CHAPTER 64: LAST WISH ♥
“Mag-iingat kayo dun ha. Nako eh wag kayong maglalalabas dun tuwing gabi. Tatawag ka Glazy anak kapag nakarating na kayo sa Batangas ha.” Actually kanina pa nagpapaalam si Mama. Paulit ulit lang naman ang mga sinasabi.
Kung dati gustong gusto kong makalayo, ngayon parang nagbago bigla.
Halong kaba, takot at sakit ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako dahil hindi ako sigurado sa hinaharap namin sa lugar na ‘yon. Natatakot ako na baka tuluyan na nga akong makalimutan ni Kelvin. At nasasaktan ako dahil sa ginawa kong desisyon.
“Tara na Bessy!” Sigaw ni Inggrid. Nakasakay na pala siya sa kotse niya.
Sa huling pagkakataon, yumakap ako kay mama.
Pagkatapos nun sumakay na ako.
Kailangan kong tatagan ang loob ko. Kung hindi, siguradong ako ang talunan.
Magbabagong buhay ako sa lugar kung saan hindi ko na siya makikita. Gagawin ko yun hindi lang para sa sarili ko, kun’di para din sa kanya.
***
KELVIN’S POV:
Umagang umaga traffic?
Halos masira ko na ang busina nitong kotse nang mapatingin ako sa kabilang kotse.
I rolled down the window.
It’s him. Ang lalaking ka-date ni Glazy kahapon! What a coincidence!
Binuksan niya din ang window ng kotse niya. And he’s ready for a deadly stare game.
I smirked kasabay nang pag-andar ng sasakyan sa harapan and I left him burning.
It’s a miracle medyo lumuwag ang traffic kaya nakarating ako agad sa Global Hotel.
Ito ang hindi coincidence. He purposely followed me.
Halos magkasabay kaming lumabas ng kotse.
But he walked first. Tumigil siya sa gilid ko.
“Let’s talk.” He said and then started to walk again papasok sa Hotel.
I followed him hanggang sa fine dining restaurant.
We sat there for almost 5 minutes without talking.
Until I lose my patience.
“Sabihin mo na kung anong sasabihin mo.”
He smirked.
“Si Glazy.. hindi mo ba siya pipigilan?”
“What are you talking about?”
“Paalis na siya ngayon. And she’s not thinking of coming back. Sana man lang may gawin ka.”
Now is my time to smirk.
Mukhang hindi niya nakuha ang simple kong sagot.
I stood up.
And before I left,
“Don’t worry. I have my own plans. You just need to sit back and watch kung anong kaya kong gawin para sa kanya.”
***
GLAZY’S POV:
BINABASA MO ANG
Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)
HumorBOOK 2 of DANGER SERIES *This story contains emoticons. Bakas pa ang jejemon days sa way ng pagkakasulat. *I will never edit this story, dahil dito ko nakikita ang difference ng pagsusulat at pag-iisip ko noon. (The truth is tamad lang talaga ako.)...