CHAPTER 31: 4TH WISH

7.7K 163 7
                                    

CHAPTER 31: 4TH WISH

Dear life,

Ngayon may sinaktan akong tao. Hindi physically kundi emotionally. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Alam nya na may asawa akong tao pero iniinsist pa din nya ang feelings nya.

Tama bang sabihin ko na 'lilipas din yan'? Tapos sinabayan ko pa ng walk out.

Omo! Kailan pa ako naging maganda?!

Nakakalungkot. Nabawasan na naman ang list of friends ko.

"Oh ma'm Glazy nandito na po pala kayo. Ihahanda ko na ho ba ang ginawa nyong cake?"

I look at the maid na nasa harapan ko na. Sya ata si Rica...not sure.

Grabe kanina pa ako nakaupo dito tapos ngayon nya lang ako napansin.

Pati ba sa mga mata nila nagiging invisible na din ako?

"Wag na lang. Wala akong gana." I said then umakyat na ako sa kwarto.

***

KELVIN'S POV:

"Have she taken her dinner?" I asked the maid.

We are both looking at Glazy while she's going upstrairs slowmo.

"Ah sir Kelvin kayo po pala yan!" Nagulat ko ata sya.

"I'm asking if kumain na ang asawa ko."

"Hindi pa po. Wala daw po kase syang gana. Napapansin ko nga po Sir Kelvin lagi na lang syang walang gana. Namamayat na nga po si Ma'm e."

She's really torturing herself.

Wifey.. why are you doing this?

****

GLAZY'S POV:

Tch. Nakaidlip pala ako ng hindi pa nagpapalit ng damit.

Tiningnan ko ang alarm clock sa tabi ng kama.

9:24 na.

Pinilit ko ang sarili kong bumangon kahit na parang hinihila ako ng kama. And still pumipikit ng kusa ang mga mata ko.

Kinapa ko ng paa ang hello kitty kong tsinelas sa ilalim ng kama.

Ang bigat bigat ng katawan ko!

At ng makapa ko na, I opened my eyes.

And guess what kung anong bumungad sa akin.

May nakapatong na tray na punung puno ng pagkain sa side table ng kama.

Teka.. bakit may ganyan?

Lumapit ako at kinusot kusot ko pa ang mga mata ko.

Mga pagkain nga talaga.

At may note pa sa gilid ah.

I picked it up and read.

"Fourth wish. Don't skip meals."

Eh?

I look around.

Wala naman si Kelvin.

Haay! Ang baluga talaga ng lalaking yun! Sinasayang nya lang ang wish nya

Pero mabuti na din yun para maubos na ang wishes nya! Hindi na nya ako mauuto.

Ibinalik ko sa tray yung note.

Great timing ah. Kumukulo na din ang tiyan ko e.

***

The next day.

"Nako ma'm Glazy okay lang po ba kayo? Napapadalas na yang pagsusuka ninyo ah." Sabi ng isang maid habang hinihimas ang likuran ko.

Binuksan ko ang gripo at agad na nagmumog.

"Ma'm Glazy magpatingin na po kayo sa doctor!" suggestion naman ng isa pang maid.

I breathe deeply.

Ilang araw na nga akong nagsusuka.

Hindi kaya..

"Waaah ma'm Glazy baka may malala na po kayong sakit!"

Hindi malayo.

"O kaya nafood poison po kayo!"

Pwede din.

"Sikmura yan! Lagi po kasi kayong nagpapalipas ng gutom."

Siguro nga.

"Hija, hindi kaya buntis ka?" Yaya Simang.

"PO?! Nako imposible!" Sinabayan ko pa ng todo iling.

"Bakit naman po imposible? Hindi po ba kayo nagtototoot ni Sir Kelvin?!"

"Rica! Yang bibig mo!" Saway ni Yaya Simang.

Grabe naisip nya yun. Nag-init tuloy ang mukha ko.

"Sorry po ma'm Glazy." Nahihiyang sabi nung Rica.

"Nako Ma'm Glazy namumula po kayo! Hindi kaya side effects yan ng gamot?" Panic ng isa pang maid.

Napahawak tuloy ako sa pisngi ko.

"Anong gamot? Wala namang iniinom na gamot si Ma'm Glazy." Rica.

"Ah wala ba. Akala ko kasi meron hehe. Pero namumula po talaga kayo ma'm Glazy!"

"Hoy Fe mahiya naman kayo. Bumalik na kayo sa trabaho nyo. Wag nyo ng guluhin pa si Ma'm Glazy!" Yaya Simang.

"Opo." Sabay nilang sagot tapos lumabas na din ng kitchen.

Oh My gulay mababaliw ako sa kanila! Pero may naaalala ako sa dalawang yun.

Yung triplets sa St. Dominic University. Haha. Nakakamiss din naman sila kahit papano. Except kay Krisha! Syempre baliw kaya yun no.

Maghapon na walang nangyari.

Nakakatamad na ang buhay ko I swear!

Ah teka may nabago pala! Naliyo kasi ako habang pababa ng hagdan.

Akala ko katapusan ko na. Mabuti at napaupo lang ako.

Kaya walang accident na naganap.

Napaisip tuloy ako.

Hindi kaya may malala akong sakit?

"Yaya, may check up pa ho kaya sa ganitong oras?" 6:20 na kasi at madilim na sa labas.

Sandali syang napatigil sa paghahalo ng kung ano sa mixing bowl.

"Sa pagkakaalam ko hindi nawawalan ng doctor sa hospital. Kaya malamang ay may check up pa ng ganitong oras."

"Sige po. Salamat."

After nun napagdesisyunan kong pumunta sa hospital.

Syempre nagpahatid ako sa driver ko. Ibinilin ko na lang kay Yaya Simang na kapag hinanap ako ni Kelvin e sabihin nya na umuwi ako kina mama.

Ayokong mag-alala sya.

Lalo na at malabo ang pagsasama namin ngayon.

Sana lang wala akong malalang sakit.

xxxxxxxxxxxx

ohmighad! Hinahanap nyo si Cross? Malaki ang magiging papel nya sa mga susunod na chapters. Pero baka pag-inilabas ko sya sabihin nyo itago ko na lang ulit haha!

dont forget to vote and leave a comment :))

ang otor nyong maganda,

sayonara_chinji

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon