CHAPTER 58: MY PLAN

6.1K 142 9
                                    

CHAPTER 58: MY PLAN

"Nagkita na kayo?" Sa tono nya parang hindi sya naniniwala.

Ang tadhana ang gumawa ng paraan para mahanap ko sya.

Kaya kahit anong taboy nya saken hindi pa rin ako susuko!

Itinaktak ko sa bibig ko ang natitirang sabaw ng noodles na ibinigay sa akin ni Nay Lotlot. Sya yung Pilipino na nakilala ko kahapon, remember?

Binisita ko kase ulit sya pagkaalis ko sa school kanina.

Naubos na yata ang luha ko pero yung sakit.. lalong tumindi.

Naisip ko tuloy na darating ang oras na magiging immune na ako sa sakit ng mga sinasabi at ikinikilos ni Kelvin.

Sana nga lang dumating na agad ang panahon na yon para hindi na ako manghina ng ganito.

"Pinapauwi na nya ako sa Pilipinas." Pinilit kong ngumiti para hindi mahalata ang nararamdaman ko.

"Kapag ba umuwi ka na, susunod sya?"

Umiling ako.

"Hay! Akala ko pa naman ayos na kayo. Eh ano ng plano mo ngayon?"

"Plano?" I smile mischievously.

Hindi ko sya titigilan. Iyon ang plano ko.

***

"I can do this! Fighting Glazy! Fighting!" Isinara ko yung zipper ng jacket ko hanggang leeg pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto.

First stop: lobby

Kailangan ko syang hintayin dito.

Inalam ko kase kanina yung oras ng uwi ni Kelvin. Sa mga oras na to dapat on the way na sya dito. Wag lang sana syang magstop over sa kung saan saan.

Uupo pa lang sana ako sa sosyslen nilang sofa ng matanaw ko sya bigla.

Papasok na sya ngayon sa hotel.

I tried my best to be normal.

Sinusundan ko lang sya ng tingin na parang isang spy.

At ng sumakay na sya sa elevator, tumakbo na ako ng sobrang bilis para makahabol.

Akala ko hindi na ako aabot. Kase naman muntikan na akong madulas!

May attendant na pumigil sa pagsara ng elevator at inalalayan pa ako papasok dito.

Kitang kita ko ang pagkagulat ni Kelvin ng makita nya ako.

Hindi nya siguro ineexpect. Well fyi no! Dito din kaya ako nakacheck in! Hmp!

Umisod ako dahan dahan para magkatapat kami.

Dahil sa salamin ang paligid ng elevator, kitang kita ko ang reaction ni Kelvin. At masasabi ko na sobrang seryoso ng expression nya.

Nakakaloka! Wala man lang bakas ng pagka--ahm.. hindi ko mahanap ang tamang word! Ano nga bang dapat na maging reaction nya?

Nagstop ang elevator sa 23rd floor. Ang floor kung nasaan ang room ko. Shete.

Napatingin sa akin yung roomboy na kasakay namin.

I remember him. Sya yung nag-assist sa akin kahapon ng magcheck in ako dito.

Iniisip nya siguro na dito na ako lalabas. Badtrip ka kuya! Grrr!

Sa gilid ng mga mata ko, nakikita kong nakatingin na din sa akin si Kelvin.

Tumingala ako para kunwari wala akong pake.

At bago magsara na ng tuluyan ang elevator, lumabas na din sa wakas si kuya! Success!

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon