CHAPTER 18

441 9 0
                                    

YANA'S POINT OF VIEW

"D-Dale." Nyeta naman! Sa laki laki nitong Britton High nagkita pa talaga kami? Tadhana nga naman.

"Yan-yan." Yan-yan your face, jerk!

"Its YANA." pagdidiin ko, Yan-yan yun kasi tawag nya sakin pag naglalambing. Pwe!

"Kelan pa?" tanung nya

"Since the day I broke up with you." *roll eyes* "Ge, alis na ko." sabi ko at nilagpasan na sya pero bigla nyang hinawakan yung braso ko kaya apapikit ako ng madiin

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Ayoko" sabi ko at binawi ko agad yung braso ko at naglakad na ulit.

"Yana! MAHAL KITA!!" peste naman oh! Di ko nalang sya pinansin, diretso lang ako sa paglalakad kahit pinagtitinginan na kami.

Pero teka ako ba to? Himala! Wala manlang akong naramdaman nung hinawakan nya ko, samantalang dati halos makaramdam ako ng kuryente sa buon katawan ko. Pero ngayon wala na, di kaya-

*You and I*

Oy, tumatawag si Beb! Bigla akong napangiti.

"Hello"

(Beb! Nasan ka magsisimula na ang laro, alam mo namang ikaw ang lucky charm ko. *Tangna! Ang baduy mo pre!*) narinig kong sigaw ni Paul sakanya kaya natawa ako. Siguro nakapout pa to. Haha.

"Oo na po beb, papunta na. Naglalakad na ko papuntang gym." sabi ko.

(Ok, ingta beb. I love you)

*toot.toot*

Ewan ko pero nung nag 'i love you' sya parang kinilig ako, parang feeling ko first time lang yun. Di kaya naiinlove na ko sakanya? Napangiti ako sa naisip ko. Maybe this is a good sign.

Pumasok na ko agad sa gym ng makarating ako dun. Nasan na kaya sila Sab? Sigurado naman na nandito na yung mga yun, dami na rin tao.

"Yana!" napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Ayun! Nandun sila malapit na players kaya lumapit agad ako sakanila.

"Kanina ko pa kayo hinahanap. Si Cassey?" tanung ko. Napansin ko kasi na wala sya.

"Ayun oh. Di ba nga sya ang naka-assign na magtake ng picture para sa 1st day ng Sport's Fest." sabi ni Nica. Oooh. Onga pala.

"Oy, may chika ako!" sabi ko at umupo sa gitna nila.

"Anu yun? Dali na!" excited na sabi ni Sab.

"Nililigawan na daw ni Paul si Cassey." sabi ko.

Nakatingin lang sila sakin, I mean titig. Anu ba yan! Wala manlang ba silang reaction? Teka, baka alam na nila? So ako nalang palan ang di nakakaalam? Anu ba yan, lagi nalang ako di updated sa--

"WHAAAAAT?!" sigaw ni Nica at Sab.

=__________=

"Late receiver?"

"Ganun talaga pag maganda dapat medyo slow." sabi ni Sab.

"Panu mo naman nalaman?" tanung ni Nica. Kinuwento ko naman sakanila yung mga narinig kong pinag-uusapan sa cr. Pero di ko na sinama yung 'malandi at mang-aagaw' thingy. Baka sumabog tong mga to.

"KYAAAAAAAAH!!"

"Aray!!" reklamo ko. Tama bang sakin ibuhos ang kakiligan? -____-

"Sabi na e! Emeged!" kinikilig na sabi ni Nica.

"Kaya pala, medyo ilang si Cassey kanina. Yun na pala yun!" sabi naman ni Sab.

Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-anu hanggang sa lumabas na yung players ng school namin at players ng Villmore High.

Twists & Turns [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon