CHAPTER 37: TOTALLY STRANGER

7.2K 155 16
                                    

CHAPTER 37: TOTALLY STRANGER

GLAZY'S POV:

"Teka lang! Hintayin nyo ko! Sasakay ako!" Pilit kong hinahabol ang kakaalis pa lang na bus.

Naman kase eh! Ilang oras ba ako kumain sa restaurant na yun?

Inabot ako ng gabi. Grabe sobrang kamalasan na to.

Nang mapagod na ako sa kakatakbo, napagdesisyunan kong sumuko na.

Tutal ang layo layo na ng bus at imposible na din akong mapansin ng driver.

Bumalik na lang ako sa terminal.

"Kuya, wala na po ba talagang susunod na biyahe?" Alam ko nakukulitan na si Kuya kakatanong ko sa kanya simula ng dumating ako dito.

Patuloy lang sya sa pag-aayos ng gamit nya sa bag. Sya kase yung mamang nagtatawag ng pasahero. Kunduktor ata tawag dun.

"Ne sinabi ko na sayo kanina ah. Bukas na ng ala-sais ng umaga ang susunod na biyahe. Huli na yung kanina wala ng susunod dun ngayong gabi." sabi nya tsaka umalis.

"Lagot na." nasabi ko sa sarili ko.

Gusto kong umiyak. Wala akong kakilala sa lugar na to.

Saan ako matutulog?

Sa kalsada? Nah! Masyadong delikado! Hindi pwede.

Siguro maghahanap na lang ako ng matutuluyan.

Nagsimula na akong maglakad palayo sa terminal.

Marielle ang malas mo talaga. Last time na tiningnan ko wala naman akong balat sa puwet.

Naupo ako sa shade. Hindi ko alam kung anong sasakyan ang tumitigil dito pero sana may pauwi sa amin.

Lagot ako nito kay Manang Linda. Panigurado mag-aalala sya.

Isasandal ko na sana ang ulo ko sa poste na nasa gilid ko ng may magsalita.

"Runner ka ba? Ang bilis mong tumakbo."

Waah! Sya yung lalaki sa restaurant!

Maniningil na sya.

Umayos ako ng upo. Pati yung scarf ko inayos ko din baka kase makita nya ang mukha ko.

Hindi ako tumitingin sa kanya ng deretso. Pero sa gilid ng mga mata ko nakita kong umupo sya sa tabi ko.

Wala ba syang balak umuwi na lang?

"Bakit ka tumakbo? I already paid your bill wala ka dapat ipag-alala."

"..."

"Hindi ka taga dito no?"

"..."

"Saan mo balak magpalipas ng gabi?"

"..."

"Alam mo mahirap kausapin ang sarili. Magsalita ka naman."

"May.. may nakapagsabi sa akin na wag akong basta basta makipag-usap sa hindi kakilala."

"Haha. Yah now I understand. If that's the case let's get to know each other. I'm Niegel." Ngayon naman nakalahad ang kamay nya for shake hands.

Tatanggapin ko ba?

This time tumingin na ako sa kanya.

Sa mga mata nya.

Bakit..

Bakit pakiramdam ko matagal ko na syang kilala?

Hahawakan ko na sana ang kamay nya ng iniwas nya at aktong hahawakan ang scarf na suot ko.

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon