CHAPTER 29: MISSING RING

7.6K 150 11
                                    

CHAPTER 29: MISSING RING

"Ma'm Glazy ako na lang ang pupunta sa wet market. Maggala gala muna kayo."

"Sige po yaya. Txt na lang po kayo pagkatapos nyo." showing my cellphone.

"Ay itong batang ito talaga alam mo naman na wala akong cellphone!"

"Haha! Joke lang po. Babalik din po ako dito."

"Oh sya sige at ng maaga tayong makauwi. Papasok na ako sa loob. Mag-ingat ka ma'm Glazy." sabay pat sa braso ko.

"Kayo din po. Mag-ingat kayo sa mga isda."

After that naghiwalay na kami ni yaya simang.

Sumama kasi ako sa kanya na mag-grocery. Nakakatamad kaya sa bahay.

Lalo pa at naaalala ko ang nangyari kagabi, nalulungkot lang ako.

Hindi ko akalain na magwiwish sya ng ganun. Sobta ba syang nabwiset sa akin?

Nah! Hindi na sya nasanay sa akin. Nakakawalang gana talaga.

Naglakadlakad lang ako hanggang sa sumakit na ang mga paa ko.

Halos nalibot ko na nga ang buong mall kakalakad e.

Tumigil muna ako sandali. Nakakagutom din palang maglakad no.

San kaya makakain?

I look around.

Oooh~ sakto nga naman!

Nasa tapat pala ako ng cake shop. I'm craving for chocolate cake yiiie!

Teka.. ano kaya kung dalhan ko si Kelvin ng cake?

Oo nga tama! Malay mo marealize nya na hindi sya naging good husband sa maganda nyang asawa kagabi.

I nod just by thinking that.

Bibilhan ko sya ng chocolate cake!

****

KELVIN's POV:

The elevator was about to close when soneone hold the door.

It's Mr. Rubio, the managing officer of planning department.

If I'm not wrong he is the former executive secretary of the chairman. Nademote dahil sa pagiging iresponsable.

He entered the elevator and stood beside me.

"I heard may nakatagong alas ang Liondelle Corporation. You should not underestimate them." Expected ko ng yan ang sasabihin nya.

"I'm not underestimating them. In fact I'm considering their hidden Ace as a challenge. And you know what Mr. Rubio, Whoever tries to block my way will be dead." then I glare at him.

"Be careful of what you're saying." I don't know but ... it's really a mischievous smile that I saw on his freakin' face.

This old man... Ano bang gusto nyang palabasin?!

****

GLAZY'S POV:

"Nasa meeting si Sir Kelvin." Mataray na sabi ng echuserang secretary ni Kelvin.

"Ah sige ilalagay ko na lang sa office nya." I said at aktong papasok na ng biglang tumayo si red lipstick girl at sa humarang sa daan.

Ugh! Ano bang problema nito?!

"Hindi mo ba ako narinig? I said wala si Sir Kelvin!" Aba at pinagtataasan pa talaga nya ko ng kilay ha.

"Hindi ako bingi. Ikaw narinig mo ba ang sinabi ko?" Akala nya hindi ako lalaban huh.

"Ugh! I don't care if you're the wife. I'm just following an order. Hindi ka pwedeng pumasok." eh kung kutusan ko kaya sya?!

"Miss red-este secretary, iiwan ko lang naman sa office ng asawa ko itong binili kong cake. So padaanin mo na ko hanggat mabait na version pa ang nakakaharap mo." taasan ko din sya ng kilay.

Then suddenly inagaw nya sa akin ang box of chocolate cake.

"Hoy--"

"Ako na magbibigay kay sir Kelvin!"

Ugh! Argh!

Dahil sa sobrang inis umalis na lang ako.

Pag lang talaga hindi nya ibinigay yun kay Kelvin, makakalbo ko yung babaitang yun!

Pumunta muna ko sa powder room na nasa floor lang din na yun.

I stare at the mirror for a moment.

Psh. Di hamak naman na mas maganda ako sa echuserang secretary na yun.

Kung makaasta sya akala mo kung sino!

Buong lakas kong pinindot ang gripo.

Huhugasan ko na sana yung kamay ko ng maalala ko na may suot nga pala akong singsing. Ang wedding ring namin ni Kelvin.

Dali dali kong hinubad at ipinatong sa tabi ng isang pot na may nakatanim na ewan ko ba kung anong klaseng halaman.

Ang weird ko ba? Nasanay na kase akong hindi binabasa yung singsing.

Tapos yun naghugas na ko ng kamay. Hindi pa nga ako nakuntento e, naghilamos na din ako ng bongga. Alam nyo kung bakit?

Haha! Nakita ko sa salamin na nakared lipstick pala ako. Silly me! Never ko ng gagamitin yung lipstick na yun baka akalain pa nya na ginagaya ko sya.

Pagkatapos nun syempre nag-ayos na ulit ako. Pink lipstick na yung ginamit ko. Mabuti na lang may dala akong ibang kulay.

Palabas na ako ng makasalubong ko pa si Echuserang secretary. Grrr! Magreretouch siguro ng lipstick nya.

Hindi ko na sya pinansin. Nagmadali na ako dahil sa naalala ko si Yaya Simang. Nako baka kanina pa yun naghihintay.

Pinindot ko na yung elevator pababa.

Ng mapansin ko na...

WALA SA DALIRI KO YUNG SINGSING!

XOXO

Hey readers *kawai*kawai* thank you sa patuloy na suporta. lablab ko kayo lahat.

Basta sa mga susunod na chapters magugulat kayo haha! Mepasabog?!

Anyway may pasok na ako ulit sa monday. Pero don't you worry dahil patuloy ang update ng story na to.

Soooo wag sana kayo magsasawang magvote and comment.

:))

ang maganda nyong otor,

sayonara_chinji

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon