CHAPTER 41: HUG

7.2K 152 16
                                    

CHAPTER 41: HUG

GLAZY'S POV:

Tinulungan ako ni Niegel na magluto.

Sabay na din kaming naghapunan sa Apartment nya.

Pagkatapos nun, nagpaalam na sya saken.

Ang sabi nya babalik daw sya bukas.

Ang weird nga eh kase kanina nang kasama ko pa si Niegel, pinapakiramdaman ko ang puso ko. Baka kase normal lang yung naramdaman ko sa mall.

Alam nyo na, yung sobrang bilis na tibok ng puso ko nang makaharap ko yung lalaking bumunggo sa akin.

Kaya lang, hindi ko yun naramdaman kay Niegel.

Humarap ako sa glass window ng bedroom kung saan tanaw na tanaw ko ang city lights.

Bakit ganun?

Sariwang sariwa pa ang familiar na pakiramdam sa isip ko.

Siguro kailangan ko lang ng hangin.

Nagsuot ako ng jacket at isinuot ang hood sa ulo ko.

Then, bumaba na ako at lumabas sa mismong building para maglakadlakad.

Medyo malamig ang hangin, mabuti pala at naisipan kong magjacket.

Kung saan ako pupunta? Hindi ko alam.

Basta lakad lang ako ng lakad.

May nakita pa nga akong tansan e.

Sinipa sipa ko yun hanggang sa mawala na sya sa paningin ko dahil sa crowd of students na nakasalubong ko.

Teka!

Si Inggrid nga pala!

Namimiss ko na sya.

Ah! Alam ko na! Tatawagan ko sya.

Naglakad lakad pa ako hanggang sa may nakita akong payphone.

Agad ko itong hinulugan ng pera at dinaial ang number ni Inggrid.

Isang ring pa lang sinagot na nya.

( Hello? Sino to? )

Bessy.. okay lang kaya kung malaman mo na agad na buhay ako?

( Hello?! Prank call na naman?! Stop it! Hindi na nakakatuwa huh! )

"Bessy.." Hindi ko na nakaya.

( April fools day duh! Hindi nyo ako matatakot! Never akong minulto ng bessy ko bye! )

*toot.. toot.. toot*

Hindi pala ganun kadaling bumalik.

Maybe it's not the right time.

***

TOM'S POV:

"Aray! Loko ka ah!"

Batukan ba kase ako?! Loko tong si Marky!

"Kapag nalunod yan sa alak humanda ka sa Lolo nyan!" Sermon nya sabay straight sa buong bote.

Lintek baka sya pa ang unang malasing kaysa kay Kelvin!

Pero..

Kanina pa nga umiinom si Kelvin.

Sinunukan ko syang pigilan kaya lang ayaw talagang paawat.

Nakahiwalay sya ng table sa amin kase gusto nya daw mag-isa.

Kasalanan ko ba?

Sinabi ko lang naman kung anong nakita ko! Wala akong kasalanan!

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon