CHAPTER 19: LIONDELLE (B)

8.5K 159 2
                                    

CHAPTER 19: LIONDELLE (B)

GLAZY's POV:

I found myself sa loob ng isang parang stock room.May biglang humila kase sa akin.

Iirit na sana ako dahil sa pagkabigla kung hindi lang nagbukas ang ilaw sa lugar na yon.

Niegel?!

"A-anong ginagawa mo dito?"

Seriously nagulat talaga ako.

Hindi ko ineexpect na makikita ko ulit siya. Lalong lalo na sa lugar na to.

Instead na sumagot, nginitian niya lang ako.

**************

"Ano nga palang ginagawa mo dun sa Liondelle Company?"

"Ah.. dun ba, kase isinama ako ng bestfriend ko sa building na yon. may ibibigay sana siya sa akin kaya lang bigla siyang naging busy." Paliwanag ko.

Naglalakad na kami ngayon palayo sa Liondelle Company. Hihintayin ko pa sana si Inggrid pero hinigit na ako palabas ng building ni Niegel.

Ewan ko ba dito sa lalaking to at masyadong nagmamadaling lumabas.

"Eh ikaw? Anong ginagawa mo dun?" Tanong ko naman sa kanya.

Napahimas pa siya sa batok niya bago sumagot.

"Nagpasa ako ng resume. Nagbabakasakali na makahanap ng trabaho."

Napatango na lang ako.

Pero kung titingnan mo naman siya, iisipin mo isa siyang happy go lucky na lalaki at hindi na kailangan ng trabaho para mabuhay.

Well I guess, hindi mo talaga dapat hinuhusgahan ang isang tao base sa hitsura niya.

"Glazy, may gagawin ka ba bukas?"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko yung tanong niya.

Siya naman pumunta sa harapan ko with a sincere look.

"Ahm wala naman sigurong masama kung magdate tayo. Di ba?"

Yung totoo?! Lagi na lang niya akong ginugulat ha.

Imbis na sumagot, tinawanan ko na lang siya.

Kaya lang mukha siyang seryoso talaga.

"Hindi ba yun joke?" Tanong ko pagkatapos na maubos yung tawa ko.

"Hindi ko akalain na magmumukha siyang joke. But to be honest, hindi."

Oh My gee.. Seryoso siya?

"Niegel kase hindi ko pa nababanggit sayo na--"

"Kasal ka na."

"Eh? Pano- I mean kanino mo nalaman?"

"Sabihin na lang natin na.. naghire ako ng private investigator para malaman ang background mo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Joke lang. Hahahaha"

Inihampas ko sa kanya yung bag ko, pero mahina lang. Lokohin ba ako?! Pero sa totoo lang kinabahan ako nun. Para kasing seryoso siya e.

"Okay lang naman sa akin na maging kabit mo e." Nakangisi niyang sabi.

"Hoy umayos ka nga! Wala akong balak na pagtaksilan ang asawa ko."

I said habang inaayos yung sakbit ng bag ko sa balikat ko.

"WEh? Sigurado ako mas GWAPO at mas malakas ang SEX APPEAL ko kesa sa asawa mo."

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon