CHAPTER 14

486 12 0
                                    

PAUL'S POINT OF VIEW

Tangna this!! Sarap bangasan nung lalaking yun! Hinalikan pa talaga nya si Cassey?! Kahit sa pisngi halik parin yun!! Ugh! NAG-SESELOS AKO!!!

YANA'S POINT OF VIEW

After naming mag-lunch pumanik na ko agad sa kwarto ko. Haaay. Bat di pa kaya nagtetext yun? Hm. Baka tulog pa siguro anung oras na kasi kami nakauwi galing ng bar.

Ang boring naman! Pumunta ko sa study table para kunin yung phone ko pero may napansin ako. Eto pala yung book na nabili ko. Mabasa nga di ko pa kasi nababasa. Ang weird ng title AGNOIA, kinuha ko yung book at phone ko at umalik ako sa kama, sumandal ako sa headboard at sinimulan ang pagbabasa.

AGNOIA means literally "ignorance" or not paying attention. nakasulat dun sa first page. Wow naman! Mukhang interesting tong book na to ha. Pero halo-halo sya e, may english at tagalog din and take note! Pilipino pala ang gumawa. Galiiing!

Nag-scan pa ko sa ibang page.

Para sa mga nagmamahal at para sa mga pagod ng magmahal.

Patama lang?!

Kung para sayo ang isang bagay kahit lumipas man ang mahang panahon ay para sayo ito.

Teka. Ito yung sinabi sakin ng Mama ko nun. Nung mga oras na iniiyakan ko yung hayup na Dale na yun! Naalala ko nanaman. -___-

Huwag masanay sa nakasanayan na.

Tama nga naman. Masyado na kong nasanay nun na laging nasa tabi ko si Dale. Kaya nung dumating yung panahon na iniwan nya ko at pinagpalit sa iba, nasaktan ako ng sobra. Masyado akong nasanay at pinaikot sakanya ang buong mundo ko.

Hindi iisa ang hugis ng puso. Hindi lang ang nakasanayan natin ang tama.

Eh? Parang medyo nalito ako ha? Hala! Ang slow ko yata? Hindi iisa ang hugis ng puso? So ano nga ba ang hugis ng puso at anu nga ba ang iba't-ibang mukha ng pag-ibig?

Ang bawat tao ay espesyal at bawat isa satin ay may maituturong aral.

Yah! Kagaya ng ginagawa ni Cyrus ngayon, ang dami nyang tinuturo sakin at tinutulungan pa nya akong mag-move on. Dahil sakanya natutunan ko na dapat di ko sinasayang ang luha ko sa taong di naman dapat iyakan. Sabi nga din nya sa pag-iyak ko ng 1 hour nasasayang ang 360 seconds ko. Gets nyo? Minsan lang tayo mabuhay kaya dapat  live life to the fullest!

Haaay. Namiss ko bigla si Cyrus, next time ko na nga lang itutuloy tong pagbabasa yayayain ko sya na mag-date kami.

OMG! Ako ba talaga to? Ako mag-yayaya? Haha. And so the hell what? namiss ko sya eh.

Calling Beb Cyrus...

(Hello) mukhang kagigising lang. Ang pogi ng boses. >//<

"H-hello beb! Naistorbo ba kita?" tanung ko.

(Hm. Di naman. *yawn* Why?) Hindi daw pero inaantok pa!

"Hm. Date tayo!" I heard him chuckled.

(Miss mo na ko no? Hahaha.) Ang sarap pakinggang ng tawa nya. :)

"Eeeh! Ayaw mo?"

(Di naman. Osige, I'll pick you at 3:00. Ok?) napatingin ako sa wall clock ko. 1:45 palang pala.

"Ok, bye." sabi ko.

"Bye. Love you."

*toot* *toot*

Binaba na nya agad alam kasi nya na di ko pa kayang sagutin sya ng 'I love tou too' Sorry Cyrus, di pa ko ready sinisigurado ko palang talaga. Tyaka 1 week palang simula nung sinabi nyang kami na at tutulungan ko sya.

Twists & Turns [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon