CHAPTER 24: TOUCH MY HAND
Hindi na ako nakapag-ayos dahil sa pagmamadali.
Bakit ba sya pumunta dun? Anong pumasok sa isip ng mokong na yun? Nakadrugs ba sya?
Nakiayon naman ang kalsada sa akin. Wala kasing trapik kaya madali akong nakarating sa bahay ni mama.
May nakaparadang blue na kotse sa gilid ng gate. I assume kay Niegel yun.
"Hoy babae kanina ka pa hinihintay ng kaibigan mo sa loob!" Bungad sa akin ni Ate Wenzy ng makita nya akong papasok sa gate.
"Tita Glazy!" Magkasabay pa talaga si Win at Lex sa pagbati sa akin ha.
Namiss ko tong dalawang to e.
Pareho silang yumakap sa akin, muntik pa tuloy akong magtaob.
"Mga good boy ba kayo ha?" tanong ko.
"Nako palagi yang nag-aaway! Tingnan mo nga at puro bangas si Lex!"
Inangat ko ang ulo ni Lex and may bangas nga sya. Nakow! Kebatabata pa basagulero na.
"Mana ata sayo te!" pang-asar ko kay ate.
Natigilan tuloy sya sa pagwawalis at mukhang ibabato saken ang walis.
"Hahaha joke lang to naman!" bawi ko.
"Kung may pagmamanahan man yang dalawang yan e malamang sa malamang sa tatay nilang abnormal!"
"Ate talaga masyadong bitter."
Nagulat na lang ako ng biglang lumabas si Niegel.
"Nainip." sabi ni ate.
"Ah.. hiramin ko muna po si Glazy." Eh? Hiramin talaga ang term?
"Oo ba! Kahit hindi mo na ibalik." ate
"Sige po alis na kami." Niegel.
Nagmamadali ba sya? Higit higit nya kase ako palabas ng gate.
At bago pa ako makasakay sa kotse nya narinig kong sumigaw si Win.
"Lagot ka kay Tito Kelvin!"
Tapos tawa ng tawa si ate. Baliw talaga.
Ayun habang nasa sasakyan tinanong ko si Niegel kung san kami pupunta. Ang sagot naman ng loko maniningil daw ng utang.
Aba bumbay na sya ngayon? Dapat nakamotor sya hindi kotse haha.
Sa hinabahaba ng biyahe sa mall lang pala ang destination namin.
Grabe nahiya naman ako sa outfit ko.
Itong kasama ko todo pustura samantalang ako parang bagong hinigit lang sa kanto.
Nakashorts lang kase ako pero hindi yung pekpek shorts. Above knee naman sya tapos yung pantaas ko is simpleng white tshirt na maluwag at nakatsinelas lang ako.
Imagine? Pambahay na pambahay.
Ang balak ko lang kase talaga ay puntahan lang si Niegel sa bahay ni mama para pauwiin na. Yung totoo anong ginagawa ko dito kasama sya?
Nagulat ako ng bigla kong maramdaman ang kamay nya sa balikat ko. Aba at umakbay ang loko!
Pasimple kong tinanggal ang kamay nya. Mahirap na baka may matang makakita. Ngayon pa na nasa escalator kami.
Okay sana kung sya si Kelvin. Aba hindi ko talaga tatanggalin yun. Iguglue ko pa para forever na syang nakaakbay haha!
"San ba dito yung sisingilin mo?" Lakad lang kase kami ng lakad.
BINABASA MO ANG
Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)
HumorBOOK 2 of DANGER SERIES *This story contains emoticons. Bakas pa ang jejemon days sa way ng pagkakasulat. *I will never edit this story, dahil dito ko nakikita ang difference ng pagsusulat at pag-iisip ko noon. (The truth is tamad lang talaga ako.)...