CHAPTER 13

480 12 0
                                    

SABRINA'S POINT OF VIEW

"Hoy babae! Kanina ka pa tulala dyan!" di ko sila pinansin. Nakaupo lang ako dito sa kama ko. Depress ako ngayon.

"Saaaaaab!!" sigaw ni Nica sa tenga ko.

"Anu ba!" *rolleyes* "Naririnig ko kayo di ako bingi!" sigaw ko sakanila.

"Di daw bingi eh parang bingi kana nga dyan eh. Di mo kami pinapansin, kanina ka pa dyan simula nung nakakakilig scene nyo ni Tyron. Kyaaaah!" tapos nagtatatalon pa yung tatlo.

Naalala ko naman. T__T

"Uwaaaah! First kiss ko yun, kinuha nya ang first ko. Sakanya napunta ang pinakaiingat-ingatan kong first kiss!"

T____T -- mukha ko

=____= -- mukha nila

"O.A mo na te ha! Buti nga kay Tyron pa napunta yung first kiss mo. Ang pogi nun ah! Ikaw pa choosy dyan." sabay hampas ni Yana sa braso ko. -____-

"Tamaaa! Malay mo dun magsimula ang Love Story nyo." sabi ni Nica na parang nagde-day dream.

"Pero anung feeling ng nahalika?" kinikilig na tanung ni Cassey.

"Mga leche kayo! Lumayas na nga kayo! Anung oras na oh! Kakanta pa tayo mamaya." sigaw ko sakanila.

"Ay, oo nga pala. Mag-aayos na me! Babuuush!" at tumakbo na palabas si Cassey, sumunod na rin yung dalawa.

Napahiga nalang ako at tinakip ang unan sa mukha ko sabay...

"AAAAAAAHHHHHH!!!" O.A na kung O.A, masisisi nyo ba ko? Pangako ko sa sarili ko nun na dapat sa Altar ang magiging first kiss ko. Pero wala na! Napunta lang yun sa Demonyong hambog na yun! T__T

*BAR*

"Hi guys!" bati ni Ate Gab.

"Oh, anyare sa mukha mo Sab?" tanung ni Kuya Zac.

"E, kasi kanina nag-ki--asdfghjkl" tinakpan ko agad yung bibig ni Nica. Daldal eh!

"Wala to, masama lang pakiramdam ko. Hehe." palusot ko.

"Sure ka? Kaya mo bang kumanta?" tanung ni Ate Gab.

"Yep! Yakang-yaka ate!" energetic na sabi ko.

"Sure ka ha?" tumango ako. "Alright then, panik na kayo." sabi ni Ate Gab, kaya pumanik na kami agad para masimulan na ang pagkanta.

*After kumanta*

"Beb!" napatingin kami dun sa tumawag after bumaba ng stage. Uh? Nandyan na pala sila.

"Pangit talaga ng boses mo kahit kelan Sab!" pang-asar ni Tyron. Yung kilos nya parang walang nangyari kanina.

"Mas pangit boses mo!" pasigaw na sabi ko sakanya.

"Talaga? Kiss nalang ulit kita." tapos ngumiti pa ng nakakaloko! Biglang nag-init mukha ko sa sinabi nya. Anak ka ng kurimaw Tyron!

"Yiiiiiie!! Namumula ka Sab!" asar nung mga ungas!

Tinakpan ko tenga ko. "Mga ungas!" sigaw ko sakanila.

"Hubby, panik na kayo, kayo na kakanta diba?" sabi ni Nica.

"Oo nga, tara na." sabi nya kina Paul at pumanik na sila.

"KYAAAAAAH!!!" tilian nung mga babae. Bayan! Gilitan ko sila eh, ang iingay!  After nila kumanta bumaba na rin sila agad.

"Ang galing nyo talaga!" puri ni Kuya Zac. "Tara guys, party party muna tayo Sabado naman." yaya nila ni Ate Gab.

"Sige!" sabay sabay naming sabi. Umupo na kami dun sa isang table na pabilog. Ang daming tao ngayon ah? Sabagay sabado kasi.

"Hey!" napatingin kami dun sa lalaking lumapit. Tinignan namin sya ng mabuti. Teka...

"Kuya Kent?" bulalas ni Yana.

"Waaah! Kuya Kent ikaw nga!" tumayo si Yana at niyakap sya. Si Kuya Kent nga! Tumayo din kami para yakapin sya.

"God! I missed you! Kelan ka pa nakauwi?" tanung ni Yana.

"Last week. Sabi ko na nga ba kayo yung kumakanta kanina. Uy, Nica musta? tumangkad ka ng konti ah, buti umuwi kana din. Sab! Mukhang mataray ka parin! Haha. Hi Cass, kamusta?"

"Ok lang. Hehe." sabi ni Cassey.

Si Kuya Kent pala ang pinsan ni Yana mas matanda sya ng isang year samin, nagmigrate sila nun sa ibang bansa. Tapos may gusto sya kay Cassey kaso unfortunately nabusted sya, hanggang kuya lang daw kasi tingin sakanya ni Cass.

"Nga pala Kuya Kent, sila yung mga kasama namin." sabi ko at pinakilala namin sila.

"Hi Kent nga pala boyfriend ni Cassey."

O____O -- mukha namin.

"B-boyfriend?" gulat na sabi ni Paul. Hala!

"Ah. Hehe, nag-jojoke lang si Kuya Kent!" sabi ni Yana nung mabawi rin ang pagkakagulat.

"Joke pala yun? Tawa tayo mga kaibigan!" sabi ni Tyron at parang tanga naman sila Zyrene at Cyrus na tumawa si Paul nakatingin lang na blanko ang expression.

Siniko ko si Kuya at binigyan nya ko ng 'what-the-hell-was-that-look?!' pero nagkibit-balikat lang.

"Baka gusto nyong maumupo?" tanung ni ate Gab kaya umupo naman kami.

"Game, inuman na!" energetic na sabi ni Cyrus.

Grabe naman ito! Kung nakakapatay siguro ang mga tingin ni Paul baka kanina ka pinaglalamayan tong si Kuya Kent. Pero teka! Paul vs. Kent! wut wut! Masaya to! Habang ng hair ni Cassey abot EDSA! Mwahahahaha!

"Guys! Tuloy natin yung laro kanina Truth or Dare tayo!" sabi ni Nica. Waaaah! Naalala ko nanaman yang pesteng larong yan.

"A-ayoko, pass muna ko. Hehe." sabi ko

"Bawal kj! Wag ka mag-alala di naman na mauulit yung k--asdfghjkl" tinakpan ko agad bibig ni Nica. Seryoso, kanina pa sya!

"May sinasabi ka Nica? Oo na, sasali na!" sabi ko. Napatingin ako kay Tyron at aba nakangiti ang loko! >.<

"Ok, spin ko na." tapos inikot ni Nica yung bottle at kay Kuya Kent natapat!

"Ako agad?"

"Hindi Kent, ako agad." pamimilosopo ni Zyrene. Palibhasa mga Team Paul, pati pala ako! Sorry Kuya Kent! ^___^v

"Hubby!" suway ni Nica. "Ok, Kuya Kent truth or dare?"

"Truth"

"Alright! Sinong bago mong gusto ngayon?" tanung nya.

"Hm. Actually wala naman, sya at sya parin ang nandito." tapos tinuro nya yung puso nya. "Diba Cassey?" tapos nag-smile sya.

"H-ha?" gulat na tanung ni Cassey.

"Psh. Start na ulit!" iritang sabi ni Paul. SELOOOOS! Hahaha. Naloloka talaga kami dito! Nasa kalagitnaan kami ng paglalari ng magsalita si Kuya Kent.

"Guys, nagtext si Mommy kelangan ko na umuwi. So, see you nalang pag may time ulit." sabi ni Kuya Kent.

"Aw. Pakisabi nalang pala kila Tita at Tito miss ko na sila, dalaw ako nyan." sabi ni Yana.

"Alright. Bye guys, nice meeting you." sabi nya habang nakatingin kila Paul. "Bye Cassey." akala namin aalis na sya, pero hindi pa pala nagulat nalang kami nung bigla nyang hinalikan sa pisngi si Cassey tyaka umalis. WHAT THE HELL?!

Twists & Turns [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon