CHAPTER 4

641 16 5
                                    

CYRUS’ POINT OF VIEW

Nandito kami ngayon sa bahay nila Paul. Wala, tambay lang.

“Grabe kanina! Amazona pala yung tatlong babaeng yun!” bilib na sabi ni Tyron.

“Tama ka pre! Di ko inaasahan na may palaban side pala yung mga yun! Astig!” sabi ko.

“Kala ko nga mahihinhin sila na hindi lumalaban. Nakakabilib!” sabi ni Paul

“Shet! Lalo akong naiinlove kay Yana!”

Simula palang nung nakita ko sya may kakaiba na kong naramdaman sakanya. Basta alam ko kakaibi sya. Ibang-iba sya dun sa mga babae na nakilala ko.

“Totoo ba tong naririnig ko ha? Ikaw inlove? Wala yata sa vocabulary ng isang Mr. Casanova ang salitang INLOVE?” sabi ni Tyron habang busy nag-sstrum ng gitara.

“Porket ba Casanova, hindi na pwedeng magbago?”

“Hindi!” sabay na sabi naman nung dalawa. Wow ha! Kaibigan ko nga ba talaga tong mga to?!

“Mga ungas!”

“Pero seryoso pre, kung talagang seryoso ka dyan. Bat di mo ligawan?” tanung ni Paul

“Panu manliligaw? Eh, palapit palang yan lumalayo na si Yana! Bwahahaha!” tinignan ko ng masama si Tyron.

“Isang salita pa dyan babaliin ko leeg mo!”

Napahawak naman sya sa leeg nya. “ Peace tayo pre! Hahaha.” tss, gago talaga to.

“Pero seryoso kasi mga pare pano ko liligawan si Yana babanat palang ako, lumalayo na sya!” sabi ko sabay sandal yung ulo ko sa sandalan ng coach.

Totoo naman kasi. Parang diring diri sya sakin!

“Alam mo kasi pre, kung talagang gusto mo sya, umpisahan mo sa pag-seseryoso!” sabi Tyron at itinabi yung gitara tapos tumabi sakin.

Lumapit din si Paul sa tabi ko tapos nag-strum ng gitara. Napahinto naman sya na parang may naalala.

“Teka nga, ilan ba girlfriends mo ngayon?” tanung nya. Girlfriends talaga?! Psh. Pero ilan nga ba? Nag-isip ako.

Nagbilang ako gamit yung daliri ko. “Hm. Tatlo sa Fermonth High. Lima sa Britton High. Tapos may apat sa Villmore High tapos dalawa ulit sa—ARAY!”

“Bakit nyo ko binatukan?!” sabi ko habang hinihimas yung likod ng ulo ko ulo ko. Sakit nun ah!

“Tss. Gago.” sabi ni Paul at abay strum ulit ng gitara.

“Tindi mong hayup ka! Ganun kadami?! Sira ulo ka talaga! Kung gusto mo talaga si Yana ang una mong dapat gawin ay...”

“IBREAK MO SILA!” sabay na sabi nung dalawa.

“Ingaaay! Kelangan sumisigaw? Sige sandali lang.” tapos nilabas ko yung cellphone ko.

To: Babe1,Babe2,Babe3,Babe4,Babe5

Babe6,Babe7,Babe8,Babe9,Babe10….

Hi Babe, break na tayo. Take care. :)

Then click send.

“Ayan, break na kami.”

^___^ --- Mukha ko.

O___O --- Mukha  nung dalawa.

“Oh bakit?” tanung ko.

“PUCHA! Tibay mo tsong! Parang naggi-GM lang ah!” sabay batok.

“Isang batok pa tol, papaliparin ko ulo mo!” kotang kota na eh!

Twists & Turns [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon