni Cassey ng makapasok kami sa clasroom.

"Baka may practice sila? Malapit na rin kasi ang sports feast" sabi ni Sab, habang umuupo.

"Oy, Yana! Monthsary nyo pala ni Cy ngayon no? Yiiie!" kilig na sabi ni Cassey.

"Binati kana ba nya kaninang 12:00 AM?" kilig na tanung ni Sab.

"Anu kayang gift nya sayo?" singit naman ni Nica.

Nakakatawa talaga tong tatlong to, kala mo sila ang may Monthsary. Pero nakakainis nga eh, di manlang ako binati kahit text! Haaay. One month na pala ang lumipas simula nung sabi nya na tutulungan nya ko, ok naman kami ni Cyrus feeling ko nga unti-unti na talaga akong nahuhulog sakanya. Pero sabi naman nya handa naman nya akong saluhin.

"Yana! Nandyan na sila." bulong ni Sab kaya apatingin ako sa pinto. Nandyan na nga sila.

"yo!" bati ni Tyron

"Hi wifey!" at inakbayan agad nya si Nica.

"Hi beb! Goodmorning!" masaya nyang bati habang magkaakbay pa sila ni Paul.

"Goodmorning." masaya kong bati. Ngumiti lang sya tapos umupo na.

YUN NA YUN?! Nagkatinginan kaming apat. Wala manlang Happy Monthsary?! Tinignan ko lang sya, parang wala lang sakanya.

"Beb, bat ka nakatingin?" inosenteng tanung nya.

"Wala!" *roll eyes*

"Ok, sabi mo eh."

NAKAKAINIS KA CYRUS! ANAK KA NG KURIMAS NA MAY KULUGO!! Nawalan tuloy ako ng gana ibigay tong gift ko sakanya!!!

"Chill lang." bulong sakin ni Cassey. Leche naman kasi oh! Sayang effort ko sa pag-iisip ng ireregalo ko sakanya kahapon!

"Goodmorning class." nandito na pala yung teacher namin.

Anung good sa morning? tss. Nagsimula na sa pagdidiscuss si Ma'am. Kahit favorite ko yung topic na about sa Greek mythology wala parin ako sa mood. Nabwiwbisit ako kay Cyrus!

*KRIIING!!* (Bell)

Ok, tapos na ang first subject.

"Class, I have some announcement." sabi ni Ma'am.

"Class magtatagalog na ko ha? Kanina pa kong English ng English dito sa harap nakakaumay na!" natawa kami sa sinabi ni Ma'am. Advicer rin pala namin sya. Ang cool nyang teacher feeling teenager lang.

Twists & Turns [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon