CHAPTER 51: WE WERE HAPPY </3
Napatayo ako dahil sa biglaang pagsulpot ni Kelvin.
Nakita ko rin sa gilid ng mga mata ko na tumayo din si Niegel.
Bukod sa sinabi kong ‘salamat’ kay Niegel, ano pa kayang narinig niya?
Parang nagwawala sa dibdib ko ang puso ko. Anong dapat kong sabihin?
“Marunong mag-appreciate ng tulong ang asawa mo. Hindi ba dapat matuwa ka?” Ano ba itong sinasabi ni Niegel?! Nako naman oh, baka kung ano pang isipin ni Kelvin!
Yung mga mata ni Kelvin parang nagliliyab! Kulang na lang masunog na si Niegel. I bet ramdam din niya ang tingin ni Kelvin kaya nagsuot siya ng shades. Aisht! Ano ba ‘tong mga naiisip ko?!
“We’re leaving.. now.” Halos ma-out of balance ako sa ginawang paghila sa akin ni Kelvin.
Tuloy-tuloy lang siya kahit na nag-rereact na ako sa higpit ng hawak niya sa braso ko.
Then I heard Niegel shouts.
“Glazy! I’ll call you!”
After niyang isigaw yan, ramdam kong mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Kelvin sa akin. Tapos hindi na yata matatawag na lakad yung ginagawa niya, takbo na ang right term.
Galit ba siya?
O nagseselos?
Kahit na ano pa yan, hindi ba niya alam na nasasaktan na ako?! Lumalabas ang pagiging sadista niya grabe.
Pagkarating namin sa labas ng bahay ampunan, hindi ko na kinaya ang higpit ng hawak ni Kelvin, pati na rin ang bilis ng pagkaladkad niya sa akin.
“Kelvin ano ba?! Masakit na huh!” Buong lakas kong binawi ang braso ko sa galit na galit niyang kamay.
Himas-himas ko ang braso ko na namumula na ngayon.
Napansin kong nakayamukos naman ang mga kamao niya. Ramdam ko pa din ang itim niyang aura.
“Ano bang problema mo?!” Bulyaw ko sa kanya.
He looks at me na puno ng katanungan ang mga mata with his eyebrows colliding.
“What do you think?” Kalmado ang boses niya but at the same time parang may banta.
I cleared my throat. Ano sa tingin ko? Sa tingin ko, nagseselos lang siya!
“Alam mo—“ Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa bigla siyang sumigaw.
“BAKIT KAILANGAN KA PA NIYANGTAWAGAN?!”
Sa tingin ko, kasya na ang isang malaking pakwan sa bibig ko.
Pakiulit nga.
Yung totoo?
Pulang-pula ang mukha niya. Habol niya ang hininga niya na para bang nagmarathon.
Pagkatapos nun, nagmartsa na siya papunta sa kotse. Sumakay siya dun na hindi man lang lumilingon sa akin.
Secretly.. I smiled.
Ang hubby ko nagseselos. Ang cuuuuuute!
**
Akala ko cute ang mga nangyayare kase ang cute niyang magselos eh, but I’m wrong.
Hindi niya ako pinapansin.
Para lang akong hangin na dinadaan-daanan niya.
Hindi ko naman alam kung papaano ko siya ia-approach.
BINABASA MO ANG
Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)
HumorBOOK 2 of DANGER SERIES *This story contains emoticons. Bakas pa ang jejemon days sa way ng pagkakasulat. *I will never edit this story, dahil dito ko nakikita ang difference ng pagsusulat at pag-iisip ko noon. (The truth is tamad lang talaga ako.)...