CHAPTER 21: SMILE

8.4K 153 4
                                    

CHAPTER 21: SMILE

GLAZY'S POV:

Hindi ko alam kung naintindihan ni Louise ang paliwanag ko sa kanya kahapon tungkol sa relasyon namin ni Kelvin.

Ang alam ko lang sobrang hindi sya makapaniwala sa katotohanan na mag-asawa kami ng monster na si Kelvin Josh Vergara.

"Ma'm Glazy ito daw po ang isusuot nyo ngayon." Ibinaba nya ang malaking box sa kama.

Tapos ipinatong naman ng isa pang maid ang silver na paper bag sa tabi ng malaking box.

"Ah.. ano bang meron?" clueless kong tanong sa dalawang maid.

Binuksan ko yung malaking box. Isang white elegant dress ang laman nito.

"Ma'm Glazy hindi din po namin alam." Pormal na sagot ng isa.

Sinilip ko naman ang laman ng paperbag. Isang sosyaleng white din na handbag.

"Ganun ba sige pwede na kayong umalis." Sabi ko sa dalawang maid.

Nagbow muna sila bago lumabas ng kwarto.

Haay nawiwirduhan pa din ako. Kailan kaya ako masasanay?

Ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot na kama.

Magiging awkward ang araw na to for sure.

Bakit kase kung kailan pa malapit na kaming lumipat ng bahay tsaka pa kami nagkakatampuhan?

I swear gusto ko nang magkaayos kami. Aaminin ko naman na nagselos lang talaga ako e, kaya lang hindi ako makahanap ng tamang tyempo.

Pagkagising nga nya kanina e lumabas na agad sya ng kwarto namin. Wala man lang lambing sa umaga.

Kelvin pataasan na naman ba ng pride to?

Pagkatapos kong magmunimuni, nag-ayos na ako ng sarili ko.

Hindi ko na nadatnan si Kelvin sa baba. Ang sabi ng mga maid umalis na daw at nagmamadali pa.

Ano ba talagang meron sa Global Hotel?

Kailangan ba talagang nakadress ang mga empleyado?

Pagkasakay ko sa kotse, may biglang pumasok sa isip ko.

*bright idea*

Bakit nga ba hindi ko gawin yun?

Oras na ng revenge ko mean brats. Bwahahaha!

Buong biyahe iniisip ko ang gagawin kong revenge. Madami akong gustong gawin sa dalawang brat kaya lang majority nun sobrang brutal. Ayoko naman masampahan ng kaso no.

Pagkarating namin sa Global hotel, as usual pinagbuksan ako ng vallet attendant.

Ayoko pa nga sana na pumasok sa loob pero hanggang tenga na ang ngiti ng isang babaeng nakacorporate attire sa akin.

Lumingon pa ako para makasiguro na ako nga ang nginingitian nya. And voila ako nga wala ng iba.

Kaya pagkapasok ko sa loob sinalubong nya agad ako.

"Good morning Mrs. Glazy Vergara. I'm Pia Cordeva, the front office supervisor."

"Aah nice to meet you." tapos nakipagshake hands ako.

"I'll be guiding you to the central function hall." dugtong pa nya.

"Okay. Ahm pwede bang magtanong?" I said.

"Go ahead Ma'm." nakapaste na ata ang ngiti sa mukha nya.

"Anong meron?" Medyo hininaan ko pa ang boses ko kase sakto na may mga dumaan. Mga bongga ang attire. Di kaya may party party?

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon