CHAPTER 50: BAREFOOT CINDERELLA

7.6K 155 9
                                    

CHAPTER 50: BAREFOOT CINDERELLA

Umiwas ako.

Alam kong nalungkot sya o siguro nadisappoint.

Pero kailangan ko yung gawin, dahil kapag pinabayaan ko sya I'm sure hindi na ako makakatanggi.

Magkatalikuran tuloy kaming natulog.

Gusto kong magsorry at yakapin sya pero..

hanggang umaga hindi ko nagawa.

**

2nd day ng deal namin.

Nandito kami ngayon sa St. Dominic University.

Ang sabi ni Kelvin, marami daw kaming memories dito.

Syempre alam ko yun.

Dinala nya ako sa dati kong classroom.

Kung maka-irit naman yung mga babaeng estudyante parang nakakita ng artista!

Kasalanan mo yan Kelvin! Bakit kase ipinanganak kang gwapo?

Tapos pumunta din kami sa cafeteria.

Doon ko daw isinigaw na bading sya! Haha! Grabe pigil na pigil ang tawa ko dun! Hindi na ako magtataka kung mauutot ako mamaya.

Papunta na sana kami sa office ng mommy niya nang makaramdam ako ng tawag ni mother nature.

Mabuti na lang may nadaanan kaming restroom.

Pagkapasok ko sa loob, wala akong nadatnan na tao.

Ang lakilaki pa naman ng cr na to. Nakakakaba tuloy!

Pumasok na ako sa pinakaunang cubicle.

Kakaupo ko pa lang ng biglang namatay ang ilaw!

Automatic akong napatayo.

Inayos ko ang sarili ko nang biglang may narinig akong nagflush.

Waaah! Mama!

Dahil sa sobrang pagmamadali ko, muntik ko ng masira yung lock ng cubicle!

Nakapikit kong tinakbo yung pinto palabas.

Kaya lang naramdaman ko na iisa na lang ang suot kong doll shoes!

Babalikan ko ba?

Nah! Wag na lang!

Dali dali kong hinubad yung isa at nagtatakbo na palabas ng cr.

Hindi pa ako nakakalayo ng bigla akong mabunggo sa dingding.

Mali pala.

Hindi sa dingding kundi kay Kelvin.

"Aray.." Himas himas ko yung ilong ko na nadeform yata sa lakas ng impact.

"Why are you running?" narinig kong tanong nya.

"M-may something kase dun sa cr! Biglang.. biglang namatay ang ilaw tapos may nagflush pa!" ewan ko lang kung naintindihan nya.

"Wifey tinatakot mo lang ang sarili mo."

"Hindi! Talagang--"

Bigla nyang hinawakan ang pisngi ko.

I look at him.

Nakangiti sya sa akin na para bang sinasabi ng mga mata nya na wala akong dapat ikatakot.

Dahil nandito sya.

"Let's go. Tumawag si Mom, she's in a meeting right now." Tapos hinawakan na nya ako sa kamay at nagsimula na kaming maglakad.

At habang pumaparada kami sa hallway (pumaparada kase ang daming students na nanonood at kinikilig sa asawa ko -_- kamusta naman yun?!) naalala ko na nakayapak ako!

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon