CHAPTER 63: MOVE FORWARD

7.1K 152 10
                                    

CHAPTER 63: MOVE FORWARD

Never look back? Sinabi ko ba talaga yun sa kanya?

Ugh! Now I know tanga talaga ako. Hindi pa rin ako nagbabago. I’m still the dumb girl na kilala niya dati.

Sapo sapo ko ang puso ko habang pilit na humahakbang palayo sa kanya.

Natauhan lang ako nang may tumawag sa pangalan ko.

Nakalabas na pala ako ng Hotel.

Palapit na sa akin ngayon si Stacey. Nakangiti niya akong sinalubong.

Somehow, napangiti na din ako kahit pilit.

“How are you Glazy? Namayat ka ah. Stress?” Still the jolly version of her.

I just smiled. Alam na niya yun. Imposibleng hindi.

“Do you have time? May bagong bukas na coffee shop not far from here.”

“Ano kase Stacey, ahm.. may imi-meet ako ngayon.”

“More important than me?” Ikinawit pa niya ang kamay niya sa braso ko habang nagtitwinkle ang mga mata.

Haay! Magkadugo talaga sila ni Kelvin!

“Cancel it please?” Now nakapout pa siya.

Tell me kung paano ko matatanggihan ang cute na nilalang na ‘to?!

***

NIEGEL’S POV:

“Ah ganun ba? Okay lang. Hindi pa rin naman ako nakakaalis ng condo. Sige. Ingat ka.”

I ended the call.

Niegel, nakakatawa ka. Iniisip mo pa rin na may pag-asa ka sa kanya?

“Sir? Oorder na po ba kayo?” The waitress asked as she approached me.

I smiled at her.

“Tell me, pwede ba akong um-order ng love?”

***

GLAZY’S POV:

Coffee Shop

“I heard naghahanap ka ng trabaho.”

“Ah.. Oo. Ang totoo niyan may nahanap na ako.” Hinalo halo ko ng dahan dahan ang coffee na inorder para sa akin ni Stacey. Sa palagay ko mas lalong lalakas ang tibok ng puso ko sa kape na ‘to.

Great. Mukhang hindi talaga ako makakatulog mamayang gabi.

“Really? Saan? I mean what job?”

“Isang resort sa Batangas—“

“BATANGAS?! Oh My Glazy! That’s too far from here.”

“Mas okay na siguro yun kaysa wala akong ginagawa dito.”

“No! Think about it. Mapapalayo ka kay Kel—“ Sya na mismo ang hindi nagtuloy sa sasabihin niya.

Actually yun ang una kong dahilan kung bakit tinanggap ko kaagad ang alok sa akin ni Inggrid.

“I’m sorry. I know that you two are not in a good state. But I still insist, ignore that job. Dito ka na magwork. I’ll help you to find a good job na suitable sayo. Okay?”

I smiled at her.

“Hindi na kailangan Stacey. Sa tingin ko mas mabilis magiging okay ang lahat kung lalayo na ako.”

“Hindi ko na itatanong kung anong nangyari sa inyo in Japan. But don’t you think oras na para makalimot and to move forward? Sinundan mo si Kelvin sa ibang bansa. It’s a concrete proof na mahal mo siya. Bumalik siya dito sa Pilipinas for you. Isn’t that a proof na mahal ka pa rin niya?”

“Sa tingin ko.. hindi. Tinapos na namin ang lahat noong nasa Japan kami. Kung ano mang dahilan niya ngayon, sa tingin ko hindi na yun pag-ibig.”

“Is that what you think?” I heard her heavy sigh.

“Move forward. Iyon na ang ginagawa ko ngayon para sa ikabubuti naming dalawa.”

“You want to move forward, but I can see that your heart keeps on moving backward.”

“Nakakatawa di ba? Kahit mahirap kailangan kong gawin. Pakisabi kay Kelvin ganun din ang gawin niya. Itigil na niya ang pakikipaglaro. Nakakasawa na kasi eh.”

“Okay let’s change this hurtful topic. Glazy, I’ll be leaving in a week. Magpapadespedida ako. Punta ka.”

“Aalis ka na?”

“Yup. I realized that wala dito ang buhay ko. So I’ll stay in Spain for good. Just like you, I want to move forward. Kaya magkasundo tayo eh. Don’t forget my party, kung hindi magtatampo ako.”

I nod as an answer.

***

KELVIN’S POV:

“Hey steel head!”

There’s a soft thing that crashed on my face the moment I looked at her.

Psh! Batuhin ba ako ng unan?! Muntikan ko pa tuloy mabitawan ang red wine.

She sat beside me and snatched the wine in my hand.

“Guess what? The plan is all set up!” She proudly announced.

I was about to take the wine glass from her when she drank it.

“You’re not supposed to be just sitting here and waiting for miracle to happen! Hindi mo ba natatanaw ang dark clouds?!  Magwowork na si Glazy sa Batangas! It’s a long drive from here!”

“Then I’ll live there.” I finally got the wine glass and I poured the red wine on it.

“Stupid! Kahit kailan talaga walang kwenta ang mga naiisip mong plan! No wonder anak ka talaga ni ate!”

“Go home. I want to be alone.” I drank the whole glass.

“Anyway, thanks to me pwede pang mapigilan ang pag-alis niya. At baka may miracle ngang mangyare and BOOM! Bumalik na siya sayo. Isn’t that what you want?”

Bumalik siya sa akin?

I’ll give up everything, mangyari lang yon.

***

GLAZY’S POV:

Kakauwi ko lang sa bahay at nadatnan kong sitting pretty sa sofa si Inggrid habang parang baliw na tawa nang tawa sa pinapanood nila ni ate.

“Bakit ka nandito bessy?” Tanong ko pagkapasok na pagkapasok ko sa loob.

“Bessy! Kanina pa kita hinihintay! Urgent to! Bukas na tayo aalis. Hired ka na bessy—este hired na tayo!”

“Tayo?”

“Oo! Hindi kita pwedeng pag-isahin dun no! Kasama syempre ako. Aalis na tayo bukas, so go pack up your clothes na.”

“Bukas agad?”

“U-huh! Wala nang atrasan to bessy. Kaya natin to. Aja!”

XOXO

Oh my! Aalis na si Glazy  iiwan na niya si Kelvin. Ano nga kaya ang plano ni Stacey? Makatulong kaya ito sa mag-asawa? LAST 2 CHAPTERS NA LANG! MALAPIT NA ANG ENDING xD Mamimiss nyo ba sina Kelvin at Glazy? Ako mamimiss ko sila :3

Lalalalalab ♥

sayonara_chinji

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon