CHAPTER 8: EVIL HUBBY
Second day ko ngayon sa hotel. Sana mas maging okay ngayon. Hindi ko talaga akalain na may mean girls pa din dito. Akala ko sa school lang yun. Tumawag nga sa akin si Kelvin kanina e. Ang sabi niya uuwi na daw siya ngayon. Mabuti yun para malaman niya na may trabaho na ako. Sana nga lang hindi siya magalit. Nung tinanong naman niya kung saan ako pupunta ngayong araw na ito, ang sabi ko sa kanya ay sa botique lang ni Mama, for sure naman gabi pa uwi nun. Gusto ko din kase na personal kong sasabihin sa kanya na may trabaho na ako.
Back to present, kakatapos ko lang magpalit ng uniform. Pinagmasdan ko muna ang sarili ko sa malaking salamin na nasa tapat lang ng sink. Nasa powder room kase ako ngayon.
Nagmukha akong maputla kase nude lipstick ang ginamit ko kanina. Siguro mas magiging okay kung maglilipgloss ako.
Ano kaya kung manghiram na lang ako?
Iaaproach ko na sana yung katabi ko na nagreretouch din kaya lang, through the mirror inirapan niya ako.
Aisht! Ang nangungunang mean girl sa hotel na ito. Sino pa nga ba, e di si Marivic.
Nag-aaply siya ng red lipstic. Masyado namang red nagmukha tuloy siyang maldita.
“Ang mukha Barbie doll, pero ang ugali chaka doll.” Nagulat ako sa biglang bumulong sa akin.
When I looked at her, nginitian niya ako. Isa din siyang housekeeper kase naka-uniform din siya ng kagaya ko. Maikli ang hair niya at kung di mo siya tititigan ng maigi, mapagkakamalan mo siyang bata.
Well sa tingin ko naman tama ang sinabi niya. Proof na dun yung ginawa niya kahapon sa akin. Tamang tama pala sa kanya yung red lipstick niya. Psh!
“I’m Louise. Bago ka lang dito tama ba?” Sabay abot ng kamay.
Tinanggap ko naman ang shake hands na inalok niya.
“Glazy. Oo, bago lang ako dito. Second day.” Pinapanood ko lang siyang mag-ayos ng buhok. Ngayon ko lang napansin na majority ng employees dito sa hotel ay magaganda. Siguro isa nga yun sa qualifications nila para makapasok dito. Mabuti na lang pala hindi ako dumaan sa proseso na yun hehe.
Tapos may lumabas na babae sa isang cubicle. Sa pagkakatanda ko siya yung kasama ni Marivic kahapon. Yap maganda din siya pero naaamoy ko na pareho sila ng ugali ni Marivic.
BINABASA MO ANG
Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)
HumorBOOK 2 of DANGER SERIES *This story contains emoticons. Bakas pa ang jejemon days sa way ng pagkakasulat. *I will never edit this story, dahil dito ko nakikita ang difference ng pagsusulat at pag-iisip ko noon. (The truth is tamad lang talaga ako.)...