CHAPTER 60: THERE WAS NOTHING WRONG

6.6K 162 18
                                    

CHAPTER 60: THERE WAS NOTHING WRONG

"Kelvin!" Kanina ko pa sya tinatawag pero ayaw nyang lumingon!

I keep on running palapit sa kanya.

Pagod na pagod na ako.

Kahit anong bilis ng takbo ko, hindi ko sya maabutan.

Palayo sya ng palayo.

"Kelvin! Wag mo akong iwan!"

"Kelvin!"

Napabalikwas ako at habol habol ko ang hininga ko.

I look around. Nandito pa rin pala ako sa hotel.

Isang panaginip.

Masamang panaginip pero pakiramdam ko totoo.

Ano ba tong iniisip ko?! Matagal ng nangyari ang panaginip na yon.

Matagal nang lumayo sa akin si Kelvin.

Ipinikit ko ang mga mata ko at naramdaman kong may tubig na dumaloy sa pisngi ko.

Stupid Glazy! Pag-uwi mo sa Pilipinas i-google mo kung paano maka-move on!

Nagshower na ako at nag-ayos pagkatapos.

Kahit na hapon pa ang flight ko, pupunta na ako sa Airport.

Hanggat maaari, ayoko nang makita sya.

Kahit makasalubong, ayoko na.

Nakapagdesisyon na ako. Gagawin ko ang lahat upang makalimutan si Kelvin.

Mabubuhay ako kagaya nya.

Kahit na mahirap, kakayanin ko.

***

Pilipinas

"Glazy anak! Dito!" Narinig kong sigaw ni mama.

Pakiramdam ko mukha akong zombie na naglalakad sa Airport.

Kaya naman pagkalapit ko sa kanila, nalait agad ako ni ate Wenzy.

"Hulaan ko, binisita ka ni sadako sa japan no?! Mukha kang multo! Ang panget mo!"

"Wenzy?!" saway ni mama.

Iniabot ko na lang kay mama yung maleta ko at magsisimula na sanang maglakad nang..

"Nasaan ang asawa mo?" Biglaang tanong ni mama.

Hindi ko tuloy napigilang ngumuso.

Oo nga pala ang bilin ni mama wag na wag akong uuwi nang hindi kasama si Kelvin.

"Mama pagod na ako. Umuwi na tayo." I said kaya lang..

"Oh ayan na pala ang manugang ko eh! Ikaw talagang bata ka iniiwan mo ang asawa mo!" sabay hampas sa balikat ko.

Te-teka.. ano daw?!

I turn around para tingnan ang sinabi ni mama.

And my eyes fell.

Anong ginagawa nya dito sa Pilipinas?!

Para na akong napako sa kinatatayuan ko.

Hindi kaya iisang eroplano lang din ang sinakyan namin?!

Hindi. Napailing tuloy ako.

Sinalubong sya ni mama.

Nakakaloka!

At ito ang mas nakakaloka, nakangiti sya at nakipagbeso beso pa kay mama.

Nananaginip ba ako?

Baka naman continuation to ng panaginip ko kanina?

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon